Beautiful Wide Room

9 1 0
                                    

Nakatulog na si Lyre habang ako hindi pa rin maipikit ang mga mata. Naiisip ko na naman yung kanina na napagalitan si Lyre nang dahil sa akin.

Nung bata pa ako madalas ko lang makita ang aking mga magulang. Nangangamusta sila pero hindi ako yung kinakausap nila kundi si Lyre na kalaro ko nang mga araw na yun.

Minsan nga napapansin ko na kahit paglapit man lang sa akin ay ayaw nilang gawin.

Isang araw pumunta na naman sila dito para mangamusta. Naglabas na ako ng sama ng loob kahit nun ay sampung gulang pa lang ako.

Tinanong ko kung bakit ganun sila sa akin at bakit hindi man lang ako makalabas sa lugar na kinalalagyan ko ngayon.

Pinigilan ako ni Lyre pero tinuloy ko lang ang sinasabi ko hanggang sa matapos ako.

Nakita ko sa aking ina na naging malungkot ang mga mata nito habang ang ama ko naman ay tiimbagang na tahimik lamang.

"Ikaw na ang magpaliwanag sa kanya Lyre" sabi ng aking ama bago tuluyan silang lumabas ng kwarto.

At yun nga ipinaliwanag sa akin ni Lyre ang lahat. Minsan nga nakakapagtaka Dahil sa bata pa niya ay alam na niya ang lahat kahit isang taon lang naman ang agwat namin sa isa't isa.

Ipinaliwanag niya na kailangan kong magtago sa pinakatagong lugar sa palasyo dahil marami daw ang gustong kumuha sa akin dahil sa taglay na kapangyarihan na mayroon ako. Nagtaka ako nun dahil sa bata pa lang naman ako. Hindi ko pa lahat naintindihan ang mga ipinaliwanag ni Lyre sa akin.

Pero ngayon naintindihan ko na ang lahat. Ay. Hindi pa pala dahil may mga tanong pa akong gustong itanong.

Tumayo ako sa napakalaking kama na meron ako. Tiningnan ko ang napakalaki at napakagandang kama bago naglakadlakad sa aking kwarto.

Hindi ito basta basta kwarto lamang. Hindi basta basta dahil ang kwarto ay may sarili ng lahat. Ang kwarto ay binubuo ng mga ginto, dyamante at makikinang na bagay na papangarapin ng isang simpleng Tao lamang o kahit ng isang mayaman pa na tao. May gubat na para lamang sa akin. Syempre kung may kagubatan ay merong din mga hayop at ang lahat ng hayop ay gumagalang sa akin at lahat ay kaibigan ko rin. Lahat nga maiisip mo sa isang paraiso ay nasa napakaganda ko ng kwarto. At ang paborito kong lugar ay kung saan ako naliligo ng wala kahit ni isang saplot. Pero para sa akin hindi ko kailangan ng ganitong mga bagay. Ang kailangan ko ay ang pagmamahal ng aking mga magulang. Maramdaman ko lang ang ganitong pakiramdam na minamahal ng magulang ay ako na ang magiging pinakamasaya na Prinsesa sa buong Planet Gaea.

Mayamaya narinig ko si Lyre sa di kalayuan na tinatawag ang pangalan ko.

"Prinsesa Leio!" Tawag niya sa akin habang tumtakbo. Humarap naman ako sa kanya para maipaalam na narinig ko siya at naghihintay na maabutan siya.

"Bakit ka naman nagmamadali Lyre?" Tanong ko sa kanya.

"Akala ko po Prinsesa kung nasan na naman po kayo eh. Huwag naman po kayong umalis sa tabi ko mahal na Prinsesa Leio" sabi niya sa akin na hinihingal pa dahil sa paghabol sa akin.

"Inuutusan mo ba ako Lyre?" Kunwaring pagtataray ko kay Lyre.

Tinitigan naman niya ako kung seryoso ako sa pagtataray ko sa kanya tsaka niya napagtanto na seryoso nga ako.

"Patawarin niyo po ako mahal na Prinsesa sa kapangahasan ko pong utusan ko po kayo sa gagawin niyo. Patawarin niyo po ako" napaluhod pa ito sa paghingi nga paumanhin sa kanya.

Napatawa naman ako ng malakas sa ginawa niya. Pagkatapos ay pinatayo ko na siya.

"Ano ka ba naman Lyre. Sineryoso mo naman ang sinabi ko. Biro lang yun syempre" sabi ko na pinagpag ang nadumihang bestidang suot niya banda sa tuhod.

Pinigilan naman niya yun. "Ako na lang po niya mahal na Prinsesa" sabi niya sa akin.

"Tara na po mahal na Prinsesa. Oras na po para matulog" ani niya habang inalalayan ako pabalik sa kama.

Tinanggal ko naman ang nakaalalay na kamay niya sa siko ko.

"Ano ka ba? Para akong bata sa ginagawa mo niyan e" sabi ko sabay akbay sa balikat niya. Hindi ko na siya pinayagang magreklamo hanggang sa kama.

Pinahiga na niya ako at kinumutan.

"Maging mahimbing po sana ang inyong pag tulog mahal na Prinsesa" sabi niya sa akin tsaka na pumikit ang mata ko.

"Ikaw din Lyre" nasabi ko na lang sa kanya bago nilamon ng kadiliman ang aking pagpikit.

Forbidden PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon