Scene 1: Panyo

144 7 3
                                    

Scene 1: Panyo

Naglalakad ako ngayon sa hallway ng main building.

Trip ko lang magpaka-loner. Feel ko ngayon eh. Punta na lang ako ng canteen.

Oo. may klase kami ngayon. pero bakit ba? Eh sa trip ko nga diba? -____-

Busy ako sa page-enjoy ng katahimikan nang biglang, "OMG LEX! Si Dracula oh!" Napatingin ako dun sa may malakas na boses. Yung Angelie pala, kaibigan ni Alex. Sino naman kaya yung Dracula na sinasabi niyan?

Nung tinignan ko naman si Alex, bigla siyang umiwas ng tingin. Tss.

Malalampasan na nila ako nang biglang may nalaglag na panyo sa harap ko. Dahil sa bored ako, dinampot ko ito. Pero sakto namang dinampot rin ito ni Alex. Nahawakan ko tuloy kamay niya. 

"Sayo 'to?" tinanong ko siya.

Agad naman naghiyawan yung mga kasama niya. Bakit kaya? Abnormal 'tong mga 'to. Tss.

"Ay opo. Akin nga." 

Kinuha na niya yung panyo sa kamay ko sabay sabing, "Thank you." Oo, simpleng kataga lang iyan pero malakas ang epekto sa akin niyan. Ewan ko ba.

Umalis na rin sila pagtapos nun..

Hindi ko alam pero napangiti na lang ako bigla..

Alex.. Alex....

The Phillip Padon Way (PHILLEX Momentum)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon