CHAPTER 1

250 22 10
                                    


-SAFIRRO SOULS-





-UNKNOWN POV-



"Gisingin mo na sya" pagdaka ay utos ko at agad itong tumalima upang gisingin ang natutulog na dalagita sa backseat ng sasakyan







Maya maya pa ay unti-unting nagmulat ang mata ng bata na kakikitaan ng blankong ekspresyon.





"Mula ngayon ang pangalan mo na ay France Lei Gonzaga. Pagtapak mo sa loob ng academica magsisimula ang takbo ng buhay mo MULI. Doon mo din makukuha ang GIFT ng Safirro sa mismong pag apak mo sa lupang kinatitirikan ng academica. Humayo ka na at pumasok sa loob." After ko sabihin iyon ay lumabas ito sa kotse at nagtungo sa mayayabong na gubat na walang bakas ng paaralan sa buong paligid.






Nagtataka ba kayo kung bakit hindi namin sya sinamahan? Iyon ay sa kadahilanang ang mga bagong estudyante lamang ang maaaaring makapasok sa Portal na iyon. Oo portal. Ang buong gubat na kinaroroonan namin ay napapalibutan ng isang ilusyon. Ang sinumang magpunta dito na hindi itinatalaga ng Safirro Fountain ay mamamatay.






Ang portal ay isang lugar kung saan mo makukuha ang gift mo.Isa itong sagradong gubat kung saan Nananahan doon ang mga Souls na may iba't ibang kakayahan. Ang Soul din ang pipili sayo kung ikaw ba ay karapat dapat sa kanya o hindi.




May tatlong uri ng soul ang nananahan sa gubat na iyon.





Ang Elemental

Fire, wind, water, earth. Apat na elemento ng mundo na pangalawa sa pinakamataas na soul o gift na maaari mong matanggap. Kasama na rin dito ang mga elementong may kinalaman sa apat na pangunahing elemento katulad ng ice, poison water. Thunder



Bibihira lamang ang mga estudyante na makakuha ng ganitong elemento sapagkat napakailap ng mga soul na ito. Mayroon din naman na ang soul ang mismong lalapit sa iyo sapagkat ikaw ang napili upang magmay ari sa kanya. May pagkakataon din na nalabas ang soul sa iyong katawan iyon ay dahil hindi sya nasisiyahan sa iyo. At iyon ang magiging sanhi ng iyong kamatayan. Pangalawa din ito sa inaayawan ng estudyante dahil kapag may ganito kang GIFT. Ang kalahati ng katawan mo ay nakabaon na sa hukay




Ang Pangalawa ang tinatawag na SPECIAL ABILITIES



May kinalaman dito ang iyong buong pagkatao. Advance ka sa nakararami.



Nahahati ito sa tatlong aspeto


Ang MIND, BODY, at SENSES





Ang Mind.
From the word itself. Kakailanganin dito ang wastong control sa pag iisip o ang abilities mo ang papatay sa iyo. Pero dont worry. Wala pa naman napapabalita na namamatay sa mga estudyante mula sa Special Abilities.


Ilan sa kakayahan nila ay
Mind reader, telekenesis, o minsan pa,kaya kayo nitong gawing baliw sa isang iglap lang. Minsan mayroon ding isipin lang nila ay agad nangyayari. Ngunit makukuha lamang ito kung ikaw ay may sapat na kakayahan at control which is wala pa nakakagawa sa NGAYON. Kaya ingat kayo sa nasa category ng mind



Sunod ay ang BODY
Bilis, lakas o anumang physical na kakayahan ay dito napapabilang. Kaya kayo nitong saktan sa isang kisapata lang.
Mga kakayahang nangangailan ng sapat na stamina upang manatiling malakas.





At ang panghuli ay SENSES

Talas ng pandinig, pang amoy, at mata. O minsan nararamdaman nila kung may panganib sa kanila. Mga palakaibigan sapagkat ramdam nila ang mapagkakatiwalaan sa hindi. Kaya kapag ikaw iniwasan ng isang taong may taglay ng ganitong kakayahan. Asahan mong iiwasan ka ng buong estudyante. Halos lahat ng estudyante sa may Gift ng senses higit na naniniwala higit kanino man. Kaya mag ingat ka din sa kanila. Dahil magaling sila sa pagpapaikot ng tao

SAFIRRO ACADEMICA ( ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon