Said I Love You, But I Lied - Chapter 3

452 11 1
                                    

Chapter 3:

TONI’s POV

“One shot of tecquila please!”

“Miss?”

“Hello?”

“UUYYYY TONI!!!”

Sheeeet na malagkeet!!

Muntik  na akong mahulog sa upuan. Nilingon ko ang dahilan ng aking pagkagulat, with matching black aura.

>__<lll    

“ANOO BAA??” Sabay tayo ko.

“Sorry naman. Hindi ba pwedeng magsorry?”

“Hindi. Sa Barangay ka magsorry.”

“Kaw naman, ang sungit sungit.” Tama bang talikuran ako?  “Hi Maam, here's your order.” Saka nya inabot sa babaeng nasa harapan ko ang tecquila. At inirapan pa ako bago tuluyang umalis.

ABA! Akala mo kung sinong maganda. Pasalamat ka sa kapal ng pinturang nasa mukha mo. Hindi na rin ako magtataka kung pag-aari mo ang pabrika ng harina sa buong Maynila.

“Bakit ba kanina ka pa nakatulala dyan?” tanong ni Darwin, saka sya tumabi saken.

Pareho na kaming nakalean sa bar counter.

“Wala. May iniisip lang ako.”

“Sus bago yan ah. Ang lalim. Hindi ko mahukay. Lalaki ba?”

“Kapag ba may iniisip, dapat lalaki kagad? Hindi ba pwedeng nag-iisip lang?”

“Sa hitsura mong yan, malakas ang radar kong lalaki ang iniisip mo. Ngayon ka lang nagkaganyan. Tama ako no? Lalaki nga?”

“Haaaay!” Yon lang ang naisagot ko.

Bakit ba hindi sya mawala sa isip ko?

Anong pandikit meron ang lalaking yon?

“YAHOOO!! Partey-partey na. Inlove si Toni.”

“Anong inlove ang pinagsasabi mo dyan? Inlove agad? Agad-agad?” Sabay batok ko kay Darwin. Natawa naman ang mga waiter na nasa malapit lang.

Lalaki si Darwin pero kung umasta sya, talo pa nya ang bakla. Put the blame on me, nahawaan ko.

Pero hindi ako bakla ha, babaeng babae ako. Babaeng bakla. Nahawa lang naman ako kay Mikki. Ang haliparot kong kapitbahay, na nagfifeeling butterfly.

“ARAAY! Naku kung hindi lang kita kilala, matagal ko ng inisip na lalaki ka. Grabee lang, ang bigat ng kamay mo. Masakit yon ha.” Hinimas himas nya ang kanyang ulo na nasapok ko.

“Tssk!”

“Yan ba yong lalaking kasama nyo kagabi?” tumingin ako kay Darwin pero hindi ako sumagot. “NAKU PO! SYA NGA!”

“HALLELLUYAAH!! HALLELLUYAAH!!” –Darwin

“BOSS?” –Jaypee

“BOSS??” Lahat kami napatingin kay Jaypee

“Boss ko.”

Whaat?

Boss ni Jaypee ang lalaking yon?

Maniniwala na talaga ako ngayon na maliit lang ang Metro Manila.

Said I Love You, But I LiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon