Said I Love You, But I Lied - Chapter 12

316 10 0
                                    

Chapter 12:

 

 

TONI’s POV

 

 

“Toni maaga ka yatang nagising ngayon. May lakad ka ba?”

 

“Meron Manang. Pupunta ako dyan sa kabila.”

 

“Nga pala nagbilin si Jaypee kanina bago umalis, tawagan mo raw sya.”

 

“Loko talaga ‘yon. Sya naman ang unang tumawag sa akin.”

 

“Kayo talagang dalawa. O sya dyan ka na at magluluto na muna ako.”

 

“Ah Manang, huwag nyo na ho ako isama. Baka sa labas na lang ako kumain.”

 

“O sya sige, ikaw ang bahala.”

 

Agad akong lumabas ng bahay, at nagtungo sa kabila. Sa halip na sa gate dumaan, inakyat ko ang pader na nakapagitan sa bahay ni Jaypee at bahay nina Mikki. Kesa naman lumabas pa ako, mas malapit na dito.

“Naku namang bata ka. Bakit dyan ka dumaan? Pano kung nahulog ka?”

Hindi ko napansin si Tita Alice, kaya medyo nagulat ako ng bigla syang nagsalita sa likuran ko. May hawak syang gunting. Marahil nagtatanggal na naman sya ng mga tuyong dahon sa kanyang mga alagang orchids.

“Tita!”

 

“Ikaw talagang bata ka. Mapapahamak ka dyan sa ginagawa mo eh. Pano na lang kung nahulog ka? Kayo talagang mga kabataan ngayon, kakaiba ang mga trip nyo.”

Napakamot na lang ako sa ulo. Kasama pa ba ang edad ko sa bracket ng kabataan? Ang alam ko twenty three na ako. At hindi na ako bata.

Humakbang ako patalikod ng lumapit sa akin si Tita. Nakatutok sa akin ang gunting. Paano kung bigla nya akong tusukin? Nakakatakot.

“Relax ka lang Sweetheart. Hindi ka na nasanay dyan kay Toni. Alam mo namang astig yang batang yan.”

 

“Tito!”

 

Nag-apir kami ni Tito Marlon ng makita ko sya sa likuran. Sya lang naman ang gwapong gwapong nilalang na may-ari ng sperm cell kung bakit nabuo ang isang Mark Anthony Guevara. Walang iba kundi ang malandi nyang anak.

“Tito kumusta po? Tagal ko kayong hindi nakita ah. Bakit parang lalo ata kayong gumagwapo?” Umikot ang mata ni Tita Alice dahil sa sinabi ko. Lalo namang natuwa si Tito Marlon. Maliban  sa trabahong pang-opisina, marami ring racket si Tito Marlon kaya bihira ko lang syang makita. Sya na ang busy.

Said I Love You, But I LiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon