Travis POV
Mayamaya narinig kong nagising na yung babae sa loob ng CR.
Oh. Wag kayong magisip ng ano dyan ah. Ipinasok ko siya sa CR na nakakumot at para na rin sigurado. Baka mamaya sindikato talaga to noh.
Itinapat ko ang tenga ko sa pintuan ng pinto at pinakinggan siya.
Princess POV
"Nasaang lugar na naman ako ngayon?" Tanong ko sa sarili ko na tumingin sa paligid.
Maluwag din dito parehas ng kaninang napuntahan ko.
Pagtayo ko natanggal na naman ang kumot na nakasuot sa katawan ko. Pinabayaan ko na lang.
Namangha ako sa nakita ko. Hindi ko pa yata napagmamasdan ito sa aming kaharian.
"Ah!!!!!!!!!!!!!!!" Napasigaw ako.
May nakita akong .. akong .. akong ..
"Ah!!!!!!!!!!!!!!" Patuloy ko pa rin sa pagsigaw lalo na nung .. nung ..
"Ah!!!!!!!!!!!!!" Sigaw ko na naman.
Mayamaya may lumuwa sa isang bagay. Yung lalaki kanina. Yung salamangka.
"Bakit ka sumisigaw diyan?" Nakakunot ang noo niyang tanong sa akin.
Hindi ko nasagot ang katanungan niya dahil napayakap ako sa kanya sa sobrang takot.
Tinanggal naman niya ang pagkayakap ko sa kanya. " Bakit ba?!" Tanong niya ulit.
" M- ma-may ba-b-babae dun " sabi ko tapos tinuturo kung nasaan yung babae.
Pumunta naman ito sa tinuro ko. "Wala naman ah" sabi niya na hindi man lang nakatingin sa akin.
"Meron. Meron diyang babae. Kamukha ko tsaka ginagaya pa nga ako eh" sabi ko na tinuturo ulit yun.
"Wala nga eh. Ikaw lang naman ang nandito at nag iisa oh" sabi ng sakamangka.
Mayamaya.
"Ah!!!!!!!!!" Napasigaw na naman ako.
"Ano na naman?!" Sigaw na tanong na naman nito sa akin.
Aba't nakakailang sigaw na ito sa akin ah. Wala pang sumisigaw sa akin.
Pinabayaan ko na lang muna. Mamaya na lang. Yung mangagaya muna yung aasikasuhin ko.
Tinuro ko naman yung nakita ko.
"Ayan oh. Ginagawa ka rin" turo ko dun sa lalaki.
Tiningnan muna niya ako tsaka yung lalaking gumagaya sa kanya.
"Eto ba ang sinasabi mo?" Tanong niya habang hinahawakan yung kamay nung lalaking gumagaya sa kanya.
Napatango tango naman ako. Natatakot ako baka anong gawin sa kanya.
Ewan ko Kung bakit may nasilayan akong ngiti sa kanya.
"Hindi mo ba ito alam?" Parang nagtatakang tanong niya sa akin.
Napailingiling naman ako sa tanong niya.
"Ano?! Hindi mo alam ang bagay na ito?" Gulat na tanong niya sa akin.
"Bakit anong bagay ba yan?" Inosenteng tanong ko kay salamangka.
Nanlaki muna ang mata niya sa akin tsaka bumaba na naman ang paningin niya sa katawan ko. Bigla na naman siyang uniwas.
"Sang lugar ka ba galing at hindi mo alam ang salamin?" Tanong niya sa akin. Naglakad naman ito papunta sa isang bagay na naman.
May itinuro na naman siya sa akin. " Eto alam mo ba ito?" Tanong niya sa akin.
Napailing na naman ako.
"Ano?!" Sigaw na naman niya.
Hindi ko na rin napigilan.
" Kanina mo pa ako sinisigawan ah. Hindi mo ba ako kilala? " tanong ko sa kanya.
"Bakit sino ka ba para kilalanin?" Balik tanong niya sa tanong ko sa kanya.
"Isa lang naman akong Prinsesa galing sa Planetang Gaea" pagmamalaking pagpapakilala ko sa aking sarili.
Tumawa naman ito nga malakas.
Napakunot ang noo ko sa ginawa niya. "Nangiinsulto ka ba?" Tanong ko sa kanya.
Kinaway kaway naman niya yung kamay niya bago muna nagsalita.
"Hindi. Hindi naman sa nang iinsulto ako. Siguradong ka bang sa ibang Planeta ka galing o nasisiraan ka na ng ulo o baka naman nakatakas ka lang sa mental hospital" sabi niya sa akin.
Napakunot naman ang noo ko sa mga sinabi niya.
Anong nasisiraan na daw ako nga ulo? Anong ibig sabihin nun? Tsaka yung men .. mentel .. mentol shospital ba yun? Ano yun? Bagay ba yun o lugar o ano?
Napailing iling na lang ako at sinagot siya.
"Anong nasisiraan na ako ng ulo? Anong ibig sabihin mo dun sa sinabi mo? Tsaka ano yung mentol shospital ba yun?" Inosenteng tanong ko sa kanya.
Napanganga naman ito sa mga tanong ko.
########################
Thanks for reading. :)

BINABASA MO ANG
Forbidden Princess
CasualeIsang prinsesa na naghahanap ng isang kalayaan sa kanyang sariling kaharian. At dahil sa may naganap na awayan sa pagitan ng kalaban na gustong kumuha sa kanya at sa kanilang kaharian ay papapuntahin siya ng kanyang mga magulang sa hindi niya kilala...