Nagkita kami sa isang coffee shop na malapit-lapit lang sa bahay namin. Ayaw kong bumiyahe ng sobrang haba para tunguhin lang ang siyudad. Pero kahit malapit lang sa bahay ko ang lugar at bandang ala 1 iyon ng hapon ay nakuha ko pa rin siyang pahintayin ng halos mag-iisang oras.
Nasa bahay pa ako bandang 12: 30 habang nasa coffee shop na siya at naghihintay. Hindi ko alam kung tutuloy ba ako sa pagpunta at kausapin siya pero may isang banda naman sa isip ko na dapat para malaman ko na ang lahat.
Nakatingin siya sa akin na nakangiti habang ako naman ay nakatingin lang sa kanya at walang kahit anong expression sa mukha na ipinapakita. Nang bigla ay pumagitna sa amin ang isang waiter at inabut ang menu habang tinatanong kami kung ano ang oorderin namin.
Una siyang nagsalita.
"I'll have the brewed one. What's yours Gev?" tanong naman nito sa akin.
"Capuccino with sugar." sagot ko.
Nang makaalis na ang waiter ay kinapa niya ang aking kanang kamay na nakapatong sa mesa. Nasurpresa ako sa ginawa niya- naalala ko tuloy si Miguel noon noong dirediretso niya akong kinaladkad sa kotse niya at pinasakay doon- noong tinapatan niya ako ng kasal.
Napakasupresa niyang tao at hindi mo madaling basahin. Magkakambal nga sila. Parehas sila ng asal- masamang ugali.
Binawi ko ang aking kamay sa kanya.
"Thanks for meeting me up Gev." aniya.
"I just want to know everything .. that's all Lucas."
Kahit alam kung Oo, masasaktan lang ako kapag naparito ako pero dapat kong malaman ang totoo at lahat - dahil tama na ang nagpakatanga ako ng ilang beses sa kanilang dalawa basta't ang alam ko na ngayon ay hindi na nila magagawa ito sa akin ulit ngayon.
At ito lang ang tanging paraan- ang makipagkita sa kanya. Ni Lucas.
"I want everything from the start even though may sinabi na sa akin si Zach kahapon . I want all the details complete and true, so please ang gusto ko lang ay malinaw sa akin sa lahat .. Sino ka ba talaga Lucas?"
Nagbawi siya ng tingin. "I know. That's why I am here in front of you Gev. Dahil hindi rin ikaw ang nasasaktan ako rin .. ayaw kong mahirapan ka dahil sa kasalanan namin sa iyo ng kapatid ko."
Napikon ako dahil sa awa niya.
"I don't want your pity .. start telling me all. My two ears are on you Lucas .. "
Nagsimula siyang magkwento.
![](https://img.wattpad.com/cover/62855967-288-k809031.jpg)
BINABASA MO ANG
Before He Cheats
RomanceTHIS IS THE SEQUEL OF THE: MARRYING THE BABYMAKER Geneva thought that living with him together as deciding to get the two of them married would lead hassle no more- para sa kanya at para kay Miguel . But she regretted all. Would there still be...