Scarlet Butterfly #9

11 0 0
                                    

Pagkatapos ng salo-salo namin nun sa HQ ay naglinis na kaming tatlo dun. Si Kunai kasi lasing eh, kaya di na nakatulong...

Pagkatapos nun ay nag-plano na kaming tatlo nun para sa susunod naming hakbang. Ngayong wala na sina Takatak Boss at Mabalasik, madali na naming maitutumba si Trashtalk King dahil wala na syang kakampi at matatakbuhan pa.

Kawawang Kristoff DeLarra. Ang boyfriend kong Trashtalk King...

Papatayin ka ng Gf mong si Lovely Sanchez... wala eh, ako sa Scarlet Butterfly.

..
..
..

Anyway... bukod kay Trashtalk King, meron din mga bagong breed ng Vigillante. Malamang youth din silang gaya namin. As usual kalaban namin sila, at sinabi din saaming lahat ni daddy na may siyam silang naitumbang kasamahan namin. Bilang isang leader, dapat makabawi at maipaghiganti namin yung mga kasama naming tinumba ng mga Vigillante.

At isang bagay pa pala... last na to. Medyo sablay na galaw yung ginawa namin sa loob ng school. Sana pala sa labas nalang namin sila pinatay kung ganon lang pala silang mga walang kwenta. Ang nangyare tuloy ay takot lang sa bawat isa... saka ou nga pala, sabi ni Kristoff diba kaibigan nya daw yung dalawang pinatay namin. At dahil nga Vigillante din sya, iisipin nyang Bandidos lang ang makakagawa neto. Mga 99.9% akong sure na nasa isipan nya na yan...

Sana talaga sa labas nalang namin ginawa eh. Nalaman nya lang tuloy na meron nang Bandidos Inc. sa loob ng school. Siguro mas lalong mag-iingat na sya ngayon. Kaya dapat mas lalo akong malapit ngayon sa kanya para wala na syang kawala pa.

"So... Boss ano na po ang susunod na hakbang natin?" --5'6

"Siguro aaaaammmmmm... bawasan muna natin yung bilang ng mga bagong Vigilante" --Ako (Scarlet Butterfly)

"Eh paano naman si Trashtalk King?" --Tanong ni Hugo Strange

"Sa susunod na muna siguro, pero babantayan natin ang bawat kilos nya. Pag-aaralan din natin yung mga galawan nya at kikilalanin din natin yung mga kaibigan nya..." --Sabi ko

"Sige, bukas na natin simulan to at... uwi na muna ako. 12:45 na, may class pa kami bukas eh" --Sabi ko, papasok pako ng class bukas eh

"Sama nako sayo Boss... ou nga pala may class din pala ako" --Hugo Strange

At nauna na nga kami ni Hugo umuwi nun. Habang naglalakad kami pauwe ay nagdadaldalan kami...

"Boss, aaaaammmmmm... hanggang kelan ba tayo magkukunwareng magkapatid lang?" --Hugo Strange

"Pag nasa-school lang naman eh. Ayaw mo ba nun? Para kahit malaman ni Kristoff na Bandidos ka, hindi ka nya sasaktan kasi pagkakaalam nya kapatid kita" --Ako

"Ano naman kung saktan nya ako? Mas kawawa sya saakin kung tutuusin" --Hugo Strange

"Wag mong mamaliitin ang kalaban Hugo, hindi natin alam yung ibang kakayahan nya" --Ako

"So... sinasabi mo saaking mas malupet at mabagsik sya?" --Hugo Strange

"Huh?! Ano ba yang pinagsasasabe mo? Wala akong tinutukoy na ganyan Hugo" --Ako

"Bakit ba kailangan pa nating patagalin ang pagpuksa kay Trashtalk King? Madadalian na tayo ngayon kasi nag-iisa nalang sya" --Hugo Strange

"Kay Takatak Boss pa nga lang palpak ka na... kay Trashtalk King pa kaya... manahimik ka nga muna dyan Hugo" --Ako

"Wala ka bang tiwala saakin? O pinagtatanggol mo lang talaga si Trashtalk King... kasi mahal mo sya..." --Hugo Strange

"Ewan ko sayo Hugo... bahala ka nga dyan. Gulo mo kausap, ikaw kamo tong walang tiwala saakin. Ayaw mo magtiwala sa mga plano natin. Buti pa si Zingco at Kunai sumusunod eh, ikaw lang tong pasaway... sige maiwan na kita. Uwi nako..." --Sabi ko

At nauna na akong sumakay sa jeep nun patungo saamin. Mga 1:30 na nang makauwe ako. Kulang na kulang nanaman ako sa tulog amwala...

Sa eskwelahan, hindi kami sabay ni Kristoff na pumasok. Mas nauna ako sa kanya, at dito nako ulet sa seat sa tabi nya. Natingin ako sa seat ni Angelou at andun naman sya, kala ko magkasama nanaman sila eh. Sa tagal ni Kristoff dumating ay napatungo nalang ako at nakatulog.
..
..
..
..
"Kristoff?!" --Sabi ko

"Halika dito beh dali... nag-iinit nako" --Yaya nya

Sabay niyakap nya ako nun hanggang sa napasandal nalang ako sa pader at pinipilit nya akong halikan sa labi!

"Kristoff anu ba?! Lumayo ka nga sakin!!" --Tinulak ko sya palayo nun, bumalik sya muli nun na para bang libog na libog saken.

Lumapit muli sya saakin at ganun padin, pero nagawa nya akong mahalikan nun, at para bang na blank ang isipan ko nun. Natanggalan nya ako ng damit nun, at natanggalan ko din sya... bigla nalang ako naging sabik din kay Kristoff nun, pero biglang nagbago ang lahat nang magkaroon ng pulang damit si Kristoff.

"Ikaw nga... ikaw ang pumatay sa mga kaibigan ko!!!!" --Kristoff?!

"Kristoff?! Ano bang nangyayare?!" --Sabi ko, habang naglilisik ang mga mata nya saakin na parang gusto nyako patayin

"Ikaw.... ikaw ang pumatay sa mga kaibigan ko?!!!!" --At saka sumugod si Kristoff saakin, or I should say... si Trashtalk King?!

Then nakita ko ang sarili kong nakadamit na, habang hawak ang maskara ko.

At nagsisugod mula sa likuran ko sina ZingcoSais, Hugo Strange, at Kunai... ang team ko.

Pero isa-isa din silang pinatumba nito. Sobrang lakas nya... na sa isang iglap lang, ako nalang ang natitira para sumugod sa kanya...

Nang papalapit na saakin si Kristoff nun ay nilampasan lang ako neto. At sinugod nya yung nasa likod ko. Pero nang sinalakay yun ni Kristoff na nabaril sya at saka sya napatumba. Kinagulat ko iyon at napalapit ako sa kanya nun?!

"Kristoff?! Hindi pwede to?! Kristoff?! Hindi ka pwedeng mamatay, wag moko iwan!!" --Ako

"Mahal kita... pero bat kailangang mangyari to saatin..." --Huling salita ni Kristoff, bigla nalang syang napatigil nun...

"Kristoff?! Kristoff magsalita ka oh?! Kristoff hindi?!?! .... KRISTOFFFFFFFFFFFFFFF!!!"
..
..
..
..
..
..
..
..
..
..
..

"Oh beh, gising kana? Hahaha :) mukang puyat ka ata aaa? Goodmorning" --Bati ni Kristoff na katabi ko na ngayon...

"Ou nga eh... kinulang lang ako ng tulog beh, kanina ka pa dyan?" --Tanong ko

"Ou naman. Pinapanood lang kita matulog. Ang cute mo nga eh hehehe! :)" --Kristoff

Langhiya, panagip lang pala ang lahat ng iyon, pero salamat na din buti nalang di totoo yun. At andito na si Kristoff sa tabi ko. Haaaaaaayyyyyyyyyy ;)

Ang weird ng panagip kong iyon kahit na hindi ko na halos matandaan yung nangyari.

"Beh, may bad news pala ako..." --Kristoff ♡

"Anu yun beh?" --Tanong ko?

My Trashtalk Love (NAGBABALIK 2017!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon