Chapter 23: Together

10.7K 177 35
                                    


"Saan mo ba kasi ako dadalhin?" hawak-hawak niya ang aking kamay habang hinihila niya ako sa kung saang lugar niya ako dadalhin. 


Hindi ako kinakabahan o natatakot sa kanya but nakakagulat lang ang bigla niyang pag-isip ng ganito at hindi ko gusto ang gagawin niya. Masama ang kutob kong isa itong malaking kapahamakan sa aming dalawa. 


"Basta." hinila niya ako papalayo sa tinitirhan namin at ang tanging naririnig ko at nakikita ay ang mga ilaw na nasa mga tirahan ng isla at ang hampas ng mga ulan. Nagsisimula ng guminaw at alam kong nasa kailaliman na ng gabi. 


Huminto kami sa kung saan halos kita ko ang yate na aming sinakyan kahapon. 


"No way." mabilis kong winaksi ang kamay ko sa kanyang pagkakahawak. "No way Lucas. This is not a good idea." 


"Geneva, this is fun. Really .." excited niyang sagot. 


"Baka hanapin ako ni Miguel .. " nag-aalangan kong sabi sa kanya. 


Madilim na rin at kung magising si Miguel na wala ako sa kwarto ay tiyak bugbug na naman ang aabutin ko  sa kanya. I looked at Lucas' face and saw this doubt on his face painted. But then maya-maya pa ay hinila niya ang aking kamay ulit. 


"It will be just a short time Geneva." masigla niyang sabi habang tapak-tapak na ng aming mga paa ang malamig na tubig-dagat at ramdam ko ang pagtayo ng aking mga balahibo dahil na rin sa haplos ng hangin na nasa paligid. 


"Just promise  me, it will be." parang bata kong sabi ko sa kanya. Hindi ko halos makita ang kanyang buong mukha dahil may kadiliman na rin sa paligid at kung hindi sa sinag ng buwan ay sigurodong napakadilim ng lugar. 


"Yeah Promise. It will .." 


Madali naming narating ang loob ng yate habang siya naman ay nagpapandar na ng yate. I can see the islands surrounding at habang nakaandar na ang makina ng yate ay mabilis akong nakakapit bakal na pwede kong makapitan. 


Nalulula pa rin ako sa mga ganitong pangtubig na sasakyan pero nakita kong walang kahit anong naramdaman si Lucas kaya't nilakasan ko na rin ang loob ko. 


"So where are we heading captain?" I am casual on him anymore. Pabiro ko itong tanong sa kanya kaya napiling siya ng tingin sa akin at nakangiti. 


"Where do you want to go majesty?" pabiro namang sagot niya. 


"In the middle of nowhere?" mahina kong sagot sa kanya na hindi sigurado. 


"As you wish." 


Huminto kami sa isang lugar kung saan wala ka talagang makikita kundi ang buwan lang sa kalangitan at ang mga bituin. Nakita ko siyang papunta sa kung saan ako nakatayo at noong nakarating na siya ay tumabi siya sa akin dahilan ng pag-amoy ko sa kanyang gamit na pabango. 

Before He CheatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon