Chapter 13 :"> Tropicana Fruit Burst Part II

6K 80 10
                                    

Hi, guys! Sensya na kung ngayon lang nakapag-update. My laptop crashed kasi. So di ako makapagupdate. :( But i'll try to update. Promise! Rent rent muna sa computer shop. Hope you'll like this one.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hindi pa rin sila tumitigil kakaasar kay Enrico. At kung saan-saan na napunta yong kwentuhan namin dito. Hindi na rin sila nakapagpractice ng maayos. Bigla ko na lang din naisip yong oras. OMG! Practice na namin ng sayaw. Yes, sasayaw ako. Eto talaga ang pinagkakaabalahan ko. Secret lang natin. Kakatanggap lang din sa akin last month sa Dance Club ng school namin. Syempre, mabait yong leader at close close ko rin naman. Pero OMG! Hindi pa nga pala alam nila. Sige, ako na ang busy. At ngayon.... NGAYON! Kailangan ko pala magprepare ng isang solo dance number parang welcome churva sa group namin. At syempre para raw malaman kung saan ako pwedeng ipwesto.

"Hoy, tulala!" Sabi ni Paul sa akin.

"Huh? Wala may iniisip lang." sabi ko then smile.

"Eh nasa harapan mo naman si Enrico, wag mo nang isipin. Mapapagod lalo tong tropa namin." sabi naman ni Resty.

"ASANEMENDUDE." sabi ko.

"Sinong iniisip mo kung hindi ako yon?" tanong naman ni Enrico. Wow! SINO kaagad? Pwedeng ANO muna? Ikaw na. Ikaw na! OMGGGGG. Kinikilig ako.

"Sino kaagad. Pwedeng Ano muna? Selos ka naman kaagad, Homeboy?" pang-aasar ko.

"Oh nga, Enrico! Hahahaha! Basaaaaaag!" sabi ni Jayson.

at biglang nagring yong phone ko. Si Justine. Yong leader nang dance troupe na bading. Pero hindi naman halata. Buddy buddy ko rin to.

"Hello, Just?! Oh? Yup. Ready. Dito na rin ako eh. Wag mo na ako hintaying. Magpre-prepare na rin ako. Sige. Diretso nlang kayo. Bye." sabi ko.

"Sinong Just?" sabi ni Dayne.

"Si Justine. Selos ka na naman? Nag-iisa ka lang sa puso ko, don't worry." tas lingon kay Enrico. PAK! Haha. Baka magreact na naman yong boyfriend ko kuno eh. Kung makatanong kasi. Tss! Hooonggulo mo, Enrico.

"Wait lang guys. Bibihis lang ako. Tsaka Dayne, favor. Ay, Ramil na lang pala. Paset up nung audio system player. Tas patest naman tong disc na to. Solomot. I'll be back." I handed him my demo disc tas kinuha ko na yong bag ko. 

"Para saan to?" sabi naman ni Ramil.

"Para sa sayaw." The i smiled widely. Iba yong feeling ng confidence level ko pag dating sa sayaw. Feeling ko ang ganda ganda ko. Kahit hindi. Eh Carebels ba?! Haha.

Umalis na ako sa Music Hall. Multi-purpose hall talaga yon kahit hindi siya for all events. Doon kasi talaga ngpa-practice ang dance troupe ng school eh. Good thing, hindi nagsasabay-sabay mga responsibilities ko. Tsaka when i'm dancing, nawawala yong mga stress and worries ko sa buhay. Kinuha ko yong minishirt ko. Sh*t. I forgot nandon nga pala sila. OMG! Tinapat ko sa salamin yong shirt and narealize kong medyo maikli pala siya. Pero Carry ko naman. Kaso talaga. Aasarin na naman nila ako. Hay nako. Nagpalit na ako ng damit. Kailangan ito tlaga suot ko, para convincing ang performance ko mamaya. Puro magaganda kasi yong babae sa dance troupe. Ayaw kong maleft out. Kahit nerd ako. Sana naman yong confidence level nila, maabutan ko. Lagay konti ng eyeliner, lipstick at blush-on. Then i brushed my hair. Perfect na to. Ito na lang. Yong heels. Kaya to!

Naglakad na ako papuntang Music Hall. Pinagtitinginan man ako ng mga students kasi kilala nila ako at ngayon lang nila akong nakitang nakaganito. Eh magagawa ko? Part to ng sayaw ko eh. And desisyon ko naman to. Fighting na lang, Trish! Smile. Pagpasok na pagpasok ko sa Music hall, natigilan lahat ng tao... Lahat sila nakatingin sa akin. Nandito na pala ang dance troupe. Nakakahiya. Nakakatibo. Ang gaganda tlaga ng mga girls nila. -____- Tumingin ako kanila Enrico, at lahat din sila nakatingin sa akin. Tumutugtog na yong sasayawin kong kanta. Kinakabahan ako. Rawr.

"Tricia!" May sumigaw ng pangalan ko. Si Justine. Palapit na siya sa akin. Kunti lang naman nakakaalam na bakla to. Kasi kung sumayaw parang lalaking lalaki talaga. I smiled at him. "Ready ka na?"

"Yup. Medyo kinakabahan. Wait lang ah. Lapag ko lang bag ko don." Kailangan ko lumapit sa kanila na parang normal na Tricia lang. Yong inaasar asar nilang Nerd.  "Oh nangyari sainyo?" Tanong ko sa kanila. Na alam ko namang nawindang sa suot ko ngayon. Nakavarsity jacket naman ako. Pero mamaya tatanggalin ko rin naman dahil hindi bagay sa gagawin kong sayaw.

"Anong meron, Sis?" sabi ni Joe-ann.

"Hindi ko pala nasabi sayo. Nakalimutan ko rin eh. Haha! Ngayon yong solo dance performance ko sa dance troupe. For welcoming me to their group. Nagprepare ako ng dance for thanking them. Ganon kasi sa kanila eh." I explained. Nakakita ako ng Tropicana sa tapat niya. "Sayo to, Sis?! Painom ah." Kahit hindi pa siya sumasagot binuksan ko na kasi kinakabahan ako. Tas nakatunganga pa rin yong sis ko sa akin. 

"Wait, sis! Hindi sa akin yan kay ..." sabi ni Joe-ann.

"Akin yan." sabi ni Enrico.  

OMG! Nalunok ko na. Pwede bang ibalik yong nainom ko? Hala. Naman oh! Napatingin na lang ako kay Enrico. Tas ngumiti.

"Sorry. Sorry talaga." tas inabot ko sa kanya yong juice niya.

"Hindi, sige ayos lang, NERD." Pero hindi siya nakatingin. Ganon ba ako nakakailang ngayon sa suot ko? Grabehan lang.

"Thanks. Sige. Wait nyo lang ako. Sasayaw at kakausapin ko lang sila tas uuwi na tayo." sabi ko kay Dayne at Joe-ann.

Lumapit na ako kay Justine. Sumenyas na ako kay Ramil na iready na niya. Hinubad ko yong jacket ko at nilagay sa may sahig at kumuha ng chair habang si Justine iniintroduce ako sa dance troupe. 

"Hi, I'm Tricia. Thanks for giving me chance to be part of your troupe. As a thank you gift, hope you'll like my performance. First time ko lang talaga sumayaw ng solo. Haha! So bare with me. Music please."

Tas nagpalakpakan sila. And the music plays.

(A/N: play the video at the right. Isipin nyo si Tricia yong nakaorange na damit. Ganyan na ganyan ang porma at ang galaw ng sayaw.)

Sasayaw na ako. HUH!

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sorry kung maikli yong update! Next time bawi ako :) Hope you like it!

Waiter, pa-order ng lovelife.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon