Said I Love You, But I Lied - Chapter 9

291 9 0
                                    

Chapter 9:

JAYPEE’s POV

Ipinatong ko ang aking dalawang paa sa mesa saka sumandal sa upuan.  Minasahe ko  ang aking ulo. Kahit paano nakaramdam ako ng ginhawa.

Ilang sandali lang nakapikit na ako pero gising pa ang diwa ko.

Tambak ang trabaho sa opisina. Nakaleave na ang sekretarya ko kaya nadoble ang trabaho ko. Pati paper works ako na ang gumagawa. Tumanggi ako sa binibigay ng company na reliever ni Diane. Kaya eto, may ilang linggo pa akong magtitiis.

Paano pa ako nito makakahanap ng love life?

Naramdaman kong may naglagay ng kumot sa katawan ko. Nang idilat ko ang aking mata, nakita ko ang nakatalikod na pigura ng kaisa-isang kasama ko sa bahay.

“Toni.”

“Jaypee sorry nagising kita. Bakit ba kase dito ka natutulog sa sala?”

“Nakapikit lang, tulog agad?”

“Mikki ikaw ba yan?”

“Hahaha. Sira. Papasok ka na?”

Lumapit sya sa akin saka naupo sa katabing upuan. Nakasuot sya ng usual nyang get-up kapag papasok sa bar. Denims pants and black shirt.

“Mamaya na. Tinatamad pa akong pumasok.”

“Bago yan ah. Toni ikaw ba yan?”

“Hindi ako ‘to. Picture ko lang ‘to.”

“Hahaha. Sira ka talaga.”

Usually, kapag uuwi ako ng bahay, lalo na kapag nag-oovertime ako, hindi ko na sya nadadatnan sa bahay. Sa umaga na kami nagkikita. Pag-uwi nya, papasok naman ako sa opisina. Kaya hindi ko inaasahan andito pa pala sya.

Ipinatong din nya ang mga paa nya sa mesa, tulad ng ginawa ko.

Itong babaeng ito talaga, kahit kelan napaka-kilos lalaki.

“Baka malate ka sa trabaho mo.”

“Okey lang. Sanggang dikit naman kami ni Boss, hindi ako papagalitan non.”

“Bakit ba kase kailangan mo pang magtrabaho sa bar na yon. Kayang kaya mo ngang bilhin yon, pero nagtyatyaga ka don. Ang liit pa ng sweldo.”

“Alam mo naman ang reasons ko di ba?” Kinuha nya ang remote at binuksan ang tv.

“Yeah right. Gusto mong patunayan sa sarili mo na kaya mo, kahit wala ang tulong ng Daddy mo. Alam mo Toni, wala ka namang dapat patunayan dahil alam mo namang kaya mo. For sure alam na alam din yan ni Tito.”

“Marami pa akong dapat matutunanan sa buhay. At magagawa ko lang yon, kung malaya ako.”

“Ang sabihin mo, gusto mo lang magrelax.”

“Kung yon nga ang tawag don, eh di sige. Gusto ko lang naman maexperience yong mga bagay na hindi ko naexperience noon. Saka gusto kong makilala bilang ako, hindi bilang anak ng Daddy ko.”

“Drama nito.”

Binato ko sya ng hawak kong throw pillow, pero mabilis naman syang nakailag. Kinuha nya ang throw pillow at mabilis na naibato sa akin. Hinid ko nagawang umilag kaya nasapul ako sa mukha, na naging sanhi ng malakas nyang pagtawa.

Said I Love You, But I LiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon