Scarlet Buttetfly #11

5 0 0
                                    

Naalala ko bigla na naiwan ko pala yung picture ko dun sa ilalim ng kama ni Kristoff, pero di ko pansin naibulsa ko yung listahan. Kaya kinuha ko iyon sa bulsa ko... at nanlaki ang mata ko sa mga nabasa ko?!?!

"Oh my freakin' God... shit... Trashtalk King.... King Ina!!!!!!"

Reaction ko ng makita ko ang nilalaman ng listahan ni Kristoff o ni Trashtalk King. Binansagan nya itong 'Hit-List'

Hit-List:
1. Kilalanin at Upakan ang traydor sa Vigillante Club:
"Sherwin Valencia - CN: ???????"

2. Umiwas sa kalabang bandidos

3. Makakuha pa ng madaming info about sa B. Incorporation
"Contacts, leader... Hugo Strange"

..

Yan ang nilalaman ng Hit-List ni Kristoff... maswerte ako at buti nalang, nadampot ko to bago pa sya umalis dito sa maynila. Himay-himayin natin yung nilalaman ng listahan.

Una daw, uupakan nya ang traydor sa Vigillante Club... na ang pangalan ay Sherwin Valencia. Ang codename ayon sa sulat ni Kristoff ay puro question mark. It's either hindi alam ni Kristoff ang codename na gamit nung traydor... or hindi sya member ng Vigillante Club, pero meron syang confidential files ng mismong grupo. Actually, hindi ko rin kilala tong Sherwin Valencia na to. Hindi ko pa alam kung anong gagawin tungkol dito.

Pangalawa naman ay ang umiwas sa Bandidos... Hhhhhmmmmmm... wait lang?! Umiwas sa Bandidos?! What the fuck?!

Oo nga noh?!

Magmula ng umusbong yung isyu nung pinatay namin yung dalawang Vigillante... malamang ay alam nyang Bandidos lang ang gagawa nun, kaya siguro ngayon ay nagdadahilan syang babalik na sya sa Antipolo! Babalik sya doon sa bayan nya para lang takasan kaming mga Bandidos! Paano kung totoo nga na eto talaga ang dahilan? At hindi totoong nawalan ng trabaho ang tatay nya at di sila naghihirap ngayon?!

Kaya siguro ayaw nya akong tulungan sya kasi dahil nga sa umiiwas na sya sa Bandidos. Alam nya nang nasa school na kami pero di nya kami direktang matutukoy kung sino-sino kami doon.

Nakakapagtaka lang... bakit hindi sya lalaban... kung sya nga ang tinaguriang 'Pinaka malakas na Vigillante' na youth member?

At paano nya hahanapin si Sherwin Valencia kung aalis sya ng Maynila?

May pangatlo pa pala anyways...

Pangatlo naman ay makakuha ng madaming infos about sa grupo namin. At noted nya dun ay 'Contacts: leader, Hugo Strange' ... nako tsk tsk, pahamak talaga tong si Hugo kahit kelan eh. Hindi ko sure to, pero paano kung may mobile number na nga si Kristoff kay Hugo? Number lang kaya ni Hugo ang meron sya?

Sa pamamagitan nyan, maaring ma-trace ni Kristoff kung nasaan si Hugo at pag nagkataon... nako... patay sya sa kanya...

Pero bat kaya may nakalagay na 'Leader'?

Baka akala ni Kristoff na si Hugo ang Leader ngayon sa Youth Batch ng Bandidos... hindi nya siguro alam na ako ang leader at tauhan ko lang sya...

Siguro nga tama ako noh?

Yeah, oo nalang. Anyway meron pading mga katanungan na hindi mabibigyang kasagutan kasi, ang labo pa eh... at... at tangina di ko na alam ang gagawin. Naguguluhan lang ako sa kakaisip...

Basta... dapat talaga hindi mawala si Kristoff sa paningin namin. Dapat alam namin kung nasaan sya, at kung anong ginagawa nya...

Isa pa, ay ang kilalanin at hanapin na din si Sherwin Valencia. Kailangan kong ipapaalam to sa mga kasama ko. Gusto ko malaman kung anong meron sa pagkatao nya, at kung paano sya naging traydor sa Vigillante Club. It's either gawin ko syang alagad, o patayin nalang sya. Or hhhhhhhhhmmmm...

..
..
..
..
..

Pumasok ako sa eskwela nun, at pagdating ko dun ay umupo lang ako sa seat ko na nanahimik lang ako. Umaasa ako papasok sya ngayon sa class namin kaso... wala eh. Nagturo na samin mga prof namin nun pero wala pa din sya.

Nung breaktime namin. Magkakasama ulet kami nina Hugo at Froilan nun mag-recess.

"Matanong ko lang ha... may kilala ba kayong lalaki na 'Sherwin Valencia' ang pangalan?" --Ako (Lovely)

"Narinig ko na yang pangalan na yan dati... Vigillante yan nuh?" --Hugo

"Vigillante sya na kaibigan ko. Sya si KingCobra..." --Froilan

"KingCobra ang codename nya... so hindi lang pala si Trashtalk King ang hari sa kanila?" --Sabi ko

"Batch 7 si Trashtalk King. Batch 8 naman si KingCobra..." --Froilan

"Aaaaaaaa... madami kang alam tungkol dun sa Sherwin na yun ha?" --Hugo

"Bago pa kasi ako maging kagrupo nyo sa Bandidos, naka-engkwentro ko na sya dati bilang Vigillante din. Nakidnap ko sya mag at dinala ko kay Godfather Asiong. Tapos binayaran sya ng tatay mo para maging espiya ng Bandidos sa Vigillante Club" --Froilan

"Nagtaksil pala sya sa Vigillante Club para sa pera... hhhhhhmmmmm..." --Ako

"Ou ganun na nga, at napaka-halaga ng kontribusyon sya saatin. Kay KingCobra galing ang intel natin sa mga Vigillante. Sakanya galing yung files na meron tayo... files ng Vigillante Club Youth Batch 007, nakapaloob lahat doon. Yung tunay nilang pangalan, codename, edad, birthday, address, pangalan ng magulang, e-mail accounts at kung ano-ano pang detalye tungkol sa kanila" --Froilan

Kay Sherwin Valencia pala galing ang mga intel namin, okay... medyo nagegets ko na. Kaya sya gustong maupakan ni Kristoff kasi nagtaksil sya at dahil sa kanya ay nabunyag ang pagkatao nya. Tamang dahilan lang talaga para salakayin sya ni Kristoff.

"Kaso kasabay naman nun ay ang pagkakabunyag nya bilang traydor sa Vigillante. Kaya sya nagtatago ngayon. At kaya naman kami naging magkaibigan kasi pinagtanggol ko sya dati sa mga Vigillante na nagtatangkang puksain sya at syempre pareho kami ng hilig. Ang mga patalim..." --Froilan

"Mukang may kaylangan ka ata kay KingCobra boss..." --Hugo

"Yun na nga eh... saan ko ba sya mahahanap?" --Tanong ko kay Froilan

"Yan ang hindi ko na masasagot ngayon boss... mga limang buwan na din ang nakakalipas nang huling magkita kami sa Marikina... ngayon di ko na alam kung saan na sya nagtatago" --Froilan

"Sayang... sa ngayon, bukod sa dapat mabawasan natin ang bilang ng mga Vigillante at maitumba si Trashtalk King... Dapat nating maunahan ang mga Vigillante kay KingCobra. Kailangan natin si KingCobra, para mapalapit saatin si Trashtalk King" --Sabi ko

"Bat naman?" --Hugo

"Kasalukuyang hinahanap din ni Trashtalk King mag-isa si KingCobra. Gagawin natin syang patibong para mahulog saating ang mga Vigillanteng yan" --Ako

"Ou nga noh... magandang ideya yan boss..." --Froilan

"Kaso hindi ko pa alam kung nasaan si Trashtalk King ngayon, dahil nabalitaan kong lilipat na sya ng bayan. Babalik daw sya sa Antipolo, at pag naandoon na sya ay hindi na tayo madadalian pa sa paghahanap sa kanya. Di rin natin alam kung nag-sisimula na ba syang maghanap para kay KingCobra, kaya hanggat maari ay dapat maunahan natin sya sa kanya" --Ako

"Sige, okay po saakin yan" --Hugo

"Saakin din. Gusto mo ako pa kumausap sa kanya eh..." --Froilan

"Sige ba. Sa ngayon... yung ang napapaloob sa plano natin!" --Ako

..
..
..

#LovelyScarletButterfly #HugoStrange #FroilanKunai #MustHaveKingCobra

My Trashtalk Love (NAGBABALIK 2017!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon