Said I Love You, But I Lied - Chapter 37

146 2 0
                                    

CHAPTER 37

“Wait lang Angel! Saan mo ba talaga ako dadalhin?” Hindi sumagot si Angel. Nagpatuloy lang sya sa pagtakbo habang hila hila ang isa kong kamay.

Malalaki ang bawat hakbang ko para makahabol sa pagtakbo nya. Ano na naman kayang gustong gawin ng mga batang ito ngayon?

Nagpunta si Angel kanina sa bahay at walang sabi sabing hinila na lang ako sa kamay. Wala akong ideya kung saan nya ako dadalhin.

“Angel dahan-dahan baka madapa ka.” Pero hindi nya ako pinakinggan. Narinig ko pa syang tumawa saka nagpatuloy lang sa pagtakbo.

Asan kaya si Angie at Donald? Bakit mag-isa lang itong si Angel ngayon?

Hindi kaya nag-away na naman sila?

Pero mukhang imposible, kase ang saya-saya ni Angel. Mukhang kagagaling nya lang ng school dahil nakasuot pa sya ng uniform at may sakbit na bag.

Tumigil sa pagtakbo si Angel. Binitawan nya ang kamay ko saka muling tumakbo palayo.

“Angel teka---saan ka pupunta?” Hindi sya lumingon hanggang sa tuluyan na syang nawala sa likod ng mga puno. “Batang yon talaga oh, hinila ako dito tapos iiwan. Tsk!”

Malapit na kami sa may paanan ng bundok. Madalas maglaro ang mga bata dito. Napatingin ako sa itaas ng puno ng may mahulog na dahon sa ulo ko. Hitik na hitik sa bunga ang punong mangga. Dito marahil nangunguha ang mangga si Donald.

Babalik na lang ako sa bahay. Hindi naman siguro mapapaano si Angel dito. Mas kabisado pa nga nya ang lugar na ito kesa sa akin.

Nagsimula na akong humakbang ng maramdaman kong may tao sa likuran ko. Paglingon ko nakita ko si Angel.

“Andyan ka lang pala. Halika umuwi na tayo.” Lumapit ako sa kanya pero humakbang sya paatras, saka nakangiting tumalikod.

Said I Love You, But I LiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon