PROLOGUE

563 26 13
                                    

_THIRD PERSON POV_


"No choice ka miss kung hindi ang pumasok sa Saffiro Academica" sabi ng babaeng istrikta ang mukha habang mataman itong nakatingin sa babaeng medyo nanginginig ang mga kamay na hawak ng mga magulang nito



"Pero nag-aaral na ang anak ko sa isang sikat na unibersidad tapos ora orada nyo syang papalipatin sa hindi naming malaman kung anong paaralan or kung nag eexist man lang talaga?" Apila naman ng ina ng bata na naiinis na rin sa pangungulit ng babaeng nagpakilalang staff daw ng SAFFIRO ACADEMICA



"Scholar ang anak nyo hindi ba? Dahil hindi nyo matustusan ang pangangailan nya. Sa Saffiro, kami pa ang magbibigay sa inyo ng sapat na halaga buwan buwan kapalit ng pag aaral ng anak nyo sa academica namin. Wala kayong gagastusin maski singko pero hindi nyo sya maaaring makita hangga't nag aaral sya. Ayaw namin ng destruksyon sa aming mag aaral." Paliwanag pa nito.

Bahagyang napanganga ang mga ito sa sinabi ng staff ng naturang paaralan. Naiimposiblehan sila sa sinasabi ng babae. Naiisip din nila na isa lang itong modus at tinatakam lang sila ng pera kapalit ng anak nila.


"A-anong sabi mo? Bi-bigyan mo kami ng pe-pera?" Mautal utal pa na tanong ng ama ng bata na bahagya pang nagdidilat ang mga mata




Tumango lang ang babaeng staff at tipid na ngumiti.




"Hoy I-ikaw. Hi-hindi kami mukhang pera para masilaw sa salapi kapalit ng anak namin. Higit na mas mahalaga ang anak ko kesa sa anumang nakasisilaw na bagay sa mundo lalong lalo na ang pera. Mamamatay muna ako bago mo makuha ang anak ko." Galit na sigaw ng ina ng bata. " umalis ka na bago pa kita masaktan" pahabol pa nito sa babae.




Napailing na lang ang staff sa narinig. Waring sa isip nito ay wala na syang choice kundi ang sabihin ang mangyayari pag hindi ito ibinigay ang bata.


"Madam. Madali akong kausap. Ganito na lang para mas madali. Ibibigay mo sya sa amin ng kusa? O gusto mong masaksihan ang kamatayan ng anak mo sa mismong harapan mo?" Pagkasabi nito ay bigla nalang hindi makagalaw ang magulang ng bata na tila may pwersang pumupigil dito at bahagyang umangat sa ere ng bata na tila nahihirapang huminga.


"Jusko ang anak ko. Bakit hindi kami makagalaw. Anong ginawa mo sa amin? Halimaw ka. Pakawalan mo ang anak ko" naghuhumiyaw na sabi ng magulang ng bata na nakalutang pa rin sa ere at nangangapos na ng hininga.


"M-mama, p-papa" sambit pa ng batang nagkukulay ube na ang mukha habang tumutulo ang luha.




" oo na.. Tama na.. Pumapayag na kami" sigaw nila at sa isang iglap ay agad bumaba ang bata sa sahig habang hawak nito ang leeg at habol ang hininga.





"Okay. Then its settled. Kukunin na namin sya ngayon. Hindi nya na kailangang mag impake ng gamit dahil may nakahanda na syang gamit doon sa academica. Eto nga pala ang paunang bayad namin sa inyo" at inabot ng staff ang makapal na sobre sa magulang ng bata na panay pa din ang iyak





Bago tuluyang umalis ay may binigkas na kakaibang lenguwahe ang babae at sinabing.




" sa araw na ito ay wala na kayong anak at ang perang matatanggap nyo buwan buwan ay galing sa isang malayong kamag anak sa ibang bansa" pagkasabi noon ay tulala lang ang dalawang taong ito. Pagkalabas nila sa bahay ay pumitik lang ito at agad umipekto sa dalawang tao ang sinabi nya.




Pagkasakay nila sa sasakyan ay tinitigan ng staff ang batang nagsusumiksik sa sasakyan at gaya ng ginawa sa magulang ng bata ay may sinabi din itong kakaibang lengguwahe bagp sabihin ito.




"Ikaw ay anak ng Saffiro. Isang kakaibang nilalang na may kakaibang kakayahan. Walang alam tungkol sa salitang pamilya at higit sa lahat. Dont trust anyone." Pagkasabi nito ng mga katagang iyon ay pumitik sya at nawalan ng malay ang bata.




---

A/n: okay lang po ba?
Btw. Sa makakabasa po nito
Naghahanap po ako ng character dito. Comment lang po kayo.

Just comment your name. Wag po real name nyo ha. Isip kayo name nyo sa story ko.

Yung ugali po na gusto nyo

Pili po ako ng makakapukaw damdamin hahaha

So sana po nagustuhan nyo yung prologo ko kahit first time ko lang maggawa ng fantasy.


Inuulit ko po.

WAITING PO AKO SA CHARACTER.

Wala po akong pipiliin na bida kasi baka mag agawan pa kayo. Hahaha.. Ge yun lang po

SAFIRRO ACADEMICA ( ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon