Said I Love You, But I Lied - Chapter 11

334 10 1
                                    

Chapter 11:

TONI’s POV

“Toni maraming thank you talaga sa tulong mo. Hinding hindi ko makakalimutan ang bagay na ito.”

“Puro ka na lang kadramahan. Tama na nga.”

“Kahit magdrama ako buong buhay ko hindi ako magsasawa. Hindi mo lang alam kung gaano kalaking tulong ang nagawa mo para sa pamilya ko.”

“Tama si Kuya, Ate Toni. Thank you talaga. Nang dahil sa’yo mapapaopera na namin si Papa.”

“Akalain mo iyon? Nagsasalita ka pala? Akala ko pipi ka.”

“Ate naman ang hilig magjoke. Pero thank you talaga. Hayaan mo kapag nakagraduate ako, makakabayad din kami sa utang namin sa’yo.”

“Hindi naman utang yon. Bigay. Magkaiba ang utang sa bigay. Kayo talagang magkapatid ang kulit ng lahi nyo.”

Nauna na si Danica sa silid ng Papa nila. Sinamahan ko naman si Darwin upang kausapin ang Doktor ni Tito Dante. Mas mabuti ng maoperahan sya ng maaga para hindi na magkaroon ng anumang kumplikasyon ang sakit nya. Binigyan ko sila ng pera na syang gagamitin para sa operasyon. Hindi utang. Bigay.

Alam ko, kung nasaan man ang Mommy ko ngayon, matutuwa sya sa ginawa kong pagtulong sa pamilya ni Darwin.

Pagkatapos makipag-usap sa Doktor bumalik na kami sa silid ni Tito Dante. Ipinalipat ko rin sya ng silid. Kesa naman nakikipagsiksikan sya sa public room, baka lalo lang syang magkasakit, mas mabuti na iyong solo nya ang silid. Mas makakakilos pa sya ng maayos.

Pagpasok sa kwarto, naabutan naming nanonood ng tv si Tito Dante. May isang nurse na nag-aayos ng mga gamot na nasa gilid lang ng kama nya, habang itong si Danica, o Nica bising bisi sa pagtitig sa nurse. Titig ng may pagnanasa ika nga ni Mikki. Infairness, may hitsura naman iyong nurse.

“Pa ready na ba kayo? Sa makalawa na ang operasyon nyo.” Hininaan ni Tito Dante ang volume ng tv. Naupo si Darwin sa kama nya. Tumabi naman ako kay Nica na nakatitig pa rin sa nurse.

“Sabi ko naman sa inyo, hindi ko kailangan ng operasyon na yan. Ang lakas lakas ko pa.” Itinaas nya ang dalawang braso at tila pinapakita na malakas nga sya.

“Kayo ba ang doctor? O sige, kung ikaw ang doctor eh di wala ng opera opera.”

“Kuu! Gastos lang ‘yon.”

“Tito huwag nyo na pong isipin ang gastos, okey na ho lahat. Operasyon nyo na lang ang hihintayin natin. Basta ho magpagaling kayo.”

“Hindi ba nakakahiya sa’yo Iha? Hindi mo naman kami kaanu-ano pero tinutulungan mo kami. ABA! Hindi biro ang ginastos mo para sa akin.”

“Wala ho yon. Huwag nyo na hong isipin iyon. Saka ang pagtulong naman ho, walang pinipili.”

“Napakabuti mong bata. Napakaswerte ng mga magulang mo sa’yo.”

Ngumiti na lang ako bilang sagot sa sinabi ni Tito Dante. Bigla kong naalala ang Mommy ko, at bigla ko namang namiss ang Daddy ko.

“Pa naman. Huwag mong paiyakin si Toni. Hindi yan sanay sa drama. Pang action lang yan.”

“Maraming salamat sa’yo Iha. Sa lahat ng naitulong mo, hindi lang sa akin kundi sa mga anak ko. Diyos na ang bahalang gumanti sa iyo.”

Said I Love You, But I LiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon