CHAPTER 4

117 14 21
                                    

Thank you so much MissPrettyAuthor para sa cover ko.. Love it talaga xD


--

THE WALKING FUTURE TELLER




*AYESHA POV*




"May mangyayaring kaguluhan mamaya. Dalawang magkaibang tao mula sa dalawang magkaibang pangyayari. Isa ang malalagutan ng hininga habang ang isa ay maiiwang naguguluhan." Bigla na lang nyan nabigkas habang nasa gitna ng pagtuturo ni Miss Weng




Ramdam nya ang mga matang nakatitig sa kanya at pagdaka ay nakarinig ng mga nang uuyam na mga tawa galing sa kapwa nya kamag-aral




"Nananaginip ka ata ng gising Miss Vavins" sabi ng isa kong classmate sabay tawa muli nito.





"Pretending that you have an ability? Such a loser Ayesha. Dream on" sabi ng isang kong kaklase na inirapan pa ako at maarteng tumawa.




"Students, stop it. Hindi na kayo bata para mag-asaran pa. Magkaroon sana kayo ng respeto sa kapwa nyo estudyante. Class dismiss. And miss Vavins come with me" sabay talikod ni Miss weng.




Patayo na sana ako ng itulak ako ng bitch kong kaeskwela dahilan para mapaupo ako sa sahig




"Wag ka na mag ilusyon Vavins. Walang sinoman sa paaralan na ito ang nagkaroon ng soul na hindi man lang dumaan sa mystical forest. In short. Your just an empty body with an assh*le life. I pity you" pagkasabi noon ay tinalikuran na sya nito at maya maya pa ay nagtawanan ang mga kaklase kong natira sa classroom.






Agad akong tumayo at nagtungo sa office ni Miss Weng na hindi ko alam kung bakit ako pinatawag





Pagkarating ko doon ay ang nakangiting mukha ni Miss Weng ang naabutan ko. Agad ako nitong pinaupo at tinanong tungkol sa sinabi ko kanina sa klase.





"Ayesha ano ang nakita mo"




"A-ano po kasi M-miss. Totoo po yung sinabi ko. Nakita ko po talaga kahit na wala akong gift. Kitang kita ko yung mangyayari na iyon. May mamamatay po na estudyante. Alam ko po mahirap paniwalaan pero nakita ko po talaga." Tarantang paliwanag ko dahil natatakot ako na pati sya ay pagtawanan lamang ako.





"Naniniwala ako sayo Ayesha. Dahil mas kilala kita sa lahat kesa sa sinumang estudyante dito sa Safirro." Taka akong napatitig kay Miss Weng sa sinabi nya na iyon. Gusto ko syang tanungin kung ano ang ibig nyang sabihin ngunit parang may bara sa lalamunan ko at hindi ko mabigkas ang anu mang salita na gustong kumawala sa lalamunan ko.






"Ayesha. Wala pa dito ang mga kaklase mo ngayon ay may gift ka na. Isa ka sa natatanging Safirrian na hindi na kailangan na dumaan sa Mystical forest para lang makakuha ng gift. Dahil Ayesha. Simula pa lang ng ipanganak ka ay taglay mo na ang gift mo." Gulantang ako sa nalaman ko dahil sino ba naman ang mag aakala na ang isang tulad ko na binubuska na walang soul ay mas matagal pa pala sa kanila na nakatanggap nito.





"Ngayon uulitin ko. Ano ang nakita mo."






Pagkasabi nito noon ay humiwalay ang soul ko sa aking katawan at nakita ko na lamang na hindi nagalaw si Miss Weng pati na rin ang katawan ko.





Pag kisap ng aking mata ay nasa ibang lugar na ako kung saan eto ang nakita ko sa aking pangitain.





Nasa isang classroom ako kung saang madameng estudyante na nakaupo habang ang isang babae ay nakabukod sa kanina. Hindi ko marinig ang pinag uusapan nila pero parang may sinabi ang isang babae na ikinasama ng tingin ng isang babae. Kaya kumuha ito ng papel at may iginuhit pagtapos bigla nitong sinunog ito at kasabay noon ang pagbagsak ng isang babae na dahilan kung bakit nagkagulo doon.





SAFIRRO ACADEMICA ( ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon