Said I Love You, But I Lied - Chapter 8

346 9 4
                                    

Chapter 8:

KHAYE’s POV

“Tita ano sa tingin mo? Okey ba ang lasa?”

“Hmmm. Masarap. Sakto lang ang asim.”

Ipinagluto ko si PJ ng paborito nyang sinigang. Dadalhin ko ito sa opisina nya ngayong lunch.

Gumising pa ako ng maaga para lang mamalengke ng mga gagamitin kong sangkap sa pagluluto. Gumawa din ako ng vegetable salad. Mahilig si PJ sa gulay. Siguradong magugustuhan nya ito.

Ako kaya kelan nya magugustuhan?

“Ang ngiti mo Khaye baka humalo na dyan sa niluluto mo, siguradong mawawala ang asim nyan.”

“Tita naman eh.”

“Ikaw na bata ka. Seryoso ka talaga dyan sa panliligaw mo kay Jaypee ano?”

“Syempre naman Ta. Alam mo namang love ko si PJ di ba? At naiintindihan mo naman ako di ba?” Yumakap ako kay Tita Alice bilang paglalambing.

Kapatid ni Dad si Tita Alice. Pareho kami ni Maki na nag-iisang anak kaya naman malapit kami sa isa’t isa. At malapit din ako kina Tita, ganon din naman si Maki sa Mommy at Daddy ko.

“Kilala ko si Jaypee. Alam kung mabuti syang bata. Kaya lang hindi pa rin ako approve sa mga ginagawa mo para sa kanya. Aba, kababae mong tao ikaw ang nanliligaw. Sa ganda mong yan dapat ikaw ang nililigawan.”

“Don’t worry Tita. Hindi naman alam ni PJ na nililigawan ko sya. Hahaha.”

“Nuka ikaw talagang bata ka. Pano na lang kapag nalaman ng Mommy mo ang mga pinag gagagawa mo?”

“Hindi malalaman ni Mommy. Hindi mo naman sasabihin di ba?”

Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. Hinalikan ko rin sya sa pisngi bilang dagdag lambing. Alam ko namang hindi ako matitiis ni Tita Alice. Tunay na anak na rin ang turing nya sa akin. Ako ang prinsesa nyang tunay.

“Naku Naku. Tama na nga yan. Halik ka ng halik, hindi pa nga ako naliligo.”

“Naku Ta. Hindi halata.”

“Sus ikaw talagang bata ka. Ang lakas mong mambola.”

“Nagsasabi lang po ako ng totoo.”

“Oo na. Basta Khaye ito ang lagi mong tatandaan. Huwag kang gagawa ng bagay na alam mong pagsisihan mo rin sa bandang huli.”

“Yes Tita. Don’t worry. Hinding hindi ko po makakalimutan.”

“Saka ayokong dumating iyong time na makita kitang umiiyak o nasasaktan ng dahil sa lalaki.”

“Sa ganda kong ‘to? Ewan ko na lang.”

“O sya sige. Diyan ka na muna. Ituloy mo lang yan. Bibisitahin ko lang ang kwarto ni Maki. Baka mamaya nag-uwi na ng lalaki ang batang iyon. Naku, mapapalayas ko talaga sya.”

Alam ko namang biro lang ni Tita iyon. Malabong palayasin nya si Maki. Saka matino naman ang pinsan ko. Hindi sya gagawa ng bagay na ikakalungkot nina Tita.

Muli kong binalikan ang niluluto ko. Naisip ko na naman si PJ.

Inlababu talaga ako sa kanya. Ewan ko ba kung ano ang nagustuhan ko sa kanya. Nagising na lang ako isang umaga gusto ko na sya. Gusto ko lagi syang nakikita. Lalo akong nagiging inspired dahil sa kanya.

Said I Love You, But I LiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon