SCENE 4: Kaya Ko Ba Talaga?
**
Napatingin din siya sa akin.
Leech. Ito na, awkward na.
Aalis na lang nga ako.
Pero nung lalampas na sana ako sa kanya, nagbago isip ko.
Di ko ata kaya umiwas. Takte, nababading na ba ako?
Tss. Imposible. Dahil nandito lang sa loob ng chapel yung taong gusto ko.
Yung iniiwasan ko pero hindi ko magawa.
Leech na buhay -_-
Anong nangyayari sa akin?
Tss. Eto na, eto na. Here goes for nothing, I guess.
Ehem..Ehem..
"Alex.."
napalingon siya sa akin pagkasambit ko ng pangalan niya. Mukha pa siyang gulat pero agad ding nakabawi.
"Bakit po?"
Bakit ko nga ba siya tinawag? Hindi ko rin alam. Pwedeng paki-batukan na lang ako? -_-
"Uhh..wala lang.." napa-kamot na lang ako sa batok ko. Ano ba Philip?! Mukhang ginagawa mo pang mas awkward yung situation niyo ah? Tanga ka nga, Philip! Tanga nga -___-
"Kuya Philip, sorry po. sorry."
nagulat naman ako nang magsalita siya. Nagso-sorry pa siya.
"Ha? Para saan naman 'yang sorry mo?"
"Eh kasi po tinatawag ka ng mga kaibigan ko na Dracula.." nahihiya niyang paliwanag. HAHAHA! Ako pala yun? Ice yan! Porket maputi, Dracula agad? -_________-
"Ah. Yun ba? Ice lang sa akin yun. Tsaka Alex, wag mo akong tatawagin na kuya. Hindi naman ako ganoon ka-tanda.." tsaka parang tinutusok ata yung puso ko? o naa-abno lang? -______-
She frowned. "Eh pero kasi, mas MATANDA ka sa akin ng isang taon.." Ewan ko lang pero parang ini-emphasize niya yung 'MATANDA' na word. Diba?
Napabuga na lang ako ng hangin, alangan namang apoy diba? Baka mamaya sabihin niya dragon naman ako. Hanep -_- Dracula na nga tapos may dagdag pa na dragon? Wag na uyy.
"Bakit po? May problema ka?" puna niya sa akin dahil siguro napansin niya yung pagbuga ko ng hangin. Wow, parang sigarilyo lang? Buga ng hangin o usok?
"Wala, wala. Nevermind. May sasabihin nga pala ako sayo...." Ayan. Ayan na naman ako. Ano kaya ang sasabihin ko?
Kaya ko ba?
**
Panda's note,
Abnormal ba yung spacing? HAHA! Sarreey. Sa notepad ko tinype eyy. Nagmukha bang mahaba? HAHA!
Yung sunod na chapter, jan lang sa tabi-tabi~ hahahahahaha!
Parang nagmumukhang torpe si Philip ah? XD
(PS, Mahal na mahal na mahal na mahal ko po ang EXO. HIHI. Lels~ share lang. KASO HUHUHUHU~ TOTOO BA TALAGA YUNG KAI? MABABALIW AKO!! )
Ano, salamat sa nagbabasa! :)
