1st Star

221 4 4
                                    

Sa sobrang init dito sa Pilipinas, kung pwede lang magbabad sa tubig o kaya maligo kada oras, baka ginawa ko na. Kung hindi lang kami nagtitipid sa kuryente, baka ginawa ko ng kwarto itong banyo ko!

Ang sarap lang talagang maligo lalo yung ganito? Pagkagaling na pagkagaling mo sa kama, kuha ng tuwalya, papikit pikit pang lumalakad sa banyo, bukas ng shower, at viola! Magigising ka sa lamig ng tubig. Pagkatapos magmumuni-muni ka sa loob ng banyo. Minsan nga mas mahaba pa yung panahon ng pagmumuni-muni mo kesa sa oras ng pagligo. Natapos ka na maligo, syempre lalabas ka na ng banyo para magbibihis, pagkatapos, lalabas na ng kwarto, para mag-almusal, pero pag tinamaan ka nga naman ng malas.

“MMMMMMMMMMMAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!” sigaw ko

“oh bakit na naman? Ang aga aga kung maka sigaw tong batang to!” sigaw ni mama

“Ma!!! Unang araw ng pasukan tingnan mo ginawa ni kuya!!” reklamo ko, anlagkit!!!!!

“ano na naman ba?”

“ma! Pagkalabas na pagkalabas ko ng kwarto, tinapunan ako ng arina!!! ARINA NA MAY TUBIG!!!!!! Ma!!!!!!! Alas sais na!!! Alas-syete klase ko Ma!!!! Maliligo na naman ako!!!!!!!”

“hoy!! Andrei! Tigilan mo nga yang kapatid mo! Ang aga aga kung pagtripan mo eh” sigaw ni mama kay Kuya

“argh!!!!!!!!!!” pagdadabog ko

“hahahahah, pwede ka ng i-bake kapatid!!!”

“Andrei! Lalabhan mo yang damit niyang kapatid mo tutal ikaw naman ang may kasalanan nyan!” sabi ni mama, YES!!!!

“Ma? Maglalaba? Seryoso ka? Ma naman, ayoko ng naglalaba” reklamo naman ni kuya

“lalabhan mo yang damit nang kapatid mo!”

“BLEEEEEEEEEEEEH Kuya!!!!”

“magbihis ka na nga!!!!! 6:15 na!!”

“opo mama! Bleh kuya!!!”

“lumayo ka sakin baka ihulog kita sa hagdan” banta ni kuya, maasar pa nga

“bleh kuya!!!! Maglalaba ka mamaya!!!” sabay takbo ko sa kwarto ko.

6:45 na ng maka alis ako sa bahay, naligo ulit ako eh, aba naman. Di naman ako masyadong nag wo-worry na baka ma late ako kasi walking distance lang naman yung school ko. Ang saya maglakad papuntang school, madami kang nakakasabay na estudyante, madami kang nababati, ang saya-saya, pero nawala ang ngiti ko ng makita ko si kuya.

“naks! Kamusta naman ang naligo sa arina kanina?” sabay akbay nya saken

“kuya umayos ka! Isusumbong kita kay mama”

“CHILL!!! Bahala ka nga dyan! Una na ko!”

Dyan! Dyan magaling si kuya, sa pang aasar. Walang pina lampas na araw yan para hindi ako asarin. Nung isang beses, nilagyan ng palaka yung bag ko, muntik akong mahimatay sa gulat non. Pano ba naman kasi pagbukas ko ng bag ko, tumalon palabas yung palaka. Sa gulat ko, napa atras ako, akalain ko ba namang yung aatrasan ko eh medyo elevated kaya ayon, na off balance ako. Nung una nga tawa pa ng tawa si kuya sa labas ng classroom namen, pero nung nakita nyang na off balance na ako eh agad agad tumakbo papunta saken, tapos sabi nung mga kaklase ko sya daw nagdala sa akin sa ospital. Nang dahil don, pinagalitan sya nila Daddy tsaka Mama, tapos di ko sya kina-usap ng isang buwan non, nang dahil don sa ginnawa nya, nagkaroon tuloy ako trauma sa palaka -___________-

Written in the Stars [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon