Chapter 37 :"> The Sandwich Guy

426 15 3
                                    

When you couldn't sleep and overthink things... Here's something i should've given time before any epic fail landi in my world. Jk. Hahaha!

Enjoy!

Follow me on instagram & twitter: @churlalove

-----

Commercialized na ang idea ng pag-ibig. At 'yong mga expectation mo na gagawin ng isang tao (e.g. pagbibigay ng bulaklak, panghaharana, chocolates every hour, hatid-sundo sa bahay) ay nagiging basic requirements ng definition ng love.

At kapag natugunan na ng isang tao 'yon, nagiging fixated na ang umiibig na siya ang tamang lalaki/babae sa'yo. 'Yong tipong hindi mo pa alam 'yong past n'ya, tanggapin mo na sya kaagad. Without no further questions. Kahit hindiniyo na pag-usapan pa. Tutal ang mahalaga, may kayo.

May salitang "mahal kita, sapat na". Ang bentang benta ng ideya na 'yan ngayon. Kahit three times a week lang s'ya maligo, mahal eh. Sapat na. Pagpapaganda lang ang alam gawin sa buhay, mahal eh. Sapat na. Inuuna ang NBA games kaysa saprojects, mahal eh. Sapat na.

At puro ikaw lang ang inaalam n'ya (syempre kilig ka kasi interested sya sayo), mahal eh. Sapat na.

Ngunit pa'no naman 'yong KAYO? At 'yong SIYA? Kung sapat na ganito?

Yan ang commercialized na pag-ibig. Mahalaga, 'yong atensyon na ibinibigay n'ya sa'yo. Dahil buo na 'yong programmed identity n'ya sa utak mo.

Pero hindi ako kasama do'n sa mga naniniwala sa ideyang commercialism ng pag-ibig. (Ugh, yong mga ilang mababasa mo sa libro: COMMERCIALIZED LOVE.)

I imagine love to be faithful and yours... ONLY. It's a mixture of commitment and promise - commitment sa time, effort, tao and sa feeling.

Aanhin mo naman ang pagmamahal kung mahal ka lang? Pero hindi naman siya sayo? Hindi naman s'ya tweet na p'wedeng i-retweet ng iba dahil ayo'n din ang feeling nila sa tweet mo. Unless, willing ka.

But i am not.

I may sound so possessive, aminado ako, on some things kasi dapat... Ang kay Tricia ay kay Tricia. Ayoko nang may ka-share. Madamot ako in some ways.

"Enjoying your food, huh?" Amused na tanong sa akin ni Dikki.

Ayoko ko siyang sagutin. Magsawa s'yang panoorin akong kumakain lalo na i'm with my favorite guy today.

"In love na in love ka, 'no?" Dagdag niya habang inayos n'ya ang kanyang laptop para makita ko s'ya sa ibang anggulo.

Tinapos ko muna ang pagkain ko bago sumagot sa kanya.

What i love about Dikki, marunong siyang maghintay na tamang oras na ilalaan sa kanya. Sa lahat ng bagay.

"Of course! Wouldn't miss my favorite guy. Sabi ko sa'yo, sumama ka na sa akin. Sayang, 'di mo s'ya na-meet." She just rolled her eyes upon hearing what i said.

"Trish..." Tawag ni Dikki sa seryosong tono. "Sagutin mo na kasi 'yong tanong."

I suddenly wanted to end our skype video call. Again, it's been 5 days since they're trying to convince me na sagutin 'yong tanong.

Ayoko. At hindi magandang mag-usap kami ni Enrico.

Paulit-ulit na naririnig ko 'yong tanong na iyon sa isip ko. May EDM version na nga eh. And fact: i don't like EDM as much as i wouldn't want to answer his question.

Galit ka ba?

Galit ka ba?

Galit ka ba?

May nagawa ba akong masama?

May nagawa ba akong masama?

May nagawa ba akong masama?

Nagseselos ka ba?

Nagseselos ka ba?

Nagseselos ka ba?

That! BA'T NAMAN AKO MAGSESELOS?! WALA NAMAN AKONG KARAPATAN SA KANYA?

Edi, doon na siya kay Carmela. Itataas ko na ang white flag!

Sapat nang ebidensya 'yong nakita ko.
Them. Dancing. In a cinematic intimate scene. Magkayakap. While his head on her shoulder.

Damn. Ang sakit.

'Yong sinabi kong hindi ako kasama sa mga naniniwala sa commercialized love, kinain ko lang 'yang prinsipyo na 'yan dahil kay Enrico.

Under sa commercialized idea ng love, ang dalawang taong may feelings ngunit hirap namang sabihin ang mga salita ay tinatawag na mag-M.U. At ang salik ng mga ito ay may constant communication at feedbacks. In short, binabalita n'yo sa isa't isa ang mga ganap sa buhay n'yo.

Oo, lumevel-up na ang M.U. Dahil hindi na excuse na wala kang load because there's now such thing as free facebook. Na pwede kayong mag-usap at magkamustahan. Free data!

Kaya kahit wala pang-aminan ng feelings sa amin ni Enrico, matik na dapat na sinabi niya sa akin kung anuman ang nangyari no'ng gabing 'yon. Pero hindi eh.

I waited him to contact me. For one day. At ayon kaagad ang itatanong n'ya sa akin? Galit ako? May ginawa s'yang mali? Nagseselos?!

Aba! Grabeng mga paratang naman 'yong mga yan! TALAGANG GALIT AKO.

Una, nagmukha akong tanga sa harap ng nanay ni Carmela. Dahil obvious namang pinapakisamaan lang ako ng nanay n'ya dahil girlfriend kuno ako ng pakshet na lalaki.

Pangalawa, he didn't explain what happened after our mini-teleserye encounter. Pa-cool lang s'ya. Typical Homeboy.

Pangatlo, he's been intentionally changing topics before the wedding event happened 'pag inoopen ko. Grabe, ako na 'yong nagpapakalalaki sa amin. Man up, Enrico! Oo, 21st century na kaya ako na ang nagtanong dahil ayoko nang clueless ako. Sawa na ako sa pagiging hanggang bestfriend mo.

Lastly, nakita ko silang magkasama ni Carmela sa Canteen. Sweet. And maraming lumilipad na sparks.

Galit ako. Dahil binalewala niya 'yong effort ko. Pinaghintay n'ya ako. And he let me felt betrayed.

Shaking my head, "Sorry, Dikki. H'wag muna sa ngayon. Busy ako." I ended the call.

Okay na h'wag nilang malaman muna. This feeling is shitty. And i hate it.

I don't want people around us to judge me. Hindi ako nag-iinarte. It is just... He's afterall my bestfriend. He should at least consider my feelings.

And to humans, ang initial reaction nila ay mababaw ang reasons ko. But heck, no. I have my stand.

May tiwala ako sa kanya bilang kaibigan. And if, in case, as a lover... He needs to earn my trust. Patunayan niyang... Ako lang.

Damn, ang drama ko. Epekto ba 'to ng The Sandwich Guy?!

Commercialized kasi ang ideya nila ng pag-ibig. Kaya alam ko sa sarili ko, walang makakaintindi. Ako lang. At kailangan nilang igalang kung anuman 'to. Dahil ako 'yong nasaktan - 'yong nawarak ang ideya ng true love.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 10, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Waiter, pa-order ng lovelife.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon