Scene 2: Hagdan
Uwian na namin ngayon.
Nasa may hagdanan na kami nila Sid at Miko. Kwentuhan lang.
Tungkol sa pustahan namin sa dota. -______-
Tss. Mga weak 'tong mga 'to sa akin! Maya-maya, rinig na rinig na yung malulutong nilang halakhak. Halakhak nila Alex. Parang ang saya-saya nila. Tumingin sa akin si Sid sabay malakas na nagsalita, "Philip, may nagkaka-crush nga pala sayo na first year noh? Papatulan mo ba?"
Nabigla naman ako dun. Meron nga ba?
Napatahimik din yung sila Alex. Na tila hinihintay yung sagot ko..
Tumawa muna ako bago nagseryoso. "Hindi. Hindi ako pumapatol sa mas bata sa akin."
Tinignan ko ang reaksyon ni Alex. Hindi maipinta ang mukha niya. HAHAHA! Anong mukha yan? CR NA YAN! Dejk. Yung mukha niya, parang disappointed. Hmmmm. Astig yun ah..