A/n: thank you po so much sa cover yelongumaapoy
--
SECOND STUDENTS
*THIRD PERSON POV*
"Safirro Academica? Is that School even exist?" Mataray na sagot ng ginang sa staff ng nabanggit na paaralan.
"Yes madam. Katulad nga po ng sinabi ko sa inyo kani-kanina lang. Napili ng Safirro Fountain ang anak nyo na pumasok sa aming paaralan. Iilang tao lamang po ang nabibiyayaan ng ganitong pagkakataon kaya pinapaliwanag ko sa inyo ang patakaran ng eskwelahan" mahabang litanya ni Sequiana sa ginang na nakataas pa din ang kilay.
"Hah! Safirro Fountain. You guys are insane. Seriously A fountain. Paanong mangyayari na maliligaw ang pangalan ng anak ko sa fountain na iyan. Wala akong panahon sa inyo kaya pwede ba umalis na kayo bago pa ako magpatawag ng guard" tumayo na ito at maglalakad na sana paalis ng may sinabi si Sequiana na ikinatigagal nito.
"A wicked stepmother, A wife who killed his own husband, A stepmother having a plan to kill her step daughter, A stepmo-"
"Stop! P-paano mo na-nalaman ang lahat ng i-iyan?" Nahihintakutang tanong nito sa dalagang prenteng nkaupo pa din at nakatitig lamang sa ginang na nangangatal na sa takot.
"Diba eto ang gusto mo? Ang mawala ang anak-anakan mo para makamkam ang kayamanan nya? Now you have all time in the world. Bakit mo ako tinatanggihan? Bukod sa nawala na ang sagabal sa buhay mo. Makakatanggap ka pa sa amin ng malaking halaga na pandagdag sa pagpapakasasa mo sa mga lalaki mo" sabay ngumiti ito ng nang uuyam sa ginang.
"S-sino ka ba talaga? Bakit alam mo ang lahat sa akin? Black mail ba ito? M-magkano ang kailangan mo? I-ibibigay ko" natataranta pa nitong kinuha sa bag ang tseke at nanginginig na hawak ang ballpen.
"Madam. Mukhang hindi mo ata naririnig ang sinabi ko. All I want is your stepdaughter no more and no less" sabi nito at tumayo na habang unti unting lumalapit sa ginang
"G-go on. Kunin mo na s-sya. Wag mo lang ipagsabi ang na-nalalaman mo." Pawisan pa nitong itinuro ang kwarto ng anak-anakan at agad itong pinuntahan ni Sequiana
Naabutan nito ang dalagitang nasa isang sulok na nakaub-ob. Puro pasa ang mukha at halos mata lang ang walang latay.
Napailing si Sequiana sa kalagayan ng bata kaya agad nya itong nilapitan at inampatan ang pagdurusa nito
May sinabi itong kakaibang lengguwahe
At pagkatapos noon ay halos hindi nadapuan ng lamok ang kutis ng bata. Napakinis nito at lumitaw ang kakaibang ganda na tanging mga estudyante ng safirro ang nagtataglay. Nabura nya na din ang alaalang makakasagabal sa pagtigil nya sa academica
Pumitik lang sya sa hangin at pagkatapos noon ay biglang tumayo ng dalagita na blanko ang ekspresyon at tuloy tuloy na bumaba deretso sa kotse ng Safirro.
Gulat na gulat ang ginang ng makita ang anak-anakan na walang kagalos galos na naglalakad patungo sa labaa ng bahay. Agad tumingin ang ginang kay Sequiana at itinuro ito.
"Mangkukulam ka. Halimaw, umalis na kayo dito! Guard! Guard! Histerical na sigaw nito. Ngunit bago pa man ito makahalot ng pansin ay bigla na lamang nawalan ito ng boses.
Napahawak ang ginang sa kanyang leeg dahil sa walang nalabas ni katiting na boses sa kanya.
"Wag ka mag alala madam. Hindi ko ipagkakalat ang sikreto mo. Yun nga lang. Hindi ka na din mag eexist sa mundong ito pati na rin sa mga nakakakilala sa iyo. Magiging isa ka na lamang bangungot sa karamihan. Isang nilalang na walang makakaalala.. Ni kaluluwa ipagkakait sayo. Mabubuhay ka sa isang dimensyon na ikaw lang ang nilalang na nabubuhay. Walang kamatayang mananatili doon habang buhay." Pagkatapos sabihin ni Sequiana iyon ay may lumabas na portal sa harap ng ginang na iyak ng iyak ngunit walang nalabas ni katiting na boses. Akmang tatakbo pa ito ng agad syang hablutin ng itim na braso na nanggaling sa loob ng portal hanggang sa unti unti na itong lamunin ng portal.
BINABASA MO ANG
SAFIRRO ACADEMICA ( ON HOLD)
FantasyAn unknown Academy na biglang sumulpot na parang mushroom Seriously? Ang ganoong kalaki at kagarang paaralan ay hindi man lang kilala ng halos lahat ng tao na nabubuhay sa mundo? Pero bakit sa ibang tao. Ang pangalang SAFFIRO ACADEMICA ay itinutur...