Scene 6: Meeting her father (PART 1)
**
Naramdaman kong nanlalamig ang kamay ni Alex nang may huminto na motor sa medyo harapan namin, kaya napatingin ako sa kanya. Tapos, hinihigit niya yung kamay niya mula sa akin. Binitawan ko na lang. Alangan naman maghilaan kami dito? Sweet ba yun kung sakali? -_______-
"Pa..."
Shoot. Papa niya pala?
"Alex, sinundo na lang kita kasi mukhang uulan. Kanina ka pa?"
"Di naman, Pa. KUYA Phillip, byebye po."
So, KUYA Phillip pala? Sabihin ko sa tatay mo na nanliligaw ako,e! Ano, laban ka? XD
"Kaklase mo, Lex?"
"Po? H-Hindi."
Para masaya, nag-bless ako sa papa niya at masayang ngumiti. "Hello po. Ako si Phillip Padon future ng-------"
"HA-HA-HA! Pa, uwi na tayo?" putol sa akin ni Alex.
Buh. Bastusan? Kinakausap ko pa father-in-law ko eh -_____-
"Teka lang kinakausap pa ako ni Phillip eh." tumingin muna siya sa akin tas, "Ano ka ba ni Alex?"
"Ayy. Nanli-----------" pinutol na naman ako.
"HA-HA-HA-HA. PA! MAY BIBILHIN PA TAYO! TARA!"
"Meron ba?" nagtatakang tanong ng papa ni Alex sa sarili niya.
Weird.
Nagkaroon ng mahabang katahimikan. Sabay,
"OMG ALEX! IPAPAKILALA MO NA PALA SI DRACULA SA PAPA MO? ANO?? PUMAYAG NA BA YUNG PAPA MO NA MANLIGAW SI PHILLIP?"
Patay. ( -__________-)7
Galing mo, Angelie.
ALEX'S POV.
ANGELIE! PAPATAYIN KITA BUKAS! TANDAAN MO YAN.
"Ha? Ligaw?" tanong ni papa. Ano ba kasi yan! Ligaw ligaw, gawin ko siyang lugaw eh!
"HA-HA-HA! Nagjo-joke lang si Angelie, Pa! Joker yan sa room eh!" tapos binigyan ko ng pamatay na tingin si Angelie.
Hindi naman niya alam ire-react niya kaya tumawa na lang siya na parang baliw at sumagot, "HAHAHA! Ganda po ng joke ko po?"
O___________________________________O
Nagulat ako ng tumawa rin si Papa. Hala! Anyare?
"Si Alex? *hahaha* h-hindi *haha* yan nagpapa-ligaw *haha* kasi *haha* ewan ko *hahaha* ba dyan."
"Wow. Nakakatawa pala yung joke ko? HAHAHAHA! UNBELIBEBELS!"
Tumatawa pa rin si Angelie ng wagas hanggang sa kumalma na si papa. Tumatawa pa rin siya. Tahimik na at lahat, tumatawa pa rin siya.
"HAHAHAHA!"
ASDFGHJKL! Tumatawa pa rin siya! -___-+++++
"Hoy tama na pai!" saway ko sa kanya.
PERO....
"HAHAHAHAHA!"
Tumatawa pa rin siya. Tsss. Baliw na yan.
Tumingin ako kay papa tapos nakatingin siya kay Angelie na parang naaawa pero kasi! Natatawa pa rin si Angelie. Naaawa si papa kasi para na siyang baliw!
Tapos napatingin rin ako kay Phillip kaso!!! *///////////////////////*
Nakatingin rin siya sa akin. MY GOSH!
*IWAS IWAS TINGIN*
( --,) IWAS IWAS LANG!
IWAS IWAS LANG~
IWAS IWAS~
Maya-maya, tumigil na rin si Angelie. Buti naman.
Kaso ganto yung mukha niya-------------> (。◕ω◕。) dahil nakakita ng icecream na binebenta, yung chocolate.
Tapos tumakbo siya papunta dun.
Kaya ayun, mukha pa rin siyang baliw. Kawawa naman. Tsk. Tsk.
" *ehem* *ehem* "
Napatingin ako kay papa. Oo nga pala! Uuwi na kami! Grabe talaga eksena ni Angelie. Pang-Oscars eh. Pagbigyan niyo na yun. (-----3-----)
"Sige, Phillip. Aalis na kami ni Alex.."
"Ge po, bye." simpleng sagot niya. Aba, pa-cool masyado pre?
"Saglit, yung tungkol pala sa panliligaw mo kay Alex, totoo ba yun?"
Oh my gosh. Please wag mong sabihin kasi nakakahiya! Tsaka baka pagalitan ako ni papa! -sigaw ko sa isip ko. Hindi pwedeng malaman ni papa!
"Opo. Totoo po yun."
Owjusko TT___________________TT
"Mag-uusap tayo bukas, Padon. Sige aalis na kami."
WAAAAAAAAAAH! SERYOSO?! TT___________________________TT
PHILLIP'S POV.
Yun. Umalis na sila.
Medyo kinabahan naman ako dun. MEDYO LANG.
"HOY DRACULA!"
AY SHET. Nandito pa pala yung baliw.
"Hoy ka din! Bakit?"
"ABA! ANG SUNGIT SUNGIT MO!" sigaw niya habang kumakain ng icecream niyang tunaw na.
"Kasi naman, nababaliw ka na ba?"
"HINDI PO! BAKIT? NABABALIW KA NA BA?" (。◕ω◕。)
"Hay naku! Ewan ko sayo. Basta sa susunod wag ka nang eepal pag nandyan papa ni Alex."
"SIGE SIGE! BASTA WAG KA RIN EEPAL!"
"Ang hyper mo! Basta seryoso, wag kang eepal."
Bigla naman siyang sumeryoso. "Basta wag mo sasaktan si Alex.."
"KASI GAGAWIN KONG MARSHMALLOW YANG PANGIL MO! BWAHAHAHAHAHAHA!"
AY TAKTE. PIGILAN NIYO KO. MASASAPAK KO 'TO.
AKALA KO SERYOSO NA EH.
TSS. Ganto rin kaya ugali ni Alex?
*********
HELLO HELLOOOOOOOOO!
PANDA ISH HERE AGAIN. LOL.
PUSH NIYO YAN PHILLEX! XDDDDD
-KPanda.