18th Star

74 2 0
                                    

Saturday ngayon at wala akong magawa. Nasabi ko na bang natapos ko na yung books na binili namin ni kuya? Hahaha grabe lang yung mortal instruments at beautiful creatures. Nako naman, lumalaban talaga yung babae. Atleast tama si Aer na maganda yung story.

And that’s it! Alam ko na kung ano ang gagawin ko :3

Tapos na akong magbihis nung matapat ako sa calendar namin. Aw shocks, November na pala? And that means malapit na ang Christmas? De joke, malapit na announcement ng honor roll. Hay nako, ga-graduate na pala ako-este kame :(

Aayain ko sana si kuya kaya lang nung pagkahawi ko nung curtain eh, nakita ko sya na nakahiga sa kama, tapos naka headphones at yung mata nya eh natatakpan ng right arm nya. Kesa naman sa gisingin ko pa sya edi ayun nagsulat nalang ako ng note at baka sakaling hanapin ako non. Nilagay ko yung note sa may lampshade nya, don sa side table. Tapos lumabas na ako.

Paglabas ng village namin maglakad ka lang ng unti tapos sakayan na ng jeep. Ang maganda naman sa amin  ni kuya, hindi kami ignorante sa jeep. Marunong kaming sumakay sa jeep hahaha, mas gusto nga naming mag public transpo kesa sa mag sasakyan eh. Nagbayad ako sa jeep at ayun, pinuno lang sya at lalarga na kame. Gagawin pa nga sanang tig-i-eleven yung jeep eh, eh pang sampuan lang yon -_- kung di pa nga nagreklamo tong katabi ko baka di pa kami lalarga eh.

Mga 15 minutes din siguro yung byahe. Hindi naman ganon ka-traffic pero di mo rin maiiwasan yung mga idle moments sa jeep. Yung tipong traffic na umaandar naman kahit papano. Tapos maya maya bibilis yung andar nung jeep maya maya mag so-slow down. Hay nako. 11 pm palang buti hindi pa ganto karami ang tao sa mall.

Pagdating ko don, tinawagan ko si Jam. Sinabi ko na samahan nya ako at i-meet nya ako sa may supermarket tapos pinagmadali ko sya. edi ako naman imbes na mag-intay at tumunganga sa supermarket eh, ayun, kumuha ako ng cart at namili ako ng food. Una kong pinuntahan eh yung food section, pagdating sa food section hinanap ko yung sa bread part, at ayon, nakita ko ang sangkatutak na oreo *u* at nagningning ang mat ako and I lived happily ever after kasama ang aking mahal na si oreo. De joke, kumuha ako ng mga 3 box nung oreo, ung original na flavour ayoko nung strawberry -_- tapos 6 na yung nasa pack na parang tube hahaha. Mahirap i-explain, basta pag tiningnan nyo sa 7/11 eh 35 php isa non.

Naglakad pa ako ng konti at nakita ko naman yung Goya na quadros, kummuha din ako ng 5. Tapos kumuha din ako ng graham biscuits, fruit cocktail, nestle cream at condensed milk. Naisipan kong mag tiramisu. Unang-una ayoko ng mangga sa tiramisu, maasim -_- pangalawa bakit fruit cocktail? Masarap yung juice nung fruits eh bakit ba? sarap I bottoms up!

Edi ayon dala dala ko yung cart at papunta na ako salalagyanan ng mga marshmallows nung maramdaman kong nagvibrate yung phone ko. May tumatawag. Si Jam.

“oi bes. Pasensya na. Hindi ako makakapunta, biglaan kaming nagkalakad nina daddy. Pasensya na talaga. Promise sa ibang araw babawi ako. Sorry talaga.”

“ok lang yun, nukaba osya bye”

Edi ayon. Mag-isa akong mag mo-mall. Pagkakuha ko ng 2 packets ng marsmallew, kumuha din ako ng gummy bear, yung gummy bear na clear ha, yung masarap nguyain pero hindi ganon kaasim. Tsaka kumuha din ako ng lollipop, favourite kasi ni kuya yon eh :)

After dun sa food, hinanap ko kung nasaan yung tapunan ng garbage, basta kulay black yun na plastic. Ah oo, garbage bag. Kumuha na din ako non tapos ayun binayaran ko na sila sa cashier tapos iniwanan ko na muna sa baggage counter.

Umakyat ako sa second floor at dumiretso sa bilihan ng jeans pero syempre kumuha din ako cart nubanaman. FUBU ang jeans ko eh, bukod sa komportable ako sa tela, mahaba pa yung cut unlike nung sa iba na pants daw pero pag sinukat mo parang tokong na lang. 2 pants yung kinuha ko tapos kinuhanan ko din si kuya ng dalawa :3

Written in the Stars [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon