Scene 3: Ang Pag-iwas ko, FAILED.

82 5 0
                                    

Scene 3: Ang Pag-iwas ko, FAILED.

*kinabukasan*

Recess na namin ngayon. Nang makita ko si Alex, lumiko ako. Iwas-iwas ba.

Simula kasi nang may kakaiba akong naramdaman tuwing nakikita ko siya, natakot ako. Oo na, nakaka-bakla. -_______-

Baka hanap-hanapin ko kasi siya para lang gumaan yung loob ko. Tss. Mahirap na. Baka...AH BASTA!

Pasok na lang muna ako ng chapel, minsanan lang yan.

Pag-iisipan ko pa kung maglalaro ako ng dota mamaya. Aba, uso magbagong buhay ngayon. Try ko lang. -____-

Tahimik dito sa chapel, malamig pa. Hanep diba? Inggit ka na niyan?

Tss. Nga pala, yung tungkol kay Alex, sa tingin ko may gusto na talaga ako sa kanya. Palagi ko na kasi siyang hinahanap kahit anong pigil ko. Yan na nga ang kinatatakutan ko, baka mas lalo pa akong mahulog sa kanya.

Maling-mali eh.

Edad pa lang, mali na. Sixteen years old ako, siya fifteen. Ayoko ng ganun. Gusto ko, kasing-edad ko lang, e. Sorry naman, para sa akin kasi awkward yun.

*CREEEEECK*

Bumukas yung pinto. Napatingin ako..

TANGERMA.

Kung sino pang iniiwasan mo, siya pa ang nagpapakita.

Si Alexandra.

The Phillip Padon Way (PHILLEX Momentum)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon