SCENE 5: Ligaw mode
**
Nakatingin lang sa akin si Alex na parang naghihintay ng sasabihin ko. Tss. Paano ba yan? Mukhang kakainin ko yung sinabi ko na hindi ako pumapatol sa mas bata sa akin. Ice lang naman yan diba? Isang taon lang naman agwat namin.
"Alex, pwedeng manligaw?"
"HAAAAAAAAAAA?!"
Aray. Sakit sa tainga neto eh. Naka-lunok rin ata 'to ng megaphone tulad ng mga kaibigan niya -_-
"Ah oo. Pwede ba?"
"A-Ano, di ko alam eh."
Hahaha! May naisip ako. "Wag mo na tanungin sarili mo. Ako na lang daw. Yung sarili ko na lang tanungin mo kasi ang sagot nito ay 'oo, pwede ka manligaw'. Oh, ice ba? Liligawan na kita either you like it or you like it." kinindatan ko siya bago lumabas ng chapel.
Walkout king? Di ko kasi alam mga pinagsasabi ko dun sa loob eh. Pero paninindigan ko naman yun.
Kaso, hindi pa ngayon. Hindi pa NGAYONG ARAW.
BUKAS na lang. Para surprise :)
KINABUKASAN,
Dito ako ngayon sa tapat ng classroom nila Alex. May klase sila eh. Hihintayin ko na lang siguro matapos. Tutal, wala naman kaming klase ngayon eh.
"Phillip!" si Sid pala.
"Oh bakit?"
"Di ka sasabay samin?" uwian na kasi. Pero...
"Hindi eh. May inaantay pa ako. Kayo na lang."
"Ases. Ge, di ka talaga sasabay? Aalis na kami. Maglalaro pa eh."
"Tss. Loko. Magbagong buhay na nga kayo." Kahit kailan talaga, dota pa rin number one.
"Lol. Kala mo naman di ka adik sa dota noon. Natamaan ka lang dyan kay Alex eh. Hahaha! Ge, bye."
"Loko. Ge."
Umalis na siya. Natamaan nga talaga ako kay Alex. Di ko kasi ugali yung paghihintay. Mabilis kasi maubos yung pasensya ko. Pero kung si Alex ang pinag-uusapan, iba talaga eh.
"Phillip..?"
napalingon ako sa may pinto. Si Alex pala :)
"Uwian niyo na?"
"AYIIEEEEEEEE~ OMG OMG! ALEX!! HININTAY KA NI DRACULAAA!!"
ARAY -_____- Ingay din talaga nitong mga kaibigan niya 'no?
"Adik kayo. Nakakahiya! Wag kayo sumigaw!" sita sa kanila ni Alex. hahaha.
"Sauce. Di ka pa nasanay? HAHAHAHA! Katuwa ka talaga Lex!" sigaw naman nung Angelie ang pangalan -__-
"Oo na, oo na. Tara, baba na tayo." aya niya sa mga kaibigan niya.
Teka, iwan daw ba ako dito? -____-)7
Sumunod na lang ako sa kanila. Sa likod lang ako. Alangan naman na sa harap?
"Oy Lex, sinusundan ka ba ni Dracula?" bulong ni Angelie na halata naman na hindi niya binubulong kasi... lakas ng boses niya dude! -___-
"Baliw! hahaha. Marinig ka niyan." sabi rin ni Xherluck, ka-barkada niya rin.
"Di rin. Ge lang, pag-kwentuhan niyo pa ako."
O_________O? -------mukha nila.
"NARINIG MO??!" CHORUSED nilang pagsigaw. Wow. Bilib na ako. Pati si Alex pala nakalunok rin ng mega phone.
"Ice lang."
"OMG NAKAKAHIYAAAAAA!" Maka-react naman 'tong si Stefanie ata, barkada niya rin.
Sabay, tumawa sila ng pagkalakas-lakas.
"Ano, Phillip. Aalis na kami. Byeeee~" sabi ni Alex?
huh? Iwanan daw ba ako?
"Alex saglit lang.."
Napahinto siya.
"Ha? Bakit po?"
"San kayo pupunta?"
"Bibili lang sa kanto, Draculaaa! Tara sama ka!!" sigaw nung Angelie.
Hahaha. Kahit papaano, may nagawang tama ang bata na yan.
"Sige."
Pagkatapos nilang bumili,
"Bye, Lex. Alis na ko." paalam ni Xherluck.
"Lex, dyan na sundo ko. Bye~" sabi nung Stefanie.
"Babuuush Lexlex~ Ako'y magf-fly away na dahil ako'y hinahanap na ni Mader. Enjoooooy!" yan si Angelie. Nakakatuwa. -____-
"HOY MGA EPAL KAYO! IWANAN DAW BA AKO?" ARAY. (-_-)7 MAKASIGAW NAMAN ALEX!
"Nandito naman ako, Alex. Tara hatid na kita sa inyo.."
"HAAAAAAAAAAAAA?!"
"Oo nga. Ihahatid kita." hinawakan ko yung kamay niya tapos hinila siya ng konti.
"TEKAAAA, Bat mo 'to ginagawa?"
Hindi ba obvious? "Kasi nililigawan na kita.."
**
AYAYAYA~ HAHAHA! PUSH MO LANG, LEX!
-Panpan :) ♥
