"Oh naupo ka pa diyan" sabi niya sa akin. "Umalis ka na rito sa kwarto ko" sabi niya sa akin na lalapitan sana ako.
Napatayo ako sa sinabi niya kaya nahulog na naman ang kumot mula sa katawan ko at umiwas na naman siya pagkakita sa hubad ko na katawan.
"Bakit mo naman ako papaalisin Dito eh dito ako pinadala ng mga magulang ko" reklamo ko sa kanya.
Magsasalita na sana yung salamangka pero may naramdaman ako.
"Wala - " sabi ng salamangka.
Naghikab ako at naramdaman kong inaantok na ako.
"Sandali lang Salamangka. Mamaya na lang tayo magusap pagkatapos ko matulog" sabi ko pagkatapos ay humiga ako sa kama at tuluyan ng nakatulog. May munting tinig pa akong narinig pero hindi ko na lang pinansin.
Naramdaman ko pang niyugyog ang balikat ko pero sa sobrang antok ay hindi ko inabala pa.
************************************
Travis POV
Hindi ako mapakali sa sarili kong kwarto. Sino ba naman ang mapapakali sa taong pinasukan ng hindi niya kilalang tao.
Dapat na ba akong tumawag ng pulis? Tanong ko sa sarili ko habang hawak hawak na ang telepono na pasulyap sulyap sa babaeng nakahiga sa kama ko at mahimbing na natutulog.
Hindi niya pa nasagot ang tumawag kanina sa kanya dahil sa pagyakap ng babae kanina sa kanya.
At natutulog pa talaga sa kama ko na parang wala siyang kasalanan. Hindi niya ba alam yun. At hindi lang yun Trav. Sa ilalim ng kumot na yan ay ang napakagandang hugis ng katawan na kahit isang saplot ay wala. Napailing ako sa isiping yun. Totoo naman talaga.
Nang maramdaman kong parang may tao sa kwarto ko ay nagdahan dahan ako at nabigla ako nang makita kong isa itong babae. Hindi basta basta babae dahil para siyang anghel na hulog ng langit dahil sa wala itong suot na kahit isa man lang at napakaganda ng hugis ng katawan at pwedeng ipantapat sa mga sikat na artista sa bansa.
Hindi siya agad nakahuma dahil sa nakita pero makalipas ang ilang minuto ay hinarap niya na ito. At yun nga ang nangyari.
Ngayon ay natutulog ang hindi ko kilala na tao sa sarili kong kwarto.
Nubatong gagawin ko?! Napapakamot na siya sa ulo niya sa walang maisip.
Binitawan niya ang hawak na telepono at pumunta sa harapan ng babaeng natutulog sa kama niya.
Napakaganda at napakainosente ng mukha. Paghanga niya sa babae.
Siguro kung ibang lalaki lang ang napuntahan nitong kwarto ay inabuso na siya. Pag aalala niya pa Dito.
Napailing iling siya sa iniisip niya. Wag kang ano Trav at baka magnanakaw yan at painosente lang at ginagamit lang ng sindikato ang ganyang kagandahan. Ani ng isipan niya.
Kawawa naman pala siya Kung ganung ginagamit siya ng sindikato. Siguro sinasaktan siya ng mga ito. Ani naman ng kabilang isipan niya.
Wala naman akong nakikitang kahit anong gasgas sa katawan niya kanina at sa mukha nito ngayon. Pagpapatuloy ng isipan niya.
So? Natitigan mo rin pala kahit papaano ang katawan ng babaeng ito? Napailing na naman siya dahil sa pagkausap niya sa kanyang sarili.
Napatayo na lang siya bigla at nag isip Kung ano ang gagawin niya pag nagising ang babaeng ito na mahimbing na nakahiga sa kama niya.
Nagpaikot ikot siya sa kwarto niya habang pasulyap sulyap sa babae.
Uminom muna siya ng tubig tapos bumalik na naman para tingnan at nagisip Kung ano na naman ang gagawin niya pag nagising yung tumawag sa kanya na Salamangka.
At nakaisip na siya ng paraan! Alam na niya ang gagawin sa hindi niya kilala na babae na bigla na lang sumulpot sa kanyang kwarto at hindi man lang niya kilala at nahiga pa sa kwarto niya at tinawag pa siyang Salamangka.
Sorry muna sa gagawin ko sayo.
BINABASA MO ANG
Forbidden Princess
RandomIsang prinsesa na naghahanap ng isang kalayaan sa kanyang sariling kaharian. At dahil sa may naganap na awayan sa pagitan ng kalaban na gustong kumuha sa kanya at sa kanilang kaharian ay papapuntahin siya ng kanyang mga magulang sa hindi niya kilala...
