CHAPTER 5

120 13 25
                                    

(A/n)
Morning guys. Wag magtatampo yung iba ha kung bakit wala silang solong chapter. Hush. Panget naman ng kwento diba kung puro pakilala gagawin ko. Pero andito pa din kayo dont yah wori hihi..


---
THE BEGINNING

*Sequiana pov*

"Tanya Adelle Ford" bigkas ko sa pangalan na nasa Safirro Fountain. Nakapagtataka dahil kakaiba ang pagkakasulat dito.

Dahil ang ibang pangalan na lumabas dito ay nakasulat sa pulang mga letra samantalang etong Tanya ay itim na mga letra ang lumabas.

Hindi kaya? Hindi! Hindi sya maaaring makapasok dito, baka magulo ang Safirro kung aapak sya dito. Pero bakit sya pinili ng Fountain kung ganoon?

Pinagsawalang bahala nya na lamang ang pangalang ito hanggang lumipas ang isang linggo at muling kuminang ang safirro fountain senyales na may pupuntahan na naman syang estudyante. Agad nyang nilapitan ito at nagilalas sapagkat iyon na naman ang pangalang nakalagay.

"Ayoko. Ayoko syang kunin. Kapakanan ng Safirro ang iniisip ko. Iba nalang parang awa mo na" pakiusap ko sa Safirro Fountain na patuloy ang pagkinang habang nakasulat doon ang pangalan na iyon pa rin.

"Please iba na lang" isa pang pakiusap ko bago iniwan ang Fountain na unti unting nawala ang pagkinang.

Kada araw na dumadaan ay kumikinang ang Safirro Fountain at iyon at iyon ang pinapakita na pangalan ngunit araw araw ko din itong hindi pinapansin.

Naandito ngayon ako sa school ground at nag iikot upang matyagan ang mga estudyante ng Safirro dahil ayokong magtigil sa office dahil nakakonekta doon kung nailaw ang fountain o ano. Ayoko syang tanggapin. Kung sino mang Tanya iyon. Ayoko sya tanggapin kung kapahamakan lang din ang mangyayari sa Safirro.

Napatigil lang ako ng mapadaan ako sa gift training kung saan may babaeng nagsasalita habang ang isa naman ay tila tulala.

"Totoo ang sinasabi ko sa inyo. Napaginipan ko ito. May pangahas na tao ang pupunta sa Mystical Forest at magiging parte ng Safirro." Paliwanag ng babae sa nga estudyanteng nakapalibot sa kanya.

"Hay nako Eunice Anne Somintac. Wag ka ngang ano. Panaginip lang yan. At sa pagkakaalam ko hindi ka naman nabibilang sa mind ability kaya pwede ba wag ka feeler uy. Ang mabuti pa i-sight mo na lang kung parating na ba si Sir Grey. Ambisyosa toh" at nagtawanan sila after noon.

Nakahinga sya ng maluwag sa isiping panaginip lamang pala iyon. Masyado na akong napaparanoid nitong nakaraang araw

Paalis na sana sya ng napatingin sya sa babaeng tulalang nakatingin sa kawalan at parang takot na takot sa nakikita. Pinagkibit balikat nya na lamang ito at nagtuloy na sa paglalakad


Sa kalagitnaan ng kanyang paglalakad ay may biglang sunulpot na estudyante at sinabing

"Parating na sya Miss Sequiana. Yung taong kinatatakutan mo" pagkasabi nito noon ay bigla itong nawala kaya lalong tumindi ang hinala nya sa pagkakataong iyon. Kaya nagmamadali syang pumunta sa entrada ng Mystical Forest at akmang papasok doon ng pigilan sya ng isang estudyante.



"Miss Sequiana delikado po ang gagawin nyo. Ano po ba ang binabalak nyo?" Tanong ng isang lalaking estudyante na nakatayo sa likuran nya.

"Kelangan kong pigilan kung sino mang tao ang nanghihimasok sa gubat." Pagkasabi ko noon ay umiling lang ang batang estudyante at kinagimbal ko ang sinabi nito

"Miss Sequiana wala na po tayong magagawa. Palabas na po sila ng Mystical forest" sabi nito.

"Sila? Ibig sabihin hindi sya nag iisa? Ilan sila sabihin mo sa akin at paano mo nalaman" napahawak pa ako sa magkabilang balikat nito sa katarantahan

SAFIRRO ACADEMICA ( ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon