Scene 7: Pintuan (Part 2)

48 0 1
                                    

Phillip's Part

"Pads. Pads. Pads. Pads" 

Naalimpungatan ako dun ah. Sino ba tong nanggigising sa'kin? Takte naman oh. Si Sidney lang pala.

~.O 

O.~

"Si Abrina hinahanap ka."

~.~ *3 seconds* 

O.O

Napabangon ako bigla. Tulo laway pa. Nakakahiya pag nakita ako ni Alex.

"Saan?! Saan? Kanina pa ba niya ako hinahanap?" baka kanina pa ako nun gustong Makita! -_-

Tumawa naman ng sobrang lakas si Sidney, anong nakakatawa?

"Pads. Joke lang yun. HAHAHAHA. Andyan na kase si Ma'am. Pinapagising ka" tinapik niya lang yung balikat ko habang tumatawa.

Ano ba yaaan. Akala ko totoo. 

Umupo na lang ako ng maayos, tinignan ko si Sidney ng masama. Bibirahin ko 'to pag nagDOTA kami. Putek. 

Hindi ko na alam yung mga pinag-uusapan nila. Umo-oo na lang ako, psh. Alam niyo namang si Alex lang yung nasa isip ko di'ba. Grabe, ang lakas na talaga ng tama ko sa kanya.

"MR. PADON!" napahinto ako. Eto na naman tayo eh. Minention na tuloy ako ni Ma'am. 

"Nako Ma'am. Pabayaan niyo na po yan, nag-iimagine na naman yan ng future nila ni~" 

"NINO SID? NINO? NINO?" inudlot ko yung sinabi niya. Baka mabira ko to ng di oras! Takte! Abrina yakapin mo ko! Susuntukin ko na to!

"Wala. Wala." Sabay ngisi nya sa akin. Psh! 

Pasalamat si Sidney nakakapagpigil na ako. Simula kase ng makilala ko si Alex, ewan ko ba. Andaming nagbago sa akin. Kurne. Ganun ba talaga pagnagmahal?

"Hoy Pads. Mamaya ka na muna kase mag imagine jan. Nako. Malapit na yung free day!" sabi naman sa'kin ni Lorraine sabay akmang sasabunutan ako. Tss.

Ndi importante sa'kin yung free day kung hindi ko naman makikita si Alex. Parang. Parang. Parang. May kulang pag ganun.

May kumatok bigla sa back door. Tinignan nila akong lahat, sila kase nandun sa harap. Ako lang yung nasa upuan, banda pa dun sa pintuan. No choice ako kaya ako na lang yung nagbukas.

"Ano po~" O_______O Takte. A-a-a-a-b.. 

Parehas lang kaming gulat dun. Walang umiimik. Buti kasama niya si Stef.

"Oh. Oh. Tunaw na tunaw na kayo, Tama na yan" aba aba! Ano daw?! Oy Stef! Umayos ka ah!

"Ssst. Stef. Umayos ka nga." Nagalit ata si Alex. :( 

"Oo na. kuya Pads. Si Ate Lors tsaka si Ate Ang pinapatawag daw ni Ma'am." 

"Para saan?" asa kayo. Si Alex yung kinausap ko, para di naman kami awkward.

Pero hindi sya sumagot, tumalikod lang sya.

"Uy." Bago pa sya tuluyang makatalikod, hinawakan ko yung kamay niya.

O________O ganun na ganun yung reaksyon nya, sabay bitaw. Putek! Ano ba pumapasok sa isip ko! Hindi pa nga kami, hinahawakan ko na sya sa kamay!

"Ah Ano. Stef. Sige sasabihan ko sila. P-pasok na ko." Yun na lang yung sinabi ko. SInara ko na agad yung pinto.

"Sino yun Pads? Yung future wife mo?" tae naman Sid!

"Oo." Umupo na ako at tumingin sa kanila.

Mukhang narinig naman yun ng buong room. Kaya naghiyawan sila, ngumiti lang si Ma'am. :) 

Stefanie's Part (Maby: Eh kasama ko sya nung nagtatype ako eh XD) 

"Ms. Timones." Uy sino yun? Ay si Ma'am *toot toot*

"Bakit po Ma'am?" nako naman. Hindi pa ako tapos gumawa ng rosary. Maawa ka naman sa akin. 

"Pumunta ka sa integrity, sabihin mo ipinatatawag ko si Ms. Castino at si Ms. Manaeg." Ay? Ako lang? Tinignan ko si Alex, wala syang ginagawa. Nakaupo lang sya dun. Hmm. :) 

"Alex. Alex!" isasama ko na lang sya para di naman ako loner dun. 

"Oh?" 

"Samahan mo ko sa integrity" 

"Para saan?" 

"Pupuntahan ko si Ate Ang tsaka si Ate Lors." 

"Para saan?" 

"Pinapatawag sila ni Ma'am." 

"Para saan?" 

Ako ba pinipikon ni Alex? Puro na lang 'Para saan' yung sinasabi.

"Di ko alam eh. Tara naaaa!" Hinila ko sya sa upuan niya at pumunta na kami sa back door ng integrity.

"Katok na." sabi ko sa kanya. 

"Wala ka bang kamay?" aba. Aba.

"Sige. Sisigaw ako dito na mahal mo si Padon!"  

"Kaya mo?" aba sinusubukan ako neto ah!

"SIge ah. MAHAL NA MAHAL PO NI ABRINA SII PA~" ay bastos! Tinakpan yung bibig ko! 

"Eto na nga oh." Binitawan nya yung bibig ko, sabay katok dun sa pinto.

Bumukas yung pintuan. AY SHHHHHH! 

"Ano po~" si Pads?! Woah. Coincidence or destiny? :)

Nagtitinginan lang sila dun. Aba'y. Sige magtunawan kayo jan! 

"Oh. Oh. Tunaw na tunaw na kayo, Tama na yan" sabat ko. Aynako. Mga eto. Nag moment pa. 

"Ssst. Stef. Umayos ka nga." Ayeee. Guilty! :P

"Oo na. Kuya Pads. Si Ate Lors tsaka si Ate Ang pinapatawag daw ni Ma'am."

"Para saan?" nuxx. Parehas din sila ng tanong kanina ah. Aba. Iba na eto.

Pero hindi sumagot si Alex, tumalikod lang sya. Kawawa naman si Pads.

"Uy." Bago pa sya tuluyang makatalikod, hinawakan ni. Ni. Ni. Ni. NI PADS YUNG KAMAY NIYA!

O________O ganun yung reaksyon ni Alex! Ako rin naman eh! Ano ba Pads! Gusto mo bang masuntok! Harassment yan ah!

"Ah Ano. Stef. Sige sasabihan ko sila. P-pasok na ko." Yun na lang yung nasabi niya. Pumasok na sya agad sa room nila. Bastos neto ah!

Parang tuod lang si Abrina doon. Natrauma ata. 

"Alex. Alex. Okay ka lang?"  

"Ah? Oo." Pumasok na sya sa room kaagad.

Pagpasok ko, hinarang ako ni Keziah. 

"ANONG NANGYARE? BA'T PARANG NAGING TUOD SI ALEX?!" -_-

"Hinawakan kase ni Pads yung. Yung."  

"Yung??!"

"Yung kamay niya!" bumalik na ako dun sa upuan ko, uy. Hindi ako galit, pinipigilan ko lang na magsaya kami ni Kez sa kilig. Baka magalit si Alex eh.

Tumingin ako sa kanya. At laking gulat ko.

Tinitignan niya yung kamay niya habang nakangiti.

Eto namang author, ang haba ng spacing. Pasuspense po? (Maby: HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 08, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Phillip Padon Way (PHILLEX Momentum)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon