Forbidden

41 0 0
                                    

"Prinsesa ? Prinsesa ?" Hanap sa akin ng aking tagapag alaga na si Lyre. Kanina pa niya ako hinahanap pero hindi niya ako mahanap kahit nasa harapan lang niya ako.

Nakaupo ako sa aking napakalaking kama habang siya naman ay nakatayo sa harapan ng kama ko. Hindi niya ako makita dahil sa kapangyarihan na gamit ko.

Hindi ko na mapigilan kaya napatawa na ako ng malakas dahil sa nakasimangot na ito habang ang dalawang kamay ay nakalagay sa bewang niya.

Nagulat naman siya ng makita niyang nasa harapan niya ako at nakaupo lang.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. " Di ba pinagbawalan kang gumamit ng kapangyarihan mong bata ka" ang kaninang nakasimangot na mukha niya ay napalitan ng pag aalala.

"Patay na naman tayo niyan sa mahal na hari, Prinsesa"sabi niya na napatingin sa pinto na para bang alam na ilang segundo lang ay papasok na ang kanyang ama walang iba kundi ang Hari.

Nag aalala rin akong napatingin kay Lyre. Matanda lang ito ng isang taon sa akin. Kaibigan at ate ko na rin siya kung ituring.

Siya ang kasama ko simula ng magkaroon na ako ng Malay sa mundong ito.

Siya ang nagbabantay sa akin. Pero hindi lahat ng oras dahil nakakalabas ito ng Palasyo samantalang ako ay simula yata ng pinanganak ako ay dito na talaga ako hanggang ngayon na mag lalabingwalong taon na gulang na ako ay kahit kailan hindi ako nakalabas ni makasilip sa labas ng bintana ay di pwede.

Sa tingin ko nga ay hindi ito ang Palasyo. Ito yata ay isang kulungan dahil wala akong ibang nakikitang ibang tao kundi ang aking ina, ama, si Lyre at ang mga kaibigan kong hayop dahil na rin kay Lyre.

Mayamaya ay pumasok na ang isang lalaki na sa tingin pa lang ay susunod ka na agad sa utos ng kanyang ama na Hari.

Tumayo naman si Lyre pagkakita na pumasok na ang kanyang ama. " Ilang ulit ko bang kailangan sabihin Lyre na pagsabihan mo ang Prinsesa na hindi dapat gamitin ng Prinsesa ang kanyang kapangyarihan" Padang dagundong yata ito sa tenga ni Lyre kaya nanginginig ang mga tuhod niya sa aking ama.

Yumuko ako sa aking ama. "Ako po ang my kasalanan aking mahal na Hari. Patawad po. Hindi na po mauulit" sabi ko na nakayuko pa rin.

Pagkatapos kong magsalita ay umalis na ito agad ng wala man lang kahit anong sinasabi.

Dun ako nasasaktan. Parang hindi ako anak ng sarili kong mga magulang dahil kahit kailan ay hindi man lang nila ako kinausap kahit na pag tingin pa lang sa akin ay mahirap na sa kanila.

Nakaalis na ang mahal na Hari at nakahinga ng maluwag si Lyre at napaupo sa napakalaki kong kama.

"Hay naku! Mahal na prinsesa kinabahan po ako dun. Wag niyo na po kasi uulitin ulit yun" sabi niya na hawak pa ang dibdib niya.

Napatabi naman ako sa kanya sa malungkot . Tiningnan niya ako sa nagtatanong na mukha.

"Bakit nakaganyan ang magandang mukha mo mahal na Prinsesa ?" Tanong niya sa akin.

"Bakit ganun ? Anak ba talaga ako ng mahal na Hari at mahal na reyna ?" Wala sa isip na tanong ko sa kanya.

Nakita ko naman sa gilid ng mata ko na lumingon lingon siya sa paligid habang nanlalaki ang mata niya.

"Wag ka pong ganyan mahal na Prinsesa. Anak po kayo ng mahal na Hari at mahal na reyna. Kailangan lang po talaga nila itago kayo sa gusto pong kumuha sa inyo. Ayaw po nilang mapahamak kayo" paliwanag niya sa akin.

"Alam ko naman yun pero bakit ganun ang trato nila sa akin ?" Tanong ko sa kanya na nakatingin sa malayo.

Nagkibit balikat lang siya at nanahimik na lang.


******************************

A/N:

Thank you for reading. Abang na lang po sa sunod na chapter if pwede. Hehehe.

Just leave your comments and I will really appreciate it. Even if it is violent reaction or suggestions or any advice outhere .. TY. :)

Forbidden PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon