CHAPTER 6

111 14 12
                                    

THE BLAZING FIRE

Ang timeline po dito yung may pumasok sa Mystical Forest. Baka po kasi malito kayo..

-

*YANNA POV*

"Ano ba yan. Naliligaw pa ata ako arrgghh" kausap ko sa sarili ko habang inililibot ang paningin sa nakakapanindig balahibo na kagubatan sa harapan ko.

Kung bakit ba naman kasi sumulpot sulpot yung lalake na iyon. Kung hindi dahil sa kanya hindi ako maliligaw. Kung hindi nya ako kinulit wala sana ako dito! Kasalanan nya ito!

Sa paghihimutok ko ay may namataan ako na taong papasok sa nakakatakot na gubat na iyon. Palinga linga pa ito na animo may gagawing kalokohan kaya agad akong nagtago sa madilim na parte ng kinaroroonan ko.

Pagkapasok na pagkapasok nito ay parang may humihila sa akin na sumunod sa taong iyon kaya iyon ang ginawa ko.


Sinisigurado ko na hindi mawawala sa paningin ko ang babae. Oo babae sya base sa hubog ng katawan at sa haba ng buhok sinisigurado kong babae sya.

Sa kalagitnaan ng pagsunod ko sa kanya ay bigla itong huminto kaya agad akong napatago sa puno malapit sa akin.

'Whew muntik na nya akong makita'


"Sino ka at bakit mo ako sinusundan" bigla itong nagsalita dahilan upang bumundol ang kaba sa dibdib ko.


'Nahuli nya ako'

Dahan dahan akong sumilip ngunit nanatili lamang syang nakatalikod sa akin.

"Hindi ka ba lalabas dyan o ako mismo ang lalapit sayo at ng makita mo ang hinahanap mo" sagot muli nito bago tuluyang pumihit paharap sa akin dahilan upang makita nya ako.


Napahawak ako sa dibdib ko sa rumaragasang kabang nararamdaman ko. Para akong naestatwa habang nakatingin sa kanya na palapit ng palapit sa akin.

"Bakit mo ako sinusundan" tanong nya saktong magkaharap na magkaharap na kami

"Na-naliligaw kasi a-ako. Ta-tapos nakita kita k-kaya sinundan kita b-baka k-kasi alam mo yung d-daan pabalik kaya si-sinundan kita" utal utal kong sagot sa kaharap ko ngayon. Nakakatakot sya hindi dahil pangit sya. Nakakatakot ang aura nya.




"Umalis ka na. Ikamamatay mo ang pagsunod mo sa akin" pagkasabi nito ay binirahan nito ng alis.

Napaupo ako sa panghihinang nararamdaman. Ngayon lamang ako natakot sa isang tao at sa babae pa. All this time ako ang kinatatakutan at ginagalang pero tila bumaligtad ang kapalaran at ako ngayon ang natatakot sa isang pangkaraniwang babae.

No! Hindi sya ordinaryong babae. May kakaiba sa kanya yung tipong titig pa lang nya manginginig ka na sa takot. Si-

"Nandiyan ka na pala. Matagal na kitang hinihintay na dumating"



Napatitig ako sa isang dereksyon at agad nanghilakbot ng makita ang isang itim na nilalang na napapalibutan ng mga itim na lumulutang na bagay sa paligid nito. Hugis tao ito ngunit wala itong mukha kaya lalo akong natakot.

"S-sino k-ka! Layuan mo ako" nagsisimula ng tumulo ang luha ko sa takot na nararamdaman ko. Siguro nga ay tama sya. Napapahamak ako dito.

Palapit syang palapit sa akin habang ako ay nakaupong pilit lumalayo sa kanya. Nabglalambot ang mga tuhod ko sa takot na hindi ko na magawa pang tumayo para tumakbo.

"Banggitin mo ang pangalan ko," sabi pa nito.

Tila naumid ang dila ko at walang namumutawing salita sa akin.

SAFIRRO ACADEMICA ( ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon