Scene 7: Pintuan (Part 1)

42 0 0
                                    

Alexandra's Part

Malapit na yung FRC, oo. Uso sa amin yun as a Catholic School. Malapit na rin ang deadline ng Rosary Making, kaya eto ako. Pasok beads dito, pasok beads doon. Wag maging green! Hahahaha. Tali nylon dito, tali nylon doon.

Ang ingay ng room, papano wala si Ma'am. Kaya yung iba, gumagawa na lang rin ng rosary at yung iba. Lam niyo na. HAAAAAAAAAY! T_T

BOOOOGSH! *

Kumalampag yung pinto sa sobrang lakas ng pagkakabukas! Waah! Ano ba yan! Papansin!

"Panaloooooooooooooo tayoooo!" bungad na sigaw ni Mabelle sabay talon talon. Yan yung kaklase ko na ubod ng ingay. Nagtaka kaming lahat kung ano yung sinabi niya. Takte, nanalo saan?

"Nanalo saan?!" oo nga? Nanalo saan? Hahaha. Paulit ulit lang? ^^

Pumunta si Mabelle sa teacher's table at umupo doon. Lagot ito pag nahuli. Hahaha. Tinawag niya si Edhel Mae.

Habang nagbubulungan sila doon, may biglang napasok sa isip ko..

Si PADON.

Papansin yung author no? NakaCAPSlock talaga. Nakabold pa. (Maby: Sumesegway ako! XD)

Napahinto ako sa paggawa na beads, eh kase. Yung ligaw-ligaw na sinabi niya, nakakainis! Hagisan ko sya ng bawang para masunog sya eh! -_- (Mga kaibigan trivia muna: Alam niyo ba na si Dracula ay isang vampire? Kaya ang ibig sabihin ay kahinaan niya rin ang Allium Sativum o kilala sa tawag na Garlic/Bawang; You know, Padon is Dracula. Be back to you!)

"Ssst! Upo muna lahat!" sigaw ni Edhel. Ahm Em, nakaupo kaming lahat. 

"Ah Eds, nakaupo silang lahat." Ay paulit ulit lang Mabelle? Tinignan lang sya ni Edhel ng 'oo-na-kaya-wag-ka-na-sumabat-iaannounce-ko-na' look.

"Panalo tayo. SA FRC! Magkakafreeday tayo!" oh shete-otso! TOTOO? 

Naghiyawan silang lahat, sige makikisali din ako. Humiyaw rin ako, shunge lang? Yung totoo.

"Panalo din ba yung integrity?" bigla kong tanong.

Oh! Oh! Teka! Walang meaning yun. Dyahe. Ipit na ko sa tanong ko neto. 

Natigilan silang lahat sa pag sigaw sabay tingin sa'kin.

"Oo. Bakit?" seryosong sabi ni Em-em. Sila Stef naman binigyan ako ng 'yie-bakit-dahil-kay-padon-kaya-mo-natanong' look.

Umirap lang ako astaka umupo, sinarado na nila yung pinto, nagsibalikan na rin kami sa realidad at nagkanya-kanya.

Napangiti ako, shunge lang? 

Bakit nga ba?

Kase panalo kami?

O kase panalo rin sila? :)

------

Phillip's part

Naglalakad ako sa corridor galing sa library, babalik na ako sa room. Nakakaboryo yung ginagawa namin. Magpapa-aircon na lang ako.

Habang naglalakad ako, biglang sumagi sa isip ko yung tungkol sa pangliligaw ko kay Alex. Psh. Napabuntong hininga lang ako, alangan plema yung ilabas ko di'ba. Haay. Akala ko pa naman pag-uusapan namin ng papa niya yung kasal naming dalawa in the future, yun pala hindi.

Pwede bang umiyak? Ew. Ang bakla naman pakinggan.

Nung nandun na ako banda sa sa Fortitude, nakita ko yung maliit na babae. Si Mabelle ba yun? Tumatakbo sya tas kinalampag niya yung bukas ng pintuan nila. Kawawang pintuan.

Huminto ako saglit, rinig na rinig yung sigaw niya. "Panaloooooooooooooo tayoooo!" taktiang boses yan!

Hindi ko masyadong narinig yung mga reaksyon nila kaya lumapit ako, dyahe naman. Nakabukas kase yung pinto nila eh. Alangan magbalandra ako doon, baka kiligin pa si Alex.

Pumasok ako sa loob ng room, walang tao kase lahat sila andun sa library. Pumunta ako dun sa pinto sa likod. Binuksan ko ng bahagya. Narinig kong nagsalita si Edhel Mae.

"Ssst! Upo muna lahat!" sigaw ni niya. 

"Ah Eds, nakaupo silang lahat." Sagot naman ni Mabelle.

Nagkaroon ng katahimikan, baka nagpatayan na yung dalawa. 

Biglang nagsalita si Edhel. Oh, sya ata nanalo.

"Panalo tayo. Sa FRC! Magkakafreeday din tayo!" di nga?! Panalo rin sila?! Putek na brown!

Ano ba yan! Hindi pwede yun! Ang sabe kase, isang seksyon kada araw, eh di pag sila na yung aalis. Hindi ko makikita si Alex ng isang araw?! Papano kung may mangyare sa kanya? Papano kung makagat sya ng ahas, o madapa sya? O malapa sya ng aso? Papano ko sya ililigtas?!

Naghiyawan sila sa saya. Eh papano kaya kung sa free day nila ako sumama? Para ako tagabuhat ng bag ni Alex, ako taga-alalay. Tsaka ako din magbabantay sa kanya. Teka? Yaya na ata ako nun?

"Panalo din ba yung integrity?"

Napahinto lahat ng imahinasyon ko at bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko yun. Alam kong sya yun. SYA YUNG NAGTANONG!

"Oo. Bakit?" oo nga bakit nga ba Alex? Sagutin mo yung tanong ni Edhel dali!

Wala akong narinig na sagot. SAGOT NA GUSTO KO SANANG MARINIG!

Narinig ko yung pagsara ng pintuan nila. Psh. Sinara ko na rin yung pinto. Nakakalungkot. Umupo na lang ako at natulog.

Alex. Alex. Alex. Aleeeex. -.-ZZzzzz

The Phillip Padon Way (PHILLEX Momentum)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon