Page 5

10 1 0
                                    

"Ang tagal naman!"

"Oks lang 'yan. Kinakabahan nga ako, baka may recitation tayo eh."

"Ano ka ba? Last subject na kaya 'to, malamang baka hanggang sa maubos ang oras natin nandito pa rin tayo!"

"Aish! Ang iingay! Ssshhh lang kayo oh! May nagka-klase. Mapapagalitan pa tayo ni Ma'am nyan eh."

Hays. Nakapangalumbaba lang ako habang nakaupo sa hagdan na malapit sa room ng last subject namin.

Tagal naman kasi matapos ng klase ni Ma'am! Madalas overtime eh. Pero sabagay, masipag kasi siya. Hindi tulad ng iba na basta maituro lang ok na. Yung tipong naintindihan na ng top 1 at top 2 yung lesson, ok na. Wala nang pakialam sa mga hindi nakaintindi. Hays!

Si Ma'am Grace Arcel kasi ang tipo na teacher na hangga't may hindi nakaka-gets ng tinuro niya, hindi niya lulubayan. Medyo strikta siya pero mabait at masipag naman. Maraming matututunan talaga.

"Goooodbyeee Ma'am Arceeeel! See you on Mondaaaayyy!"

Narinig na namin ang pagpapaalam ng section 3. Yey! Sa wakas, kami na ang susunod! Kaso kinakabahan din ako dahil baka may recitation kami. Gawain din ni Ma'am yan pagkatapos ng lesson o kaya kapag trip niya lang. Huhu. Talagang mapapa-aral kang sagad dyan. Araling Panlipunan pa naman subject namin. Maraming kailangang kabisaduhin. Tinatamad ako. Huhu. Kaso mapapahiya naman ako kung ngingisi lang ako sa harap ng klase habang nagpa-puppy eyes kay Ma'am. Parang tanga lang. Bawas ganda pa. Dapat beautiful and brainy!

Ayan. Nagsisilabasan na ang mga students. Nakapila na kami sa gilid ng room para maghandang pumasok isa-isa. Medyo masikip at nagkaka-gitgitan pa dahil hindi naman ganon kalawak ang espasyo tapos medyo magugulo pa. Hays!

Ako ang nasa unahan ng pila. Kaiingay lang. Hay! Tinitingnan ko lang ang mga students na lalabas at tatanggalin ang shoe rug nila bago tuluyang lumabas ng room. Pero may isang estudyante na nakahuli ng atensyon ko.

Actually, matagal ko na nga yata siyang nakikita kasi isa siya sa mga nauunang lumalabas ng room. Hindi ko lang gaanong pinagtutuunan ng pansin. Pero ngayong nakita ko ulit siya, parang may something. May something sa akin na hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

Ayon. Simula noong araw na iyon, lagi ko siyang inaabangan.

Arghhh! Kaimbyerna! Ano ba ito at bakit ganito?! Nasabi ko na bang mukha siyang artistahin at mas kabog ang itsura niya kaysa sa mga anime guy na napapanood ko? Kainis! Tapos ang tahi-tahimik pa. Parang may sariling mundo. Masungit. Parang walang kaibigan at ayaw kumausap sa tao. Pero may mga tropa naman siya kasi nakikita ko pero bakit sobrang cold niya. Ano kayang problema nito.

Aaaaahhh! Kaasarness ha. Gusto ko sana siyang lapitan kaso wala naman akong tapang ng hiya para gawin yon hano. May tapang lang naman ako ng hiya pagdating sa libre e. Hehehe.

Pero may times na nakita ko na siyang ngumiti, yun nga lang, hindi todo. Pwede na yun 'no. Huhu gusto ko ngang maluha non tuwing makikita ko kasi... huhu ang cute. Rare lang 'yon, aba! O, pagsasabihan ninyo na naman ako na mukhang tanga? Tanga, kung kayo kaya ang nasa sitwasyon ko.


Siyempre, walang agree.


At saka---

Sparks'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon