Said I Love You, But I Lied - Chapter 14

257 10 4
                                    

Chapter 14:

TONI’s POV

Ilang segundo, marahil ay minuto na ang nakakalipas pero nakatingin pa rin ako sa nakalahad na palad ni Jaypee sa harapan ko. Nakaalalay pa rin si Dennis sa may siko ko, kaya lalong hindi mag-function ng maayos ang utak ko.

Eto na ‘yon eh. Dream come true na sana, kaya lang bakit sa elevator pa? Nakakabitter tuloy.

“Toni.” Mahinang banggit ni Jaypee sa pangalan ko. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang pagtataka.

God! Not now!

“Anna let’s go?” Ang tamis tamis ng ngiti ni Dennis saken, nakakapanlambot tuloy ng tuhod. Pero kailangan kong mag-isip ng matino ngayon. Nakakaabala na rin kami sa ibang mga empleyado, nakaharang kami sa mga papasok ng elevator.

“A—ano kase----Pasensya ka na Dennis pero sa hagdan na lang ako.” Nakapikit kong sambit, saka ako humakbang palapit kay Jaypee.

“Maghahagdan ka?” Tila hindi makapaniwala nyang tanong.

Bakit ganon? Bakit feeling ko parang disappointed sya? Parang nanghinayang? Feelingera lang siguro talaga ako. Haaist!

“Ano kase—exercise. Tama! Exercise nga. Alam mo na good for the heart.” Super ngiti kong sagot, pero I know, hindi man lang umabot ang ngiti ko sa mga mata lalo na ng makita ko ang seryosong tingin ni Jaypee. Naka-isang linya ang kanyang mga labi, meaning---seryoso sya. Trust me. Ibang usapan na kapag ganyan ang kaniyang mood.

“Your right. Maganda talaga sa kalusugan ang paggamit ng hagdan. Bakit ba hindi ko subukan. Use stairs and add days to your life. Pwede ba kong sumabay?” Nakatawa nyang sagot na halos mawala na ang kanyang mata. Lalo lang tuloy syang naging gwapo sa paningin ko.

“Oo naman. Pwedeng-pwede.” Muli akong sumulyap kay Jaypee, pero serious mode pa rin sya. Bahala na nga.

“Mr. Sarmiento?” Tanong ni Dennis kay Jaypee, at bilang sagot tumango lang si Jaypee. Ano ba naman ‘to? Bakit parang may katabi akong sasabog na bulkan?

Nauna na sa paglalakad si Jaypee patungo sa fire exit. Tahimik akong sumunod habang nasa katabi ko lang si Dennis. Moment na sana pero bakit kinakabahan ako? Natatakot ba ako sa magiging reaksyon ni Jaypee? Baka naman kinakabahan ako dahil sa sobrang kilig? Pwede!

“So, how’s your work here?” Bigla akong napabalik sa katinuan ng marinig ko ang boses ng katabi ko.

“Okey naman. Ang smooth ng trabaho ko. Saka mabait ang Boss ko.” Saka ako sumulyap kay Jaypee, pero likuran nya lang ang nakita ko.

“I’m glad to hear that. Welcome to the company.” Tinanggap ko ang inaalok nyang shakehands, muntik na akong kulangin sa hangin ng maramdaman ko ang balat nya. “Pasensya ka na kung late na kita nawelcome, ngayon lang kase ako pumasok. Binisita ko ang bagong branch natin sa Taiwan. Anyway, sana maenjoy mo ang pagtatrabaho dito.”

“Hindi mo na kailangang sabihin yan dahil talagang mag-eenjoy ako dito.”

“If you have any question, feel free to call me.”

“I’ll remember that.” Saka ako tumawa. Parang super close na tuloy kaming dalawa.

“How about a lunch afterwards? Parang treat ko na rin sa’yo.”

“Mamaya?”

OH MY G! Is he asking me for a date?

Date yon di ba? Kakain kami ng kaming dalawa lang. Date yon. Lalabas kami ng kami lang. KAMI LANG!

Said I Love You, But I LiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon