31st Star

59 2 0
                                    

[author's note: Play the song on right part of the screen. Promise, it'll give you the feels  <3 ]

 

Naligo ako at inayos yung sarili ko tapos I ate the chocolate cake like hell. I know bawal sa akin ang masyadong matamis kasi madaling mamaga ang lalamunan ko pero who cares? After kong kumain nung cake, lumabas akong may dungis dungis pa at nakita ko si Samuel na nasa sala. Tuloy tuloy lang ako ng lakad hanggang sa dumating ako sa kusina. Hinugasan ko din yung mga pinagamitan ko. Nung naglalakad na ako pabalik sa kwarto, naramdaman ko na lang na may nakayakap sa akin.

 

“I’m so sorry Anndrew, I really do.”

 

“just. Please Samuel, give my time to think.”

 

“ok but can we stay like this for 10 minutes?”

 

“...................................”

 

Tahimik lang kaming dalawa. Naka back-hug sya sa akin. Shit.  Shit na nakakakilig. Kahit galit ako sa kanya, may pakiramdam pa din naman ako. ngayon ko lang naranasan i-back-hug, tapos ganto pa yung sitwasyon? Asawa ko tong mamaw na to na nagsinungaling sakin? Kaasar! Hindi ko alam kung matutuwa ako sa nangyayari o maiinis ako.

 

“I won’t breath until you just tell me everything’s alright I’m not afraid of losing this, I am afraid of losing you”

 

Kumanta sya. I know it’s the typical, random, clichéd part of any stories na magbaback-hug ang isang lalaki tapos kakanta sya bigla pero ganto pala yung feeling? Unti-unting nawawala yung galit mo. Yung namumuong something sa loob ng tyan mo na nakakakiliti eh kinakain yung naipon na galit mo sa isang tao. Bago pa  tuluyang mawala yung galit ko at mangibabaw yung isa pang feelings, eh tinanggal ko na yung kamay nya sa bewang ko at tumakbo ako papasok sa kwarto.

 

Pagdating ko sa kwarto, grabe yung kabog ng dibdib ko. Sabi nila pag tinamaan ka ng pana ni kupido, patay ka na. Shet! Tinamaan ako sa maling pagkakataon. Pero hindi pa naman siguro to malala diba? Hindi na to lalala. Kaya habang maaga pa, kailangan ng maputol tong nabubuong feelings ko.

 

Yung kabog ng dibdib ko itinulog ko nalang, baka sakaling mawala.

 

It was one of the dreamless nights. Wala akong clue  kung anong napaginipan ko. Usually kasi, may parts lang akong natatandaan sa panaginip ko, pero ngayon, wala na naman! As in wala akong matandaan sa mga napanaginipan ko. Lumabas ako ng kwarto para maligo, naalala kong wala nga palang banyo sa kwarto dito. Dederetso na sana ako sa banyo para maligo nung napansin kong magulo yung bahay, este magulo yung kwarto ko. Malinis yung bahay, nakakatuwa na hindi ako sisipunin! Yey! Bago ako maligo, napag-isip isip ko munang maglinis ng kwarto.

 

3 oras na akong naglilinis, nagkukuskos at kung anu-ano pa, nung huling walis ko na sa may ilalim ng kama, may sumamang index card. One-half index card. Medyo weird kasi hindi ko kilala yung penmanship, nung tiningnan kong maigi, para sa akin yung sulat. When I flipped it to the other side, may pangalan kung kanino nanggaling.

 

Samuel Mercado.

 

Binasa ko yung letter. [please refer to the side to know the letter’s contents.] Nung natapos kong basahin, I dunno if I feel bad na nagalit ako sa kanya na gumawa sya ng paraan nuon. Na ako lang tong si tanga na hindi nabasa yung letter nya. Eh isa’t kalahating tanga din naman tong si Samuel, kung bakit kasi hindi nalang sinabi sa akin na may letter palang kasama yung libro nya. Shunga din eh!

Written in the Stars [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon