Chapter 20 :"> Hassleeee~

5.4K 78 14
                                    

Weird lang. Wala akong maisip na title for this chapter kasi wala namang pagkain or any drinks na involve ngayon sa chapter na 'to.  So.. Basta, basahin nyo na lang. Hope you'll like it. Sorry din kung ang tagal-tagal kong mag-update, dami po kasing trip sa buhay eh. Ngayon lang din naka-open ng maayos. Salamat sa lahat. :)

Don't forget to VOTE, COMMENT & LIKE. 

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Resty's POV

Malapit na matapos yong kanta ni Trish. Siguro akala niya hindi ko alam na yong kakantahin niya eh "Pagdating Ng Panahon". Kinulit ko talaga si Ramil para sabihin niya kung ano ang kakantahin ni Trish. Makulit ako. Oo. Hindi dahil gusto ko siya, eh kundi dahil mahal siya ng kaibigan ko. 

Obvious namang in denial silang dalawa sa nararamdaman nila. Oo, crush naming lahat si Tricia. Eh sino bang hindi? Napaka-unique niya. Tamad lang talaga mag-ayos babae siguro dahil head turner siya & hindi na niya kailangan gawin yon since kilala siya bilang matalino at active student ng school.

"Oh, ready ka na?" Tanong kay Enrico habang hinawakan ko siya sa balikat. Kinakabahan 'to dahil first time niyang gagawin 'tong balak namin. After our man to man conversation, enough na siguro 'yong sacrifice ng barkada for him to graduate na sa pagiging torpe. Eh habulin nga ng babae, chickboy, biglang natorpe! Hayyyst. In denial king pa.

"A-ko-oohh pa!?!" Sagot niya. Ha! Kung nakikita mo lang itsura mo, Enrico! "Tss." sabi niya.

"Bakit?" Tanong ko. May something na gumugulo sa isipan ng aking kaibigan. Tara't tayo'y mag-usap. Haha.

"Pare, sigurado ka ba? Kita mo naman 'yong kinakanta niya oh." Sabi na nga ba eh! Gusto magback out nito. Torpe na, manhid pa! Hindi ko naman kailangang sabihin pa harap-harapan sa kanya na, HOY MAHAL KA NIYA MORE THAN A FRIEND AT PARA SAYO 'YONG KANTA kasi ayaw ko mag-assume. Hehe. Hindi naman kami ganon ka-close ni Trish. Malay ko ba sa buhay buhay niya. Baka akala ko lang para sa kaibigan ko 'yon.

"Pre, trust me! There's nothing wrong with our plans. Besides, bestfriends naman turing niya sa'yo and she might just take it as a joke & part of our show. Chill~" sabi ko. Tama naman ako eh. Kung hindi man umepekto 'yong plano, then I'll find a way na lumabas na artista effect lang 'yong mangyayari. "Basta stick tayo sa line up ng songs, isa kakantahin ni Jayson, isang group, dalawa sayo.. Yong isa sa atin." Evil laugh. Correction, ikaw at si Trish.

"Kadiri ka..." Then inalis niya 'yong kamay ko sa balikat niya. "Isipin nila bromance. Ew! Pagkatapos nung eksena na gagawin ko, tas biglang duet tayo ng Whenever I Call You Friend. Yuck." Ang arte rin nito. Hindi mo lang alam, alam na naming lahat. 

Sa mga gantong sitwasyon, kailangan lang naman ng isang matinding PUSHER eh. Parang droga lang. Hahahahahahahahaha!!!

"Baliw." Sabi niya.

"Masama bang ngumiti? Papa Enrico." Then I made a gay expression. Lols. Baka after nito, ako ang best man mo sa kasal mo, hindi mo lang alam. Ako si Resty, the Cupido. Haha!!

"Oh, tapos na si Trish!" Sabi ni Jayson. "Leggo guys!! Fight!" 

"Yong All About You, Enrico.. Wag mong kalimutan, mas marami kang part don." Paalala ko sa kanya.

Nasalubong pa namin sa backstage sila Ramil. Binati ko kaagad sila. "Nice performance, dre! Idol..." Tas ginulo ko yong buhok niya.

Waiter, pa-order ng lovelife.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon