29th Star

56 3 0
                                    

“Sure kang eto na yung lugar?” tanong sa akin ni Jam

 

“oo, eto lang naman yung hotel na andito sa lugar na to eh” sabay turo ko don sa hotel sa tapat namin

 

“ano? tara na?” tapos sabay kaming pumasok sa hotel na yon.

 

Nagtanong kami sa information desk kung nasaan ba yung function hall para sa event daw, basta ang text kasi ni kuya eh sabihin ko lang yung Lee sa information desk eh ili-lead na daw kami non sa function hall. Bilang isang masunuring bata, ayon, ginawa ko naman lahat nung tinext nya sa akin.

 

Pagdating sa function hall, nagulat ako madaming tao, halos kakilala ko lahat. Tapos ang creepy pa kasi halos lahat sila naka formal attire. Pagtingin ko sa kanan ko, nakita ko agad  yung likod ni kuya at dumiretso kami agad sa table nya, kinulbit ko sya at nagulat sya na kasama ko si Jam.

 

“Hi Jam” sabi ni kuya

 

“Uy Andrei! kamusta” alam kong masakit kay Jam yung nangyayari kaso ngumingiti pa rin sya, kung ako yang si Jam baka hindi na ako nakalapit sa kuya ko.

 

“kuya, anong nangyayari?” sabi ko kay kuya kasi halos lahat ng andon sa restaurant eh kilala ko at naka-formal silang lahat

 

“Can I borrow talk to both of you for a sec?” sabi ni kuya at naglakad sya papunta sa isang function room sa may loob nung function hall. Sinundan namin sya pareho ni Jam tapos nung makarating kami function room eh pina-una kami ni Jam pumasok at ini-lock ni kuya yung pinto.

 

“you need to wear this.” Sabay abot nya ng mask na matatakpan yung buong mukha ko. Inabutan nya rin si Jam ng mask

 

“ah, eh para saan?” sabi ko

 

“Ngayon pa lang, I’m asking for your forgiveness. Remember yung fixed marriage na ginawa nina dad at ng mga Mercado? I tried, really tried na ma-prevent yung kasal but, nangyari ang hindi inaasahan ng lahat. That’s why, you're gonna meet you're soon to be husband tonight. I'm so sorry Anndrew, ginawa ko ang lahat ng paraan para hindi matuloy kaso sinabi nila na mas makakabuti to at nung pinag-isapan kong maigi ang lahat, sa tingin ko for once, tama ang mga matatanda.”

 

Ok. I'm gonna meet him tonight. Fuck.

 

“kuya” marami akong gustong sabihin kaso kuya lang ang lumabas sa bibig ko. Para sa ikabubuti ko yung arranged marriage?  What the hell! Anong hindi inaasahang pangyayari? Anong tama sila? Gustung-gusto kong magsalita kaso hindi ko alam kung pano ko sisimulan. Napa-upo ako sahig at tumungo ako habang nilalaro yung palda ko. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako kung hindi pa nabasa ng patak ng luha yung palda ko.

 

Nilapitan ako ni Jam at niyakap. Nakita ko yung paa ni kuya palapit sa akin kaso naramdaman kong binulungan sya ni Jam at ayon, umalis sya sa function room. Nung pag labas nya, lalong lumabas yung luha ko, iyak lang ako ng iyak. Sa totoo lang hindi ko naman alam kung bakit ako umiiyak eh. Umiiyak ba ako kasi makikilala ko na yung ipapakasal sakin o umiiyak ako kasi iniwan ako ni kuya.

Written in the Stars [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon