Chapter 16 Part III :"> Egg pie with LOVE HATE :)

5.9K 91 17
                                    

Haha! Update ulit! Kasi naman si DJ eh. Nag-aadik na naman tuloy ako. Di ako makatulog. Grabe lang. Raped na raped na tong http://www.youtube.com/watchlist=HL1334299369&feature=player_detailpage&v=rA71l8Vfme8 video na to. :) Though meron na ako sa phone ko ng live version, grabe lang talaga! grabe lang! Ipapapulis ko na talaga tong Padilla na to namumuro na to sa akin eh! XD

Ipapakulong ko to sa puso ko. Ipagsisiksikan ko talaga siya. =))))))))))))))))))) Hay. Unawain niyo na lang ako, fan girl'ing mode. Haha. Natutuwa ako na kinikilig. Almost 1 hr na siyang paulit-ulit. Mag-uupdate na lang ulit ako para masaya ;) Tapusin na tong chapter na to. =))))

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Emo lang teh?" May nagsalita. May tao sa likod ko. Sino NA NAMAN kaya to? Kinakabahan ako. Biglang bumilis yong tibok ng puso ko. At napastop ko tuloy yong tugtog sa phone ko. Kapag hinarap ko to. Ready lang ako, baka kasi kung sino pervert na to at hindi na kakilala ko. Naaamoy ko pa yong alak. Loooord, di pa kami nagkikita at nagpapakasal ni Daniel Padilla!

"Haaaaaaay. Lord naman, tinatakot mo ako. Hindi pa ako ready mamatay. Pero Kung sino man yong nagsalita, ipaglalaban ko yong buhay ko..." ibinaba ko yong bote ng coke at pati yong plastic ng eggpie sa baba. "kasi alam ko magpapakasal pa kami ni Daniel o ni Robi." tumayo ako't humarap. At nagulat ako sa nakita ko...

"Adik. Lasing ka ba?" si Enrico. Ugh! Mukha lang akong tanga. Nagpose pa ako na parang ready na makipagsuntukan. Adik nga. Adik sayo. Umupo siya sa kabilang swing at nakatingin lang sa akin habang ako parang nakakita lang ng multo at nastuck pa rin sa kinakatayuan ko. "Hoy! Hindi kita papatayin, don't worry. Magpapakasal pa kayo ni Daniel in your dreams." dagdag pa niya.

Binatukan ko siya. "Adik ka naman, Homeboy! Pinakakaba mo ako eh! Akala ko kung sino na naman. Hay, puso ko." At hinawakan ko yong puso ko. May ibang kaba na naman akong nararamdaman kaya kinuha ko ulit yong pagkain ko at uminom ng softdrink.

"Ako pa ngayon ang adik..." sabi niya. Nakatingin siya sa akin ng straight. Namumula yong mga mata niya, nakainom nga. Medyo mapungay na yong mga mata niya siguro naaantok na kasi mga gantong oras tulog na to kaso eto siya ngayon gising na gising kasi nasa puso ko! Char. Nakipaginuman. Tss. "...ikaw nga yong nag-iisa rito ang nage-emote. Paano kung may masamang taong lumapit sayo? Napahamak ka pa." mabilis niyang sabi. Medyo seryoso pero in monotone lang dahil na siguro dala ng antok.

"Alam mo, safe rito sa village namin. Kaya nga ako kinabahan kasi may bigla bigla na lang sumusulpot sa likod ko. Tsaka ano naman kung mag-isa ako. Masaya kaya mag-isa try mo minsan." biro ko.

"Tss." sabi niya. At tumingin lang siya sa kawalan.

Nags-swing lang siya. Mukha lang tanga. Tinitingnan ko lang siya. Ano kaya iniisip nitong mokong na to? Nakakaburyo na yong katahimikan. Mabasag na nga.

"Nga pala, tapos na kayong mag-inuman? Ba't di ka pa umuuwi? Gabi na." sabi ko.

"Nerd. Kaya nga di pa umuuwi kasi gabi na. Mahirap bumiyahe. Magpapaumaga na kami rito. Tulog na nga sila dun." sabi niya.

"Aaaaaahhh." Then kain lang ako. Eh ikaw ba't nandito ka sa labas? 

"Tinext ako ni Troy sabi niya nasalubong ka raw niya kaya nagbakasakali lang ako na makikita kita." HALA LANG! MIND READER ka na rin. Umu-EDWARD CULLEN lang ang peg! "...Baka kasi paranoid ka't hinahanap mo to." May inabot siya sa akin. Shet. Yong diary ko. Nanlaki yong mata ko! Oo nga pala. Tanga lang, Trish? Bigla tuloy akong kinabahan.

Waiter, pa-order ng lovelife.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon