Namalayan ko na lang ang sarili ko sa isang malambot na bagay. Tiningnan ko kung nasaan na ako ngayon.
Namangha ako sa aking nakita. Nasa loob ako ng isang kahon na napapaligiran ng mga kakaibang bagay.
Ang alam ko lang yata ay ang malaking kama kung saan ako ngayon ay nakahiga.
Tumayo ako sa kama hindi ko inantala na nakahubad ako dahil sa sanay naman ako.
Nagtaka nga ako eh nung pagdating ko dito ay wala man lang akong kahit isang kasuotan na suot.
Pero hinayaan ko nalang dahil na rin sa pagkamangha ko kung nasaan man ako ngayon.
"Nakakamangha ang mga gamit. Hindi ko pa ito nakikita kahit sa aking napakalaking kwarto. Ang tanging alam ko lamang ay ang napakalambot at napakalaking kama" sabi ko habang nililibot ko ang paningin sa paligid.
Nanlaki ang mata niya ng may makita siyang isang bagay na nandun sa loob yung tao pero hindi gumagalaw. At sa tingin ko rin ay ang gaganda ng kanilang kasuotan.
Hinawakan niya ito at binalik baliktad. Titingnan niya baka makalabas ang tao sa loob. " Nakakamangha! Isa yatang magaling na salamangka ang may ari ng kahon na ito at meron siyang tao na itinago sa bagay na ito at hindi na nakakagalaw" sabi ko nanamamangha talaga.[ yung tao na may itinago sa bagay - picture ]
[ kahon - kwarto ]"Nakakatakot pala dito. Anong gagawin ko?" sabi ko na nahintatakutan na.
Bakit dito pa ako dinala ng aking mga magulang sa lugar na ito e hindi rin naman pala dito ligtas. Tanong ko sa sarili ko.
Natigil ang pagkamangha niya dahil sa naisip. Hindi niya na namalayan na may nakapasok na sa loob ng kwarto.
" Hoy! Anong ginagawa mo sa kama ko?!" tanong sa akin ng hindi ko kilala na lalaki.
Nabigla naman ako sa pagpasok niya at pagsigaw niya sa akin.
Baka siya na yung salamangka?
Tumayo ako at naglakas ng loob. Hindi alintana sa akin kung naka hubad lang ako at wala ni anuman na suot.
Nakita ko naman na tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Pagkatapos nun ay namula ang mga pisngi nito.
Ha! Alam niya siguro na ako ay isang prinsesa kaya siya namula. Mabuti.
Tinuro niya ako habang parang papula ng papula ang mga pisngi nito. " Hoy! Ikaw babae ka bakit ka nasa kwarto ko at nakahiga ka pa? At lalong lalo na naka .. naka .. " hindi niya matuloy ang sasabihin dahil sa lunok itong lunok.
Natatakot yata sa akin. Dapat lang!
"Bakit ka nakahubad?!" huling sigaw na tanong nito sa akin.
Hindi ko naman na sagot ang mga tanong niya dahil sa may tumunog na isang bagay at nagulat ako.
Hindi lang basta nagulat, natakot ako kaya tumakbo ako sa kanya.
Nakalimutan ko na isa siyang salamangka dahil yumakap ako sa kanya.
Tinuro ko yung bagay na tumutunog at may nagsasalita habang nakaturo ang daliri ko dun. "An - An - Anong bagay ba yan? At tumutunog?! Nagsasalita pa?!" Nahintatakutan na tanong ko sa kanya habang ang hubad na katawan ko ay nakayakap pa rin sa kanya. Tumingin ako sa kanya pag sabi ko sa kanya.
Taka ang mukha nito pero namumula pa rin ang mukha habang palipat lipat ang tingin sa hubad na katawan ko.
Tinulak niya ako ng tinitigan ko siya. "Ano ka bang babae ka?! Babae ka ba talaga?! Tsaka sang mundo ka ba galing at hindi mo alam ang telepono at nasa loob ka pa ng kwarto ko na hindi ko namamalayan at nakahubad pa. Nuba?!" Tanong niya sa akin na talaga pa ring namumula ang mukha at napansin kong iniiwasan niya ang pag tingin niya sa akin.
"Bakit ngayon ka lang ba nakakita ng hubad na katawan?" Inosenteng tanong niya Dito.
Magsasalita na sana ang salamangka pero inunahan ko na siya. "Tsaka Malay ko ba kung anong bagay yan ang ginawa mo noh?!" Mataray na tanong ko sa kanya.
"Aba't ikaw pa talaga ang may ganang magtaray dyan ha?" Harapan niya sa akin. Pagkatapos ay nakita niyang hubad pa rin ako ay kinuha niya ang kumot at hinagis sa akin.
"Itapis mo nga yan sa katawan mo. Kung sa tingin mo maaakit mo ako sa paraang iyan ay nagkakamali ka" sabi niya na hindi na namumula.
" Bakit naman kita aakitin? Sino ka ba ha?" Tanong ko sa kanya.
"Ako dapat nagtatanong niyan Miss. Sinong ka at paano ka nakapasok sa kwarto ko eh sa pagkakaalam ko nakalock to" pinuntahan niya ang sinasabing pinto at tiningnan ito.
Hinawakan ito. "Nakalock pa nga oh" sabi niya ulit.
Napaupo muna ako sa kama bago nagsalita.

BINABASA MO ANG
Forbidden Princess
AcakIsang prinsesa na naghahanap ng isang kalayaan sa kanyang sariling kaharian. At dahil sa may naganap na awayan sa pagitan ng kalaban na gustong kumuha sa kanya at sa kanilang kaharian ay papapuntahin siya ng kanyang mga magulang sa hindi niya kilala...