"Mara naman eh! Sige na, pengeng lima! Maganda ka naman eh hihi."
sabi ko with matching puppy eyes at pa-cutie face pa.
"Hay nako, ugh." *facepalm*
"Totoo kaya tas ang fresh-fresh mo pa nga. Huhu sige na, pengeng lima!"
"Hays! Oo na, sige na! Eto na nga lima mo oh." sabi niya na medyo nakukulitan sa akin.
"Yey! Hihi bait mo talaga Mara! Ang ganda mo talaga, lalo na 'pag nakatalikod ahihi." sabi ko tas agad na akong umalis with matching very bright smile on my cutie face.
Narinig ko pa na may sinabi si Mara pero 'di ko nalang pinansin kasi ang next target ko ay si Clara.
*talon* *talon* Habang masayang naglalakad. "Lalala~ Hop! Lalala~ Hop!"
Hmm...tinignan ko ang right hand kong may mga barya. Mukhang marami-rami na rin 'to ah. Hihi. Vacant kasi namin ngayon eh ang boring, walang magawa. Tinatamad pa rin akong magreview, saka maiingay mga kaklase ko eh. Malapit na rin kaming maglunch time kaso mamaya na kumain kasi kari-recess lang namin. Naglalaro lang naman ng Piano Tiles 3 mga kaklase ko. Gusto ko sanang maki-join kaso 'wag na, mabilis lang akong mataya huhu. Maduga kaya, ang tagal kong nag-iintay for my turn tapos kapag ako na, mga 10 seconds lang, taya na agad ako! Hays. Kaya eto, lumabas muna ako ng room at naghahanap o nanghaharang ng mga kakilala para makapanghingi ng kahit magkano na pera. In short, mangurakot. Hehe.
Note: Huwag gagayahin, hindi maganda itong gawain.
'Di ko naman talaga gawain 'to eh. Nung isang araw kasi, may nakita akong dalawang freshmen students na kinukulit yung kakilala nila na bigyan sila ng kahit magkano. Tapos may ilang ka-close rin silang ginanun kaya ayun, na-curious ako sa pinaggagawa nila at nalaman ko nalang na pangungurakot ang tawag sa gawaing iyon. Nagka-idea akong i-try kaya heto, nagwork naman. Wahahaha!
Pero 'wag talaga akong tularan. Masama sa lipunan.
Ok! Asan na ba kasi si Clara? Baka naman absent. Nakilala ko sila ni Mara doon sa kabilang room. Medyo nag-FC na ako sa kanilang dalawa para naman dumami yung followers at likers ko sa instagram. @BeautyBFHLCamacho. Follow mo ako, followback kita. Floodlikes at pusuan ko pa dp mo.
Ay oo nga pala, nakalimutan kong mapagsabihan kanina si Dwayne. Section 1 yun eh, kaso hayaan na nga. Akala mo naman kung sino siyang pogi. Excuse me, sa ganda kong 'to, hindi siya pwede sa akin. Char.
Hays! Napapagod na ako, stop na nga ako sa pangungurakot. 'Wag niyo talaga gagayahin ito. Malilintikan kayo sa nanay niyo. Ako? Ngayon ko lang naman 'to nagawa eh. Ewan ko lang kung uulitin ko pa. Pero biro lang. 'Di na, kasi nakonsensya ako eh. Boo.
Marami na 'tong naipon kong pera. Mga nasa 30+ na 'to. Ok na 'tong pambili ng burger at choco shake mamaya sa canteen. Yeah! Charot. Itatago ko nalang muna 'to para magamit sa tamang bagay. Makabalik na sa room para makapagpahinga. Naikot ko na rin yatang 'tong whole campus namin eh.
Nang makabalik na ako sa room...
"Why are you late Ms. Camacho?!"
Ohmaygulay. O___O
"Ah eh...Ma'am, naglakad lang po ako saglit...para ano, mag-cr."
Oo, nag-cr naman talaga ako kanina bago mangurakot.
"Ok, you may sit down..."
Hay, salamat. Whew! Kinabahan ako nang konti doon ah.
"And answer this problem no.1 then after that, write your solution and final answer on the blackboard."
BINABASA MO ANG
Sparks'
RomansaMasayang naglalakad si Girl, habang kumakanta siya ng "Sparks Fly". Lalala~ Lalala~ Nang bigla siyang natapilok, napaluhod at nagpagulong-gulong sa gitna ng highway, at nako... muntikan nang mawalan ng malay. Ay, tanga. Maluha-luha siyang tumayo tap...