Said I Love You, But I Lied - Chapter 16

247 8 2
                                    

Chapter 16:

A/N:

Susubukan kong gumamit ng Third Person’s POV. Subok lang. Hahaha!

-Master_Anoch

Pasway-sway ang balakang ni Mikki habang naglalakad papunta sa kwarto ni Karen. Wala ang kanyang ama kaya nagagawa nyang gumala sa buong bahay ng walang alinlangan.  Pagdating sa tapat ng kwarto, hindi na sya kumatok, dirediretso sya sa loob.

“Couz can I---” Nabitin ang kanyang sasabihin ng makita ang pinsang nakatulala. “Anong nangyari sa’yo? Para kang natuklaw ng ahas dyan.” Hindi sya pinansin ni Karen. Nanatili itong nakatitig sa kawalan.

Sa halip na mag-usisa pa, lumapit si Mikki sa mga drawer ng pinsan at hinanap ang sadya. Nang makita ang hair blower, agad syang puwesto sa harap ng salamin.

“Ang hirap talaga kapag andito si Papa. Para akong nagpipigil ng hininga. Ang bigat sa dibdib.” Nagsasalita sya habang nagpapatuyo ng buhok. “Hey Couz! Anong nangyari sa’yo? Bad dreams? Wet dreams?”  Saglit lang na sumulyap sa kanya ang pinsan saka mabilis ding bumalik sa dati.

“Ahh! I get it na. Badtrip ka?” Lumapit sya sa kama kung saan nakaupo ang pinsan. “Okey ka lang?”

“Alam mo kung ano ang nakakainis?” masungit na tanong ni Karen.

“Hindi. Ano ba kase yon?”

“Nakakainis? Iyong badtrip ka na tapos tatanungin ka pa kung okey ka lang. Di ba nakakainis?”

“HAHAHAHA! Kalma ka lang cousin. Ano bang nangyayari sa’yo? Aga-aga ang init ng ulo mo. Tell me. May nangyari ba? May problema ka ba?”

Pero sa halip na sumagot, nagtalukbong lang sya ng kumot at kinulong ang sarili sa loob. Napabuntunghininga na lang si Mikki sa inasal ng pinsan. Sanay na sya sa pinsan, kapag tinotopak. Hindi na lang nya sineseryoso ang mga trantums nito.

“Pupunta ako sa kabila. Sasama ka ba?” nanatiling walang kibo si Karen.  “Bahala ka kung ayaw mo. Basta ako pupunta. Exciting pa naman. Siguro sa mga oras na ito, nagbabangayan na ang dalawang iyon. I wonder kung sinong mananalo.”

Nasa may pinto na si Mikki ng magsalita si Karen.

“Anong ibig mong sabihin?” wala na rin ang kumot na kanina ay ginamit nyang pantakip sa buong katawan.

“Duuh! Don’t tell me nagiging slow ka na ngayon Couz? Asan na ang brainy mo?”

“ANO NGA?” binato nya ng unan si Mikki na agad namang nasalo. Nasa boses nya ang pagkairita. “Wala ako sa mood makipagbiruan ngayon. Nakikita mo na di ba? Badtrip ako.”

“Halata nga. Ano bang nangyayari sa iyong babae ka? Bakit ang sungit sungit mo?” mataray na sagot ni Mikki habang nakapamewang. “Don’t tell me nakalimutan mo na iyong nangyari kagabi? About Toni’s confession. So? Nakalimutan mo na nga?”

“Pinaalala mo pa.”

“What’s with pinaalala ko pa?” tanong ni Mikki habang nakaturo sa sarili.

“Gusto ko na ngang kalimutan lahat ng narinig ko kagabi tapos ngayon pinaalala mo pa. At paulit-ulit ka pa. Para kang sirang palaka dyan.”

“Ano bang pinagpuputok ng butse mo dyan? Bakit ka nagagalit? May rason ba para magalit ka?”

“Bakit wala ba? Sa kabila ng narinig ko lahat kagabi? Tell me Mark Anthony, wala ba akong karapatang magalit? Kung tutuusin nga pati sa’yo eh. Magkasama tayo sa iisang bubong pero wala ka man lang sinasabi sa akin. Mas mahalaga ba sa’yo si Toni kesa sa akin na sarili mong pinsan?”

Said I Love You, But I LiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon