Ganun pa rin ang buong araw ko. Magigising. Maliligo kasama ang mga kaibigan na mga hayop. Kakain. Maglalaro. Maglilibang ng pwedeng libangan. Tapos matutulog na naman pagdating nga gabi. Paulit ulit ganito ang ginagawa ko.
Pero wala na akong magagawa. Ganito na talaga. Dito na yata talaga ako sa kwartong to habang buhay. Hay .. !
Mayamaya humahangos sa pagtakbo si Lyre.
Parang kakaiba yata ngayon ang pagmamadali niya.
"Mahal .. Mahal na .. Mahal na .. " sabi niya na hindi matuloy tuloy ang sasabihin na "Mahal na prinsesa" dahil sa hinihingal ito sa pagtakbo. Hawak hawak pa niya ang dibdib.
"Kaya mo yan Lyre. Sige kaya mo yan!" Pagbibiro ko sa kanya.
Sumeryoso naman ako ng makita ko sa mga mata niya na seryoso siya.
Parang kinabahan ako sa mga tingin niya nung mapansin kong kalmado na siya at parang ayaw sabihin ang gusto niyang sabihin.
"Ano?" Natanong ko na lang. Yun lang ang lumabas sa bibig ko eh.
"Mahal na prinsesa" seryosong sabi niya.
"Ano?" Yun lang ulit ang namutawi sa bibig ko.
"Wag po kayong mabibigla mahal na prinsesa" kalmado lang ito.
"Ano nga? Pinapakaba mo naman ako e" nasabi ko sa kanya.
"May nakahanap po sa inyo at gusto po kayong kunin" sabi nito na hindi pa tinuloy tuloy.
"Yun lang? Ano pa? Wag mo na akong patanungin. Sabihin mo kung ano ang dapat mo pa na sabihin" medyo tumaas na ang boses ko dahil sa sobrang kinakabahan na ako.
May pakiramdam ako na may nangyayaring masama sa labas ng Palasyo.
Nag aalangan pa siyang magsalita.
"Hindi ka magsasalita? Wala kang sasabihin?" Hinintay ko siyang magsalita pero nakatitig lang siya sa akin.
Nagdesisyon akong lumabas ng Palasyo sa unang pagkakataon.
"Lalabas ako ng Palasyo kung hindi ka magsasalita" ani ko sa kanya na papunta kung saan dumadaan ang nakakapasok sa kwarto ko.
Hindi man lang niya ako pinigilan.
Bago pa man ako makapasok ay nauntog na ako.
"Aray!" Nasambit na sabi ko habang hawak ang noo ko.
"Bakit hindi ako makapasok? Ano ba?! Ano bang nangyayari sa labas ng palasyo?! Bakit kinakabahan ako ng ganito?! Bakit kalmado ka lang diyan?! Bakit hindi ka sumasagot?! Bakit?!" Sunod sunod na tanong ko sa oras na ito ay sumisigaw na talaga ako habang may luhang pumapatak sa pisngi ko.
Bumuntong hininga muna siya ng malalim bago nagsalita. "May nakaalam na po kung nasaan kayo kaya gumagawa ng paraan ang mahal na Reyna at mahal na hari para hindi po kayo makuha. At ngayon po nagkakaroon ng away sa pagitan ng kalaban at ng kaharian. Hindi ka po makakalabas diyan dahil ang pwedeng makalabas at pasok lamang ay ang may basbas ng kapangyarihan ng Hari" tumigil muna ito pansamantala sa pagsagot sa mga tanong ko.
"Kaya pala hindi mo ako pinigilan makalabas dito. Ngayon napagtanto ko na" sabi ko sa kanya.
"Eh bakit kalmado ka diyan? Alam mo namang may nangyayaring labanan sa kaharian?" Pagpapatuloy na Tanong ko sa kanya na hindi parin tumitigil ang pagpatak ng luha sa aking mga pisngi.
Pinunasan muna niya ang luha sa aking mga pisngi bago nagsalita. "Yun po ang bilin nga mahal na Reyna at hair sa akin para daw hindi po kayo kabahan at matakot" sabi niya na kalmado pa rin.
Bilib ako sa babaeng ito. Nakakabilib talaga.
"Ano ang maaari kong gawin para tumigil na sila sa pagsalakay sa kaharian at tuluyang mawasak ang kaharian?" Tanging tanong ko na lamang.
"Wala po kayong magagawa mahal na Prinsesa. Lahat po ng tao kayang magsakripisyo ng buhay para po sa inyo" ani niya na ramdam ko ang kanyang sinseridad.
"Hindi ko papayagan yang mangyari ng dahil sa akin ay mawawalan ng maraming buhay tsaka hindi nga nila ako kilala kahit na ho ni hi kahit nga yata kuko ko ay hindi pa nila nakikita sa akin kaya paano nila isasakripisyo ang buhay nila sa isang Prinsesa na hindi nila kilala at hindi pwedeng ipagmalaki" sabi ko na nagpapakatatag.
"Diyan po kayo nagkakamali mahal na Prinsesa" sabi niya na alam kong nagiging matatag din para sa akin.
BINABASA MO ANG
Forbidden Princess
RandomIsang prinsesa na naghahanap ng isang kalayaan sa kanyang sariling kaharian. At dahil sa may naganap na awayan sa pagitan ng kalaban na gustong kumuha sa kanya at sa kanilang kaharian ay papapuntahin siya ng kanyang mga magulang sa hindi niya kilala...