32nd Star

46 2 0
                                    

Today is the day. Check-up ko ngayon at hindi ko alam kung pano ko nalusutan si Samuel. Honestly? Hindi pa rin kami ok as in friends na ulit kami pero at least nag-uusap na kami. We’re good but not yet ok.

 

Sinundo ako ni kuya sa bahay kasi sinabi nya. Alam nya kasi na check-up ko ngayon at alam nya rin na possible na hindi ako magpa check-up. Sabi niya kaya daw usually eh, pag may sakit ka ayaw mo ng chine check-up kasi:

 

a. ang dahilan mo eh mamatay ka din naman, bakit kailangan mo pang malaman yung lagay mo?

 

b. nakakapagod na yung laging nasa ospital

 

c. gusto nalang mabuhay na hindi inaalala yung oras nya

 

d. mawawalan lang lalo ng pag-asa

 

e. tinatamad magpa check-up.

 

Maraming mga rason, pero ayan lang yung mga natandaan kong sinabi ni kuya. Pero dahil kilalang kilala ako ni kuya, syempre ang rason dyan ay...............

 

Tinatamad akong magpa-check up. Kasi unang-una, nakakatamad kaya mag-intay sa tawag nung number mo? Pangalawa, yung oras na itinunganga ko sa ospital eh sana nagamit ko sa mas reasonable na paraan. Pangatlo, nakakatamad talaga magpa check-up! Sa huli ang matatanggap mo lang naman eh papel na hindi mo maintindihan yung nakasulat o laman.

 

Nung palabas na kami ni kuya ng bahay, sasama sana si Samuel kaso sinabi ko na lakad namin to ni kuya. Pagkatapos kong sabihin yon, hindi na sya nagpumilit na sumama. Hindi ko rin alam kung bakit eh, persistent kasi yang taong yan, siguro natakot kay kuya? Hahahahaha

 

At dahil kambal kami. Sa mall muna kami nagpunta! Anong konek? Wala! Hindi joke, bibili kaming food ni kuya. Para after akong I check up eh may makakain ako. kinukuhanan kasi ako ng dugo before I check up after non tsaka palang ako pwedeng kumain.

 

Habang andon kami sa aisle ng bread, naisipan kong tanungin si kuya sa kung ano ba talaga ang nangyayari sa kanila ni Autumn at Jam.

 

“hindi ko alam Anndrew. Naguguluhan din ako eh” ang tanging sagot nya sa akin.

 

Bilang isang tao, alam mo at pansin mo naman kung may care yung ibang tao sa ibang tao diba? Before ramdam kong may care at respect si kuya kay Jam. I mean, oo lagi silang nag-aasaran per once na napikon na si Jam, tatahimik na si kuya. Nung mga panahong lumayas kami ni kuya, sino bang contact namin sa bahay? Si Jam! Nung maraming naka-bantay sa akin noon, sino ba yung nagsacrifice na sabihing nililigawan sya ni kuya? Si Jam! Sino ba yung nakidnap ng dahil sa kagagawan ko? Si Jam! See? Sa halos lahat ng recent events na nangyari sa amin eh laging andon si Jam at alam ko na isa sya sa mga pino protektahan ni kuya. Hindi nya man aminin pero ramdam ng ibang tao yon.

 

Si Autumn naman. Wala akong ibang masabi maliban sa first love sya ni kuya. Sa tingin ni Jam wala syang laban don, sabagay maski ako naman kung ako yung nasa posisyon ni Jam, anong laban ko sa first love nung taong gusto ko? Sabi nga ni Jam, bestfriend lang ako nung kapatid ng gusto ko.

 

“if you would choose between the two, who would you choose?” sabi ko habang naglalakad kami sa aisle ng mga drinks.

Written in the Stars [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon