20th Star

75 3 0
                                    

Nag-start ang operation BBJ o bawal-batiin-si-Jam nung magising kami. As in todo pm kami sa fb sa lahat ng schoolmates namin na walang babati kay Jam. Tapos pag may makulit, ang gagawin namin eh i-de-delete yung post nya sa timeline ni Jam. Alam ko kasi yung password nya eh HAHA

Mga bandang 8 am, naisipan kong maligo at 9:30 eh on the way na kami papunta kanila Jam. Kinakabahan ako kasi hindi ako sanay ng ganto, mamaya kasi matawa ako tapos madulas pa kami sa plano namin para sa kanya, hay nako naman :D

*ding-dong*

Naka-ngiti pa si Jam nung palabas sya ng bahay nila. Eh ako syempre para convincing eh puzzled face ang iniharap kay Jam.

“hi Jam!”

“hello Anndrew!” tapos niyakap nya pa ako, tapos naglalakad na kami papasok sa bahay nila.

“may itatanong lang sana ako kasi alam mo na, MAY ASSIGNMENT BA?”

“ah, wala naman.” Yung salita nya parang may iniintay pero hindi pa din nawawala yung ngiti nya

“anong nakain mo at naka-ngiti ka?”

“wala ka bang naaalala?” tapos hoping pa din sya na baka batiin ko sya eh ako naman syempre puzzled look pa din.

“wala naman. Oh hi tito! Good Morning” bati ko kay tito na pababa ng hagdan nila

“wala ka talagang naaalala?”tanong nya ulit. Paulit-ulit sya hay nako kakaawa ang bespren ko.

“uhm, wala na----------------------man. Ay wait” sabay halungkat ko sa bag ko, yung mukha nya non eh from malungkot ng light up, “eto pala. Akala ko naman kung ano. Oh refill mo ng frixion pen”

Sabay abot ko nung refill nung frixion pen sa kanya. Hahahaha nakaktuwa tong bestfriend ko, kung pwede lang magdrama eh mag da drama na talaga/

“Anndrew, kanina pa ganyan yan, akala mo kay kung anong special ngayong araw na ito. Gusto lang naman mag-shopping, osya anak, tara sa mall, para makabili ka na din ng para sa project mo. Maligo ka na, osya Anndrew, uuwi ka na ba? regards nalang sa kuya mo atsaka sa parents mo.”

Tuloy-tuloy na sabi ni tito. Etong si Jam naman eh inihatid ako sa gate at nagtanong pa ulit kung “wala ba daw talaga akong natatandaan?” ang sagot ko naman eh, “wala talaga eh” tapos hinug nya lang ako tapos pumasok na sya ulit. Nalimutan nyang isara yung gate kaya ako naman eh pumasok ulit at dun ako naglagi sa guest room.

Mga 25 minutes nung kumatok si tito sa pintuan na nagsisignal na paalis na sila. Ako naman after 5 minutes pa nung lumabas. Inikot ko muna yung buong bahay kung may tao pa ba, nung sure na akong wala talaga, tinawagan ko sina kuya at sinabi nya na signal ko nalang ang iniitay nila at lalarga na sila.

Mga 25 minutes nung nakarating sina kuya sa bahay nina Jam. Akala ko nung una eh kaming apat lang ang magde-decorate, nagulat ako halos lahat pala ng kaklase at batchmates namin eh tutulong O.O

“ok guys. It’s already 11 pm. We’ve got 2 to 3 hours to decorate and cook. Kaya ba natin to?”

“KAYA!” sigaw nila ng sabay-sabay.

“ok, game.”

Tapos nagkanya-kanya na kami ng gawain, sa garden at sa may bandang pool, bali ang labbass parang may pool party, 16th birthday ni Jam eh. After 2 hours or so. Ayos na lahat, syempre pagod na din kami. May mga ilan-ilan na lang na inaaos o tinutupo, wali-walis nalang. Nung mga 1:30 na, nag –text na sa akin si tito, malapit na daw sila.

Written in the Stars [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon