19th Star

81 2 0
                                    

Alam mo yung creepy? Eto yung nakikipagtitigan ako kay Tito Red. Short daw sa Redentor. Nako po ako’y kinakabahan. Itinuro naman sa akin ni kuya M yung kwarto daw namen ni kuya. At ang weird kase as if talagang dun kami titira. 2 kama, tig-isang side table, may bookshelf, may basketball memorabilia, shocks, balak ba naming tumira talaga dito?

“uhm, salamat kuya. Pwede bang lumabas muna. Sa may garden lang ako, mag-iisip ng concept tsaka mag se search na din ng mga ideas. Tapos after 2 hours balikan nyo nalang po ako 2 pm pa lang naman”

Kinuha ko yung notebook at ballpen. Tsaka ko lang napansin na may dala na din pala si kuya na writing materials at coloring stuffs, PERO WALANG LAPTOP. Anong gagawin ko dito? Pipilasin ko? Unang-una, HINDI AKO MAGALING MAG-DRAWING! Baka imbes na matuwa sya sa ibibigay ko eh matawa sya sa sobrang panget. Bumaba ako, dala-dala ko yung coloring at writing materials ni kuya at yung notebook na hindi ko alam kung saan nanggaling.

Umupo ako sa may table at naka-tungo, hawak ko yung pencil tapos nag-iisip ako. 15 minutes na akong naka-tungo AT WALA AKONG MA-I-DRAWING. Ay saklap. Nag-iisip ako nung magulat ako sa nagsalita.

“Anndrew, kelangan mo ba ng laptop? You can use mine if you need it.”

“mamatay ako sa sakit sa puso sayo eh -_- wag ka ngang manggugulat!”

Ironic diba? Mamatay naman talaga ako sa sakit sa puso kaso nga lang, ginagawa ko na lang biro. Hay buhay.

“matanong nga kita, marunong ka bang mag-drawing?” ay tingnan mo ito. Parang shunga tanong ng tanong

“uhm, yeah?”

“hahaha. You're unsure, akin na nga yan. Ano bang balak mo?”

“Gusto ko, maliit yung katawan ni Jam at yung damit nya eh pang-doctor. Tapos malaki yung mukha nya tapos colourful, de joke. Malinis yung mukha ni Jam yung background yung colorful”

“uhm, ok. Akin na nga yan. Ako na gagawa ng drawing mo.”

“marunong ka?”

“Yeah. Drawing is my passion. Portraits yung kadalasan kong idina-drawing.”

Tapos nag do drawing na sya. Nung 5 minutes na wala pa akong ginagawa, eh hiniram ko yung dala nyang laptop. Ayos naman, nag se search na ako ng designs. Alam kong hindi ako marunong mag-drawing pero marunong naman akong magkulay kahit papano. Nag-doodle ako sa isang buong bond paper, tutal puro kanto ang kaya kong gawin HAHA. May pagka creative naman yung utak ko, kaso nga lang eh ayon nga, hindi ako kagalingan sa pag do drawing ng tao.

Sabay kami halos matapos ni Sammer sa pagdo-drawing nung lumabas si kuya M at tinatawag kami.  Dumating na daw kasi kuya at magbabalot na kami ng regalo.

Inuna naming balutan syempre yung kay Sammer HAHA tapos yung kay kuya M at yung kay kuya. Nung tapos na sila, tsaka lang nila napansin na vini-videohan ko na sila hahaha.

“Kaway kayo bili”

“Hi Jam” sabay sabay naman nilang sabi.

“kuya M. Ikaw muna mag me-message kay Jam. Tara sa ma fountain” habang naglalakad sya eh vini-videohan ko din haha tapos nag message na sya. at mahaba ito :D

Sunod kong pinuntahan si Sammer at nagmessage din ito. Syempre huling-huli si kuya HAHAHA mahabaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa ang message ni kuya, grabe. After non, nung mga 5 na siguro, naisipan kong ako naman. Tinapat ko yung camera sa mukha ko, at syempre inayos ko yun haha. Tapos natapos na yung timer at nag green light na meaning start na yung recording

Written in the Stars [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon