Chap 15: HURT

11 3 0
                                    


Para akong napako sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa kanila na naghahalikan.

Kahit medyo malayo sila sakin. Alam kong sya yun. At medyo familiar sakin yung babaeng kalampungan nya ngayon.

Ang sarap lang batuhin eh.

Nakakainis! Nakakayamot! Nakakaimbyerna. Gustong-gusto kong magalit na lang kasi ako pa mismo ang nakakita sa ginagawa nila ngayon. Pero mas nangigibabaw parin yung sakit na nararamdaman ko.

Selos? Baka nga. Err ewan.
Ang alam ko lang , masyado akong nasasaktan sa nakikita ko ngayon.

Geez yung puso. Aaack ang sakit.

Napahawak lang ako sa dibdib ko. Pinilit kong wag mag-ingay baka makita nila ako ditong namimilipit sa sakit. Wala pang may alam nito at ayoko ding malaman nila. Lalo na si panget.

Pero sa nakikita ko ngayon. Baka wala na syang pakialam sakin, at sa kung ano mang mararamdaman ko.

Mahal ko sya.
At yan ang katotohanang pinipilit kung itago sa mga kasinungalingang ginawa ko. Hindi na nga mabilang yung mga ex's ko at sa kanila ko pinipilit ibaling yung pagtingin at pagmamahal ko sa bestfriend ko.

Pero ni isa sa kanila di nagawang patibokin ang puso ko gaya ng epekto sakin ni panget sa tuwing napapapalapit kami sa isa't-isa.

Minsan nga iniisip kong mamahalin din ako ni panget, inaasahan kong magkakagusto din sya sakin at magmamahalan kaming dalawa.

Pero isang malaking imahinasyon lang yun. Malabo pa sa abo na magkakagusto sya sa isang katulad ko. Kapatid lang ang turing nya sakin at bestfriend.

Mahal ko sya pero may mahal syang iba.

Ang saklap nga naman ng lovelife ko.

Mas masakit pa sa sakit ko sa puso na makita syang may kasamang iba. Sana ako na lang yun.

Mas lalong sumisisikip ang dibdib at di na ako halos makahinga pa.

Ugh. Yung gamot ko.
Kinapa-kapa ko yung bulsa ko at kinuha ko agad at ininom. Nanginginig yung buong katawan ko. Napaiyak na lang ako sa sakit. Kahit papano nakakahinga na ako, pero nararamdaman ko parin yung kirot at hapdi.

Tiningnan ko ulit si panget at ang babae.

Maganda sya, pero yan ang mga babaeng hindi trip ni panget. Bitch sya.

The next thing i knew , nagtatalo na sila.

"Hey! Why did you push me?"
Mataray na tanong nya.

"Were over." cold nyang sabi.

"What? You told me you loved me. Why? No Edward. I love you. " sabi nya at pinipilit na hinahalikan si panget. Pero umiiwas ito at tinulak sya ulit at napaupo ito sa damo. "You can't do this to me Edward. No! Akin kana diba? Tell me you love me Edward please. Please. "  she said kneeling at umiiyak. I feel pity on her side.

Panget. Ang rude mo.
He just stared at her blankly and coldly. "Sinabi mong magiging tayo. Then so be it. Papunta naman din sa wala yung pagf-flirt mo sakin. Nag-enjoy ka masyado kaya ka nagiging ganyan ngayon. Im out of this. Tsk." cold nyang sabi sabay talikod sa X-GF nya.

He's cold.
He's rude.
He's a heartbreaker.

I LOVE HIM.
But he can't.

Umalis na din ako. At sa kung saan-saan na ako dinala ng mga paa ko.

Napatingala lang ako sa langit. Gabi na pala, hindi ko man lang namalayan ang oras. Nagpaalam na din ako kay mommy na gusto kung mapag-isa kaya di na ako makakasama sa kanila dinner, mag-aalala yun sakin.

Nagbabadya na naman ang mga luha ko at unti-unti nang nanlalabo ang mga mata ko. Ang tanga ko. Mas mahirap at masakit palang ilihim tong pag-ibig ko para sa kanya.

Napahikbi nalang ako sa sakit. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Kung bakit sakin pa nangyayari ang lahat ng to ngayon.

I have a heart disease. Nagasgasan yung puso ko nung nalock ako sa storage room na muntik ko nang ikimatay. Unti-unti itong lumalaki hanggang sa naging butas nato, at cancerous ang butas nato. Maari maging malignant ito kung ititigil ko yung medication ko araw-araw.

Ako palang ang nakakaalam. Matagal ko na tong tinatago sa kanila, kaya sa tuwing inaataki ako, nagpapangap akong may hika. Marami ang ipinagbawal sakin ng doctor pero palagi ko tong sinusuway kaya mas lalo itong lumala.

Kinaylangan kong labanan ang sakit nato para sa mga mahal ko sa buhay, pero para namang walang saysay ang lahat ng to. Mas gusto ko nalang mawala.

*sponge bob square pants spongebob squarepants spongebob square pants!!*

Incoming call ...

Panget<3

Bumibilis na naman yung pagtibok ng puso ko.

"NASAN KA?"

***
(Sorry po, masyadong akong natatagalan mag-update. Sa mga typos and errors din po :) )

***



I Fell In Love With My Bestfriend (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon