Anak ka lang sa labas Carleigh. Anak! Ka lang. Sa labas! Kabit ang nanay mo at anak ka lang sa labas , pareho kayong malalandi!Ugh! Palagi nageecho yung boses ni Mitzy habang sinasabi nya sakin yun. Kahit parang sinasampal na ako sa katotohanan di ko parin magawang paniwalaan si Mitzy. Mabait sya at alam ko yun. Kahit may attitude sya, alam kong may soft side sya, hindi nya lang pinapakita.
Sampalin nyo na lang ako. Sabunutan nyo na ako! Saktan nyo na lang ako. Gusto ko nang sanayin ang sarili ko sa sakit kasi di ko alam may masakit pa pala dito. Letshe naiiyak na naman ako.
Anak! Ka. Lang. Sa labas!
Anak! Ka. Lang. Sa labas!
Anak! Ka. Lang. Sa labas!
Anak! Ka. Lang. Sa labas!"TAMA NA! AYOKO NG MARINIG YAN! TAMA NA! HINDI TOTOO YAN! HINDI , HINDI PWEDE ! " kahit anong pilit ko na hindi magpa-apekto. Hindi ko kaya, para syang voice record na tumatak na sa isipan ko. Gulong-gulo na ako, hindi ko na alam kung paniniwalaan ko yun o hindi. "Hindi. Hindi totoo yun. Hindi ako anak sa labas .. Hindi kabit si mommy .. Mahal nila ang isa't-isa. Hindi ... Hindi pwede." napahikbi nalang ako ng mahina. Frustrated na frustrated ako. Buong gabi ako gising, di ko magawang matulog kasi sa bawat pagpikit ng mga mata ko. Naalala ko na naman yung mga sinabi sakin ni Mitzy.
Pagkatapos kasi ng nangyari kagabi nakatulog siguro ako kakaiyak. Pano na lang kaya kung wala si panget dun? Siguradong napahamak na ko. Namalayan ko nalang na nakahiga na ako sa kama ko, pero pagkatapos nun di na talaga ako nakatulog kakaisip.
May tumutulo na namang mainit na likido sa pisngi ko. -- umiiyak na naman ako. Hindi napapagod yung mga mata ko kakaiyak pero ako pagod na. Pagod na pagod na ako.
Mahal ni daddy si mommy, mahal din ni mommy si daddy. Wala namang problema, dahil mahal na mahal nila ang isa't-isa.
Yan lang ang tanging pinanghuhugutan ko ng lakas para bulagin yung sarili ko sa katotohanan. Hindi ko lubos maisip na ito pala yung kahahantungan ng nabuo naming pagkakaibigan ni Mitzy.
Si Mitzy-- hindi ko inalam kung anong nararamdaman nya. Kasi kung totoo man talaga ang lahat ng to, mas triple pa yung sakit na nararamdaman nila ng Mommy nya. Mitzy is one year older than me. Ibig sabihin lng nun. Pinagpalit na sila ni Daddy samin ni Mommy kahit maliit palang sya. Ang hirap maiwan, ang hirap iwanan ng taong pinakaimportante sayo para lang sa iba kahit wala ka pang kamuwang muwang.
Lumaki ako na may kasamang mapagmahal na pamilya. Lumaki akong may ama't ina. Pero di ko inaasahan na sa kabila ng pagsasaya namin ni Mommy kasama si Daddy, may buhay na kaming winasak. May buhay na kaming sinira.
Ang tanga ko talaga! Ako yung nasasaktan ngayon pero iniisip ko parin yung iba. Si Mitzy. Hindi sya iba sakin, nakakatawa ngang isipin eh. KAPATID ko pala talaga sya. Masaya ako kasi kapatid ko sya! Kapatid pero bakit hindi kami pareho ng apilyedo, dala ko yung apilyedo ni daddy, pero ba't sya hindi? Sinabi nyang anak sya ni daddy eh! Ang gulo talaga, pero kahit na, she's still a sister to me.
But i know she felt it the other way! She loathed me to death. Malabong magkasundo kami ulit. Malaki na yung naibaong galit nya sakin.
Hindi ako naniniwala sa kanya. Pero bakit feel ko na yun talaga ang totoo? "Im sorry Mitzy.. *sobs sobs* .. Patawarin mo sana ako *sobs sobs * " hindi ko na napigilang mapahagulhol. Napayuko lang ako at pinatong yung mukha ko sa tuhod ko. Ang sakit. Ang sakit sakit ..
Naninikip na naman yung dibdib ko. Nahihirapan na kong huminga, binabaliwala ko na lang ito. Mas masakit yung nararamdaman ko ngayon.
Nahihirapan na ako. Alam kung sya lang ang makakasagot sa mga tanong ko. Alam kung sya lang yung makakaintindi sakin ngayon. Si Mommy --sya lang.
BINABASA MO ANG
I Fell In Love With My Bestfriend (On Hold)
Ficção AdolescenteMore than friends , but less than lovers -- BESTFRIENDS.