36th Star

41 2 0
                                    

Matapos manggaling sa chapel eh sumakay na kami sa jeep.

 

“San tayo pupunta?” tanong ni Samuel

 

“sumunod ka nalang” sabi ko tapos nginitian ko sya

 

Pagkatapos ng halos 30 minutes na byahe eh bumaba kami sa isang mall.

 

“mall?” tanong nya ng may halong pagtataka. Alam ko namang naguguluhan sya pero gusto kong mang-asar eh.

 

“ngayon ka lang ba nakakita ng mall Samuel?”

 

“hindi, kasi, wala, nevermind”

 

Naglalakad kami papasok sa mall nung makita kong puzzled pa din ang mukha ni Samuel, “andito tayo kasi nabanggit ni Anndrew nuon, na gusto nyang magkaroon ng malaking bear. Bibili sana ako para mapilitan syang gumising hahaha”

 

“ok lang bang ako nalang yung bibili nung bear? Tutal bumili ka na nun nuon diba?”

 

“ok lang. Ang bilhin mo mas malaki ha!”

 

Nakapili naman sya kaagad ng bear. Tapos eh binitbit namin yon habang may binibili ako sa supermarket.

 

Papunta na kami sa naisip kong destinasyon nung nakita kong mahigpit yung hawak ni Samuel don sa bear.

 

“may pagkain na akong nabili. Tara na sa talagang pupuntahan natin”

 

Nag-nod lang sya sa akin. This time eh hindi na kami nag-jeep. Nag-taxi na kami kasi nakakahiya don sa ibang pasahero ng jeep kung mag-dyi-jeep kami kasi anlake talaga nung bear!

 

“san tayo pupunta?” tanong nya, halos 45 minutes na kasi yung itinatakbo nung taxi eh

 

“pupunta tayo sa lugar kung saan nangyari ang lahat. Sa lugar kung saan nagsimula ang lahat.”

 

“sa playground?”

 

“oo.”

 

Pagkatapos non eh hindi na ulit sya sumagot, at sumunod nalang sya sa akin.

 

Pagdating namin sa dating bahay nila Autumn, eh nakita ko si Ren na palabas ng bahay. Siguro may Kinuha lang si Ren, pano ba naman ang dala nya eh halos mga bag na mukhang mga libro ang laman -_-Kawawa naman si Ren! Pinahirapan ni Autumn -_- . Si Ren yung mas batang kapatid ni Autumn. Hindi ko sya masyadong ka-close kasi hindi ko naman sya ganon kakilala. Nung mga panahon kasing kasama ko si Autumn. Kami lang talaga, madalas sa mall, at ang madalas sa national bookstore kami unang pupunta, mahilig talaga syang magbasa eh

 

Matapos daanan naming yung bahay nina Autumn eh dumaan din kami sa dati naming bahay.

 

Written in the Stars [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon