Farewell Planet Gaea

11 1 0
                                        

"Bakit naman mali ako?" Nagawa ko pa rin na itanong kahit kinakabahan na ako kung anong nangyayari sa labas ng Palasyo.

Sasagot na sana si Lyre nang mayamaya pumasok ang mga magulang ko sa kwarto.

Ang dating napakalinis at kumikinang na mga damit nila ay napalitan ng panlaban at ito ay may punit na sa ilang parte at nabahiran na rin ng dumi.

Nag aalalang tumingin ako sa kanila pero nakikita ko sa kanila na mas nag aalala sila sa akin.

Nagtinginan muna sila bago ako hinawakan sa balikat nga aking ama habang ang aking ina naman ay sa aking kamay.

"Anak .. Mahal na Prinsesa .." umpisa ng aking ina habang hawak hawak ang aking kamay na mahigpit.

Parang gustong tumalon ng puso ko sa sobrang tuwa dahil sa unang pagkakataon ay nasambit ng aking ina na akoy kanyang anak.

Natuwa man ako pero nag aalala pa rin dahil nakabadha sa mukha ng mga ito ang pag aalala sa akin.

"Ano po yun mahal na Reyna?" Tanong ko sa aking ina na nagpalipat lipat ng tingin sa kanila kung ano ang gusto nilang sabihin.

"Ikaw na mahal kong hari. Hindi ko kaya" sabi ng mahal na Reyna pagkatapos ay binitawan na ang aking dalawang kamay.

"Aking pinakamamahal na Prinsesa. Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Hindi man namin gusto na mapalayo sayo pero kailangan. Kailangan mong lumayo Dito sa ating Planeta" sabi ng aking mahal na hari.

"Hindi po. Ayoko po. Hindi po ako lalayo sa inyo. Ngayon pa pong narinig ko na tinawag niyo po ako na anak at kinakausap niyo na po ako ngayon" hindi pagsang ayon ko sa kanilang desisyon.

Umiiyak na ang aking ina. "Kailangan mong lumayo sa lugar na ito anak. Nakahanda na ang lahat para sa pupuntahan mong bagong planeta. Dun walang makakakilala sayo. Walang magtatangka sa buhay mo at Kung may magtangka man ay alam kong kaya mo Sila dahil mga ordinaryong Tao lang ang nakatira doon hindi katulad mo" pagpapaliwanag nga mahal na Reyna sa akin.

Mayamaya may narinig kaming lagabog sa pinto.

Nagkatinginan naman kaming lahat na nasa loob.

" Oras na" sabi ng aking mahal na hari.

Ako ay pailing iling lang habang umiiyak.

"Ayoko po mawalay sa inyo" sabi ko habang hinihila nila ako Kung saan may nakatagong isang malaking lumang kabinet.

"Sumama na lang po kayo sa akin Kung ngayon" pakiusap ko sa kanila.

"Hindi maaari mahal na prinsesa. Kailangan kami nga aging Palasyo" yun lang at pinasok na nila ako sa kabinet.

Ang huling alam ko na lang ay hinalikan nila ako sa noo at sinabihan nilang " mahal na mahal mahal ka namin aming mahal na Prinsesa " yun lang at naramdaman ko na lang na nawalan na ako ng malay.

Forbidden PrincessMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon