Chapter 24 :"> KFC Part 1

5.1K 67 8
                                    

Dearest readers, sorry kung ngayon lang ako nakapag-update ah. :( I just need to find myself. Stressed lang sa lovelife. Lol. Sana magustuhan niyo tong update ko. Super sorry and maraming salamat sa patuloy na pagsuporta. :)))


Dedicated this chapter to Babyjeah! Thanks for sharing your story. :)

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Anong oras na teh? Tuloy pa ba kayo? Umuulan oh." sabi ni Joe-ann. Kinakabahan na ako. Ang tagal-tagal naman nitong si Enrico. Nandito kami ngayon sa tambayan at hinihintay siya dahil nagpapasama siyang bumili na ewan ko kung ano yon.

"Wait. Hindi pa nagre-reply eh." Hongtogol ah. Ako pa ang pinaghihintay. Parang baliktad yata? 

"Sis, anong oras na oh. 3.30pm na. Uwi ko pa, Cavite. Wag mo na akong isama. Ang layo, Trinoma pa kayo pupunta. Anong petsa na ako makakauwi?! Sige na.. Kayong dalawa na lang. Para may alone time naman. ayie." At Kurot naman niya sa tagiliran ko. 

"Sis naman! Alam mo namang hindi ko kaya di ba? Gusto mo bang mabalitaan ako sa TV na inatake sa puso." Sa sobrang kilig. Hindi ko maimagine. Hindi ko kakayanin.

"Tss. If i know, sinasadya niya talaga. Kaya nga ikaw niyaya niya. Andyan naman barkada niya. Tss. Ba't ikaw pa?"

"Syempre, ako bestfriend. Wag mo na lang bigyang malisya ah." Then i smiled. Ayaw ko na lang bigyang malisya kasi... Mahirap na. Haha.

"Obvious naman eh. Ayan problema sayo. Yong andyan na.. Bigla mo na namang sinasara yan..." Sabay turo sa puso ko. "Wala namang masama kung itatry mong buksan yan." Ganto ba talaga ako? "Wala namang masama if you take a risk, di ba? Pwedeng maglevel up?" sabi niya

"Bestfriend kami." Ayan na lang nasabi ko. "Ayaw kong masayang yong friendship. Tsaka.. Ano ba? Ginugulo mo na naman ako eh." Tas tumawa ako.

"Adik. Bahala ka dyan. Pag napunta yan si Enrico sa iba. Ewan ko na lang sayo. Ikaw na kasi umamin. Parang P'Nam lang." biro niya.

"Wow ah! Sige. Pag no choice." Pero never ko yong gagawin. Haha.

"Oh, ayan na yong BESTFRIEND mo." sabi niya.

Tumingin kaagad ako kung saan nakatingin si Joe-ann. Kakalabas lang ng mahal kong bestfriend sa gate ng school at nakatingin din siya sa direction namin. Tas ayan na naman... Palapit ng palapit. At biglang ngumiti sa kalagitnaan ng kalye.

"That smile." sabi ni Joe-ann. Napatingin ako sa kanya. At feeling ko namula ako. Geez. Compose yourself, Trish.

"Adik." At ngumiti ako kay Sis. Ayan na siya. Nasa puso ko na naman. Chous!

Waiter, pa-order ng lovelife.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon